Ikinatuwa ng fans nina Miles Ocampo at Elijah Canlas ang posibilidad na pagbabalikan ng ex-couple.
Ito'y matapos aminin ni Miles na kasalukuyan nilang inaayos ni Elijah ang nasira nilang relasyon.
Sa panayam ni Miles sa Frontline Pilipinas nitong Lunes, March 18, 2024, nausisa siya tungkol sa naging bakasyon niya sa Hong Kong kamakailan.
Tanong ng entertainment reporter na si MJ Marfori, kung dito ba ay kasama niya si Elijah.
Sagot ni Miles, "Hindi po. Mga kapatid ko po and parents ko. Family time."
Sundot na tanong ni MJ, "Kayo na ba ulit [ni Elijah]?"
Maikli ngunit nakangiting sagot ng Eat Bulaga! host, "Let’s see. We’re working on it."
Read: Maja Salvador mum about Miles Ocampo-Elijah Canlas breakup
Ang sagot na ito ni Miles ay nagtutugma sa naging rebelasyon ni Elijah kay MJ Felipe nang eklusibong siyang makapanayam ng ABS-CBN noong March 12.
Dito, natanong si Elijah ni MJ kung parte ba ng kanyang 2024 goal ang paghahanap ng bagong pag-ibig matapos niyang mahiwalay kay Miles.
Ani Elijah, "Looking for love? What if love pa?
"There's always love within us, right? There's always love within us... and I have so much love to give, you know.
"Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I'm willing to give it to anyone who's willing to accept."
Read: Elijah Canlas, Miles Ocampo admit relationship
Pagtatapat pa ng aktor, nananatili silang magkaibigan at may komunikasyon ni Miles kahit nauwi sa hiwalayan ang halos dalawang taon nilang pagmamahalan.
Huling namataang magkasama sina Miles at Elijah sa birthday party ng co-host ni Miles sa Eat Bulaga! na si Maine Mendoza noong unang linggo ng Marso.

Miles Ocampo and Elijah Canlas (back row, second from right and extreme right) with Thou Reyes, Maine Mendoza, Chamyto Aguedan, and Kakai Bautista
Noong November 2023, inamin ni Elijah na hiwalay na sila ni Miles.
Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo
Marami raw silang pinagdaanan sa kani-kanilang buhay at nais muna nila itong maayos kaya sila nagdesisyong maghiwalay.
Gayunpaman, nauwi man sa breakup ang noo'y matamis nilang samahan at pagmamahalan, mananatili raw ang suporta ng aktor kay Miles sa mga gusto pa nitong makamit at maabot sa buhay.
Read: Miles Ocampo finally breaks silence on breakup with Elijah Canlas
