PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

#JusticeForKillua: Celebrities condemn killing of golden retriever

Sarah Geronimo: "Walang kalaban-laban yung aso..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 20, 2024
Celebs mourns death of Killua
Sarah Geronimo, Carla Abellana, Janella Salvador, and Chie Filomeno are among the celebrities who called for justice for Killua, a golden retriever, who was brutally beaten and was found dead inside a sack in Bato, Camarines Sur.
PHOTO/S: Vina Rachelle Facebook

Trigger warning: Contains video, images and graphic descriptions of violence against animals

Hustiya ang panawagan nina Sarah Geronimo, Carla Abellana, Chie Filomeno, Janella Salvador, at Kim Atienza sa brutal na pagpatay sa asong si Killua.

Usap-usapan sa social media ang Facebook post ng isang fur mom na nagngangalang Vina Rachelle na humihingi ng hustisya matapos niyang matagpuang patay ang alagang three-year-old golden retriever noong March 17, 2024.

Kabilang sa mga ipinost ni Vina ang CCTV footage kunsaan makikita ang pagpalo ng isang lalaki kay Killua hanggang sa ito'y malagutan ng hininga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Vina sa kanyang post, nagising siya na wala sa kanilang bahay ang asong higit tatlong taon na niyang kasama at itinuturing na anak.

Nagtanung-tanong daw si Vina sa kanilang kapitbahay hanggang sa may makapagturo sa kanya sa kinaroroonan ni Killua.

Dito na siya nanlumo sa kanyang naabutan nang makita si Killua na duguan at wala nang buhay habang nakasilid sa isang sako.

Isang lalaki ang naabutan nila sa lugar, na kinilalang tanod sa Barangay Bato, Camarines Sur. Inamin nito na siya ang nakapatay kay Killua.

Sa panayam sa nasabing lalaki sa 24 Oras nitong Martes, March 19, sinabi niyang nagawa lamang niya ito dahil kinagat siya, ang kanyang asawa, at isa pang matanda nang makita nilang palabuy-laboy sa daan si Killua.

Pinabulaanan din niya ang espekulasyong may intensiyon siyang katayin si Killua kaya niya ito pinatay.

CELEBS, NETIZENS REACT

Ilang oras matapos i-post ni Vina ang sinapit ni Killua ay agad na bumuhos ang nakisimpatiya sa kanya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa X (dating Twitter) ay nag-trending ang #JusticeForKillua kunsaan marami sa netizens, partikular ang fur parents, ang nanawagan ng hustisya na panagutin ang may sala.

Celebs mourns death of Killua

Kabilang na rito ang award-winning singer-actress na si Sarah Geronimo.

Sa X, nag-post ang "Tala" singer ng litrato ni Killua, kalakip ang kanyang pagdadalamhati sa walang awang pagpatay sa aso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Sarah, katulad ng tao ay dapat pantay rin ang pagtingin at trato sa mga hayop.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "This news is extremely heartbreaking. Walang kalaban-laban 'yung aso. Katulad nating mga tao, nakakaramdam din sila ng takot at sakit.

"Every life deserves respect and protection. It's time to demand accountability and raise our voices against animal cruelty. Let's unite in being the voice for the voiceless. Killua.. we will fight for you. #JusticeForKillua #VoiceForTheVoiceless #StopAnimalCruelty."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carla Abellana naman ay idinaan sa magkakasunod na Instagram Stories ang kanyang galit at hinanakit sa lalaking pumatay kay Killua.

Aniya, "#JusticeForKillua will be given soon. You'll see."

Celebs mourns death of Killua

Celebs mourns death of Killua

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carla Abellana weeps for her late dog Sunny

Halos magkasunod ding nag-post sa X sina Chie Filomeno at Janella Salvador.

Mababasa sa tweet ni Chie, "I just saw everything… Nadurog ang puso ko.. #JusticeForKillua."

Read: Chie Filomeno mourns death of pet dog: “Thank you for completing me."

Mensahe naman ni Janella, "People don’t deserve animals. Ang sakit sakit sa puso. These psychos better end up in jail. #JusticeForKillua #JusticeForErika."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janella Salvador mourns loss of pet dog: "I didn’t just lose a pet—I lost a partner in life."

Maging ang Kapuso TV host na si Kim Atienza ay hindi makapaniwala sa sinapit ni Killua.

Paliwanag niya, kilalang palakaibigan at malambing ang mga golden retriver na kagaya ni Killua kaya't imposible na ito'y umatake nang walang dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ni Kim, "Golden retrievers are the most gentle of dog breeds. The perpetrator's claim that Killua was attacking his family is highly unlikely. Dog cruelty happens more often than we think, lalo na sa Aspin. Rest well Killua. #justiceforkillua."

ANIMAL WELFARE ACT

Alinsunod sa Animal Welfare Act of 1998, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-torture, pagmamaltrato, at pagpatay sa anumang hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sinumang lalabag dito ay may kaparusahang aabot sa anim hanggang dalawang taong pagkakakulong.

Mayroon ding multa na aabot hanggang limang libong piso.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo, Carla Abellana, Janella Salvador, and Chie Filomeno are among the celebrities who called for justice for Killua, a golden retriever, who was brutally beaten and was found dead inside a sack in Bato, Camarines Sur.
PHOTO/S: Vina Rachelle Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results