Ikinatuwa ng maraming netizens ang magiliw na pakikitungo ni Claudine Barretto at ang pamangkin nitong si Julia Barretto sa isa't isa sa video na kumalat online.
Kuha ang video sa surprise tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan, na mas kilala bilang Mr. M.
Naganap ang okasyon na pinamagatang Night of 100 Stars nung Sabado ng gabi, March 16, 2024, sa Marriott Hotel.
Read: Claudine, Julia Barretto reunite at Mr. M tribute event
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Claudine na ibinahagi sa Facebook kagabi, March 20, 2024, hindi maitago ng aktres ang kanyang kagalakan na muling nakapiling ang pamangkin.
Aniya, “Talagang sa akin, ako, I'm really, really very happy.
“Kasi, uhm, nagkakitaan kami, pero very few times lang talaga.
“And parang the last, for the last was during Zsazsa Zaturnnah na nagkikita kami.
"So, it's always parang fast lang."
Dagdag pa ni Claudine, kung nagkikita man sila sa mga pagtitipon ng pamilya, hindi rin sila ganoon katagal nag-uusap.
Saad niya, "Kung may family gathering, magki-kiss lang, magbibigay-pugay lang siya and you know, she...
"And then, you know, hindi kami talaga magkasama sa isang table.
"Kung magkasama man kami sa isang table, hindi kami nakakapagkuwentuhan talaga, ganyan.
"Siguro kasi, siguro rin, siyempre siguro dahil alam niyo, siguro na, siyempre may tension pa. Civil naman kami ng ate ko, ni Marjorie.
"So siguro, uhm, ano, siyempre mommy niya yun.
"Ayaw niyan, ayaw niyan. Hindi siya siguro comfortable na hindi kami comfortable sa isa't isa pa."
Civil si Claudine sa ina ni Julia na si Marjorie Barretto at close pa rin siya sa isa pa nilang kapatid na si Gretchen Barretto.
Ang hindi pa nagkakaayos ay sina Marjorie at Gretchen.
Read: Gretchen Barretto hits back at Marjorie Barretto's "fake news, powerful boyfriend" allegations
Read: Claudine Barretto keeps close ties with Gretchen despite improved relationship with Marjorie
Ayon pa kay Claudine, noong tribute party para sa kanyang tatay-tatayan na si Mr. M., nagkaroon sila ng sapat na panahon ng pamangking si Julia upang magkausap.
Nami-miss din daw niya ang mga halik at yakap nito.
Read: Claudine Barretto ipinagtanggol si Julia kahit masama pa rin ang loob sa pamangkin
Ani Claudine, "So, noong night na yun, parang that was time na we were able to talaga really, really, uhm, spend time.
"You know, talagang na-miss ko yung hugs, yung mga... yung mga kisses, yung ganyan.
"Also, ano, ah, hindi, hindi siya, never siyang pinigilan naman ng ate ko na not to, you cannot be close to her.”
Hindi pa nagbibigay ng anumang panayam si Julia ukol sa pagkikita nila ng tiyahin na si Claudine.
Read: Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party
