PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Twins Joj & Jai to Netizens: We Care for Our Dog.

Joj Agpangan: "Hindi kami yung sa shih tzu, hindi kami yung sa 4th Impact."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 19, 2024
 Joj, Jai Agpangan mistook as 4th Impact members
A TikTok live-selling video of former PBB twin housemates Joj (left) and Jai Agpangan (right) went viral after the two denied they were part of the 4th Impact which recently drew flak for launching a fundraising campaign for 200 shih tzu dogs.
PHOTO/S: Joj Agpangan Instagram

Nagbigay-aliw sa netizens ang live selling sa TikTok ng kambal na sina Joj at Jai Agpangan noong March 15, 2024.

Ito'y matapos nilang sagutin ang pauli-ulit na komento ng ilang viewers na napagkamalan silang mga miyembro ng girl group na 4th Impact.

Sa video na nai-record ng isang netizen, mapapanood sina Joj at Jai na pine-flex ang itinitinda nilang flavored popcorn nang biglang may mag-comment tungkol sa umano'y pagpapabaya nila sa mga alagang shih tzu dogs.

Read: 16 celebrity twins in Philippine showbiz

Mababasang komento ng isang netizen (published as is), "SANA IPA-adopt NIYO NA LANG YUNG MGA SHIT TZU."

Sabi pa ng isa, "Pakawalan nyo ang mga shit tzu."

Depensa naman ng dalawang dating Pinoy Big Brother: Teens Edition 4 (2012) housemates, wala silang pinapabayaang aso at hindi rin sila miyembro ng P-pop girl group.

Natatawang saad ni Joj, "Mahilig kami sa aso, bakit naman namin sila aanuhin?

"Hindi nga kami to, hindi kami yung sa shih tzu, hindi kami yung sa 4th Impact.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Joj and Jai po kami.

"Guys, ano ba yan, maawa naman kayo. Nag-a-assume kayo nang iba-iba.

"Dalawang impact lang kami ni Jai, nakikita niyo ba? Hindi kami talaga yung sa 4th Impact!"

Dagdag naman ni Jai, "Oo nga, nasaan ang hustisya?

"Nakakaloka kayo, guys, for the shih tzu e, maalaga kami sa aso.

"Walang kaming kaalam-alam dun.

"Tsaka, guys, kung stressed man kayo sa buhay, huwag niyo kaming isama ha.

"Kain na lang kayo ng popcorn."

@midnightwalker1990 Tawang tawa ko sa mga comment, jusko dong, nadamay pa yung 2 sa issue. ???????? #4thimpact #jojandjai #shihtzu #onlinelimos #fyp ? original sound - Gary

NETIZENS REACT

Sa comments section ng uploader ng video, bumuhos ang komento ng netizens na naaliw sa pagsagot nina Joj at Jai sa maling akusasyon sa kanila.

Ayon sa ilang netizens, maaaring pinagkamalan ang dalawa dahil sa pagkakahawig nila sa magkakapatid na sina Elvira, Irene, Mylene, at Celina Cercado—na totoong mga miyembro ng 4th Impact.

Read: 4th Impact's next chapter unfolds; ready to conquer global stage once again

Sabi ng isang netizen, "Magkakahulma kasi sila ng 4th Impact."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hirit pa ng isa, "HAHAHA aliw to. Nadamay pa yung kambal sa kasalanan ng 4th Impact [laughing in tears emoji]."

Ang tinutukoy ng netizens ay ang kontrobersiyal na fundraising na isinagawa ng 4th Impact kamakailan para sa ipatatayo sana nilang "dream land" sa kanilang 200 shih tzu dogs.

Noong February 28, 2024, sinimulan ng grupo ang paghingi ng donasyon sa publiko sa pamamagitan ng paggawa nila ng GoFundme page na may titulong "DREAM LAND FOR OUR 200 SHIH TZU DOGS."

Kinakailangan daw nilang makalikom ng $10,000 o katumbas ng PHP560,275 para maisakatuparan ito.

Sa post, ikinuwento rin ng 4th Impact member na si Elvira kung paano nagsimula ang pagkahilig nilang magkakapatid sa shih tzu hanggang sa mapadami ang mga ito.

Ngunit may kaakibat daw itong problema dahil may ilang kapitbahay na silang nagrereklamo dahil sa ingay ng mga aso.

Kaya kahit mabigat sa kanilang kalooban, minarapat na raw nilang paghiwa-hiwalay ang mga alagang aso at ilipat ng bagong tirahan kaya sila humihingi ng tulong sa publiko sa pamamagitan ng paglulunsad ng fundraising.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis itong kumalap ng batikos, kunsaan marami sa netizens at pet owners ang kinuwestiyon ang pagkakaroon ng ganoon karaming aso ng 4th Impact kung hindi naman pala nila kayang ibigay ang pangangailangan ng mga ito.

May iba pang tinawag ang grupo na "irresponsible dog owners" dahil hindi raw nila dapat hinayaang dumami nang ganoon ang mga alaga sa pamamagitan ng backyard breeding.

Matapos batikusin, mabilis na binura ng grupo ang kanilang GoFundme link.

Read: 4th Impact takes down GoFundme page for 200 dogs after backlash

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A TikTok live-selling video of former PBB twin housemates Joj (left) and Jai Agpangan (right) went viral after the two denied they were part of the 4th Impact which recently drew flak for launching a fundraising campaign for 200 shih tzu dogs.
PHOTO/S: Joj Agpangan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results