PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miles Ocampo finally breaks silence on breakup with Elijah Canlas

Miles on Elijah: "I have so much love and respect for that person."
by Arniel C. Serato
Published Jan 11, 2024
Miles Ocampo opens up about breakup with Elijah Canlas
Miles Ocampo admits ex-boyfriend Elijah Canlas was her true love: “First jowa. First boyfriend. First everything.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sa wakas ay nagsalita na si Miles Ocampo tungkol sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Elijah Canlas.

Lagpas dalawang taon ang itinagal ng relasyon ng dalawa ngunit naghiwalay sila nitong kalagitnaan ng 2023.

Read: Elijah Canlas, Miles Ocampo admit relationship

Sa kabila nito, malaki pa rin ang respeto ni Miles sa ex-boyfriend dahil minahal daw talaga niya ito.

Pahayag ng actress-TV host kay Karen Davila sa vlog ng TV Patrol anchor na lumabas ngayong Huwebes ng gabi, January 11, 2024, sa YouTube, “May mga bagay na nangyari, Miss Karen.

"Of course, sa isang relationship naman, it's not just, di lang naman isang tao, parang you have to make it work, kayong dalawa.

“So siyempre, may mga pagkukulang at ano rin, yung isa't isa.

“But I'm happy na naiwan lahat ng issues namin na yun sa 2023, Miss Karen.

“And then we started this year na okay kami, na nag-usap na ulit and all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin daw biro ang pinagsamahan nila ni Elijah sa lampas sa dalawang taong relasyon nila.

Read: Elijah Canlas at Miles Ocampo, two years and going strong

Saad ni Miles, “Siyempre, Miss Karen, di na naman biro yung mga pinagdaanan namin.

"Of course, may mga bagay na kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa't isa.

“So, might as well, be friends for now.”

Tanong pa ni Karen, “Siya ba ang true love mo?"

Sagot ni Miles, “Yes, Miss Karen. First jowa. First boyfriend. First everything.”

Read: Elijah Canlas pens sweet birthday message to girlfriend Miles Ocampo: "I'm blessed to call you mine."

Handa na ba siyang makipag-date sa iba?

Tugon ng Eat Bulaga! co-host, “Date ng iba, Miss Karen? Parang huwag na muna, 'no.

“Parang napakadaming magandang nangyayari ngayon.

“And may mga offers, may mga work.

“Parang sabi ni Lord, ‘Anak, ito muna.'

"So, ito muna yung mga haharapin natin ngayong taon.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mensahe ba siya sa dating nobyo ngayong 2024?

Ani Miles, “May pinagsamahan kami, matagal din kami.

“And kapag ganun na marami kayong pinagdaanan together, marami kayong happy memories together, parang, I have so much love and respect for that person.”

Napatawad na ba niya si Elijah?

Ayon kay Miles, “Of course, Miss Karen. Forgiveness naman ang pinaka-importante sa lahat.

“For myself din, and since I still have love for that person, parang lahat naman ng tao nagkakamali.

“Parang dapat lang maging accountable yung mga tao sa mga nagawa nila.”

Bukas ba siya sa posibilidad na maari silang magkabalikan?

Nakangiting sabi ni Miles, “Tingnan natin ang universe, Miss Karen, magsabi.”

Komento naman ni Karen, “Well, I hope he endeavors to deserve you.”

Read: Elijah Canlas, nagpaalam kay Miles Ocampo para sa butt exposure?

November 2023 nang aminin ni Elijah na hiwalay na sila ni Miles.

Pagtitiyak ng aktor, “But I'm always gonna have love for her and I'm always gonna support her in whatever she does. And I'll always be her number one fan, basically.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But right now, we're just taking our time figuring out ourselves and our lives right now."

Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo admits ex-boyfriend Elijah Canlas was her true love: “First jowa. First boyfriend. First everything.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results