PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Marian Rivera agreed to play alien in comeback TV series

"Parang worth it lahat ng paghihintay para gawin ko ito.”
by Rose Garcia
Published Mar 23, 2024
Marian Rivera at the My Guardian Alien presscon
Marian Rivera on comeback TV series My Guardian Alien: "Parang worth it lahat ng paghihintay para gawin ko ito.”
PHOTO/S: Rose Garcia

Mahigit limang taon din na hindi gumawa ng teleserye si Marian Rivera.

Ang huli pa niya ay ang Super Ma’am na umere noong taong 2017.

Pero simula sa April 1, 2024, mapapanood na ang kanyang pagbabalik sa prime time sa pamamagitan ng My Guardian Alien, kunsaan ginagampanan niya ang karakter ng isang alien.

Sigurado na maraming script o materyal na iprinisinta sa kanya ang GMA-7, pero ano ang naging dahilan at ang My Guardian Alien ang napili niyang maging comeback teleserye?

“Noong nag-present sa akin ang GMA, ito talaga ang nagustuhan ko na sabi ko, ‘Ay, ang ganda nitong gawin,’” pahayag ni Marian.

“Kasi, bago sa akin at sure ko na mapapanood ng mga anak ko.

"Kasi gusto kong gumawa ng isang serye na mapapanood ng mga anak ko at magiging proud ako.

"Sabi ko nga, ito na siguro yung moment ko sa buhay ko na tuwing may gagawin ako, gusto ko na maging proud yung mga anak ko sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ito yung My Guardian Alien."

Sabi pa niya, “Nakita mo naman ang aming AVP [Audio-Visual Presnetation], sabi ko nga, parang worth it lahat ng paghihintay para gawin ko ito.”

Read: Marian Rivera slams spread of fake quotes attributed to her: "Nakakarami na po kayo. tama na!"

ADJUSTMENTS ON THE SET

Hindi itinanggi ni Marian na nahirapan siya noong first few days niya sa taping.

“Yung adjustment, noong una talaga na sumabak ako sa taping, nahirapan talaga ako. Kasi, after five years, nagbabalik ako sa soap, hindi ko alam kung saan ang anggulo ko, nasaan ang lighting, so, nangapa talaga ako.

“Sabi nila etchosera raw ako, pero hindi, parang ang hirap mag-memorize ng lines. Pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madali ang trabaho ko.”

Espesyal na pinasalamatan ni Marian ang direktor na si Zig Dulay, maging ang P.A. o production assistant na pinupuntahan pa talaga siya sa set.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Marian, “...lalo na kapag alam niyang mahahaba ang eksena ko, pinupuntahan niya ko every time.

"At si Direk, hindi rin nagkulang sa akin kung ano ang mga dapat kong ipakitang acting sa soap na ito.

“Kasi bago nagsimula ang lahat, nag-usap kami. Sabi ko, Direk, medyo mahirap ito.

"Sabi ko sa GMA, kung bibigyan niyo ako ng soap, wag masyadong pahihirapan.

"At sa sobrang dali, wala akong lines minsan, kasi nga, alien ako,” natawang lahad niya.

Dugtong pa rin ni Marian, “Naging mas madali para sa akin at sabi ko nga, ito yung nilu-look forward ko. Yung makagawa ako ng magandang proyekto na mapapanood ng mga anak ko na magiging proud sila.

“And, at the same time, proud akong sabihin na nakagawa ulit ako ng pamilya dahil sa show na ito. So lahat ng ito, e, blessing para sa akin.”

Read: Marissa Delgado, nakaramdam ng takot sa unang pagsasama nila ni Marian Rivera sa teleserye

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DOES MARIAN RIVERA BELIEVE IN ALIENS?

Isang alien ang ginagampanan ni Marian sa serye, kaya ang tanong sa kanya, siya ba ay naniniwalang may alien?

“Dahil ginawa ko ito, oo. Kaya manood kayo. Malay niyo, magpakita sa inyo,” sabi niya.

Naniniwala ba siyang talaga?

“Hanggang ngayon naman, hindi,” natawang sagot niya. “Minsan kasi, mahirap paniwalaan ang mga bagay na hindi mo nakikita, di ba? Mahirap sabihin na oo, pero hindi mo naman nakikita.

“Ngayon kasi, ang pinagbabasihan natin, yung nakikita.”

Tinanong ni Marian ang katabi na si Max Collins kung naniniwala ito, at sumagot si Max na naniniwala raw siya.

Nakangiting sinundan ito ni Marian na, “Naniniwala kaming lahat.”

Read: Max Collins happy to be reunited with Dingdong Dantes and Alessandra de Rossi in Firefly

Kaya tinanong ulit si Marian ng "final answer" niya, at ang sagot niya habang nakangiti, “Maniniwala ako. Kasi ang ganda ng kuwento niya. Kung totoong may ganitong klase ng alien sa mundo ng mga tao, parang ang sarap niyang maging kaibigan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagbabalik ni Marian sa telebisyon, may isa pang bansag sa kanya aside from Kapuso Prime-time Queen, ito ay ang Box Office Queen of all time dahil sa tagumpay ng Mettro Manila Film Festival 2023 movie niya na Rewind, may Zig Dulay pa na siyang Best Director sa nakaraang festival.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Mas nakararamdam ba siya ng pressure?

“Ayokong isipin ang pressure sa buhay,” sagot niya.

“Mas gusto ko sigurong i-look forward kung ano ang ma-i-o-offer natin sa mga manonood natin, which is, eto nga, magandang kuwento, may mapupulot silang aral.

"So mas iyon ang nilu-look forward ko, kung ano ang mga good feedback sa kanilang mapapanood."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on comeback TV series My Guardian Alien: "Parang worth it lahat ng paghihintay para gawin ko ito.”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results