Slay kung slay ang Filipino-Australian actor na si Seann Miley Moore (o SMM) sa kabubukas lang na Australian production ng Miss Saigon sa The Theatre at Solaire sa Parañaque City.
Nagbabalik sa Pilipinas ang well-loved musical after 24 years at napanood ng writer na ito ang opening night nito nung Sabado, March 23, 2024 at 7:30 p.m.
Read: What you need to know about Miss Saigon in Manila: tickets, schedule, cast
Maliwanag na si Moore ang scene-stealer ng nasabing palabas at kinabog ng character niyang si Engineer maging ang bidang Vietnamese girl na si Kim, na ginampanan nung gabing yon ni Louisa Villine.
Si Villine ang alternate Kim ng main Kim na si Abigail Adriano, ang 19-year-old Fil-Aussie actress na bida sa Miss Saigon Australian Tour at tampok din ngayon sa Asian Tour nito. Villine was born in Indonesia and raised in Singapore.
Napakalakas ng dating ng openly gay na si SMM, na for the first time ay ipino-portray ang iconic role ng Engineer as a flamboyant, queer character.

Seann Miley Moore as Engineer
In an interview ay sinabi ni Moore, who identifies as genderqueer, na aprubado ng Miss Saigon producer na si Cameron Mackintosh na ginawa niyang queer ang Engineer at aniya ay napabilib ito sa kanyang unique interpretation.
Hindi kataka-takang humanga si Mackintosh kay SMM dahil napakahusay nga niya as "EnginQueer" (bansag niya sa character na siya mismo ang nag-reinvent).
Because of this ay binigyan niya ng bagong buhay at kakaibang sigla ang nasabing role, na orihinal na ginampanan ng veteran Welsh actor na si Jonathan Pryce sa West End version ng Miss Saigon nung 1989 at Broadway version nito nung 1991.
Totoo at hindi fake news ang sinabi ni Moore sa mga interview na he (he/she/they ang kanyang pronouns) will show queer excellence onstage at hatid niya ang matinding "bakla-energy" sa kanyang performance.
Yun mismo ang nasaksihan ng Manila audience nung opening night kaya applauded si SMM. Natural at hindi pilit ang pagbabakla niya because he was showcasing his own authentic self in his acclaimed "EnginQueer" performance.
Ang lakas ng tawanan ng crowd sa mga eksena ni Moore, lalo na sa big, show-stopping number niya na "The American Dream" towards the end of Act 2.
Posibleng may mga ma-shock sa Tagalog ad lib niya na, “Baho p*ke mo, baby!” na sinambit niya sa audience in a playful and naughty manner during his fabulous number. Sumigaw rin siya ng “Scream for me, you f*cking b*tches!!”
Read: Ice Seguerra, Christian Bautista, Jamie Rivera, Jenine Desiderio rave about Miss Saigon
THE ENGINEER
Sa Indonesia ipinanganak si Seann Miley Moore, pero taga-Makati ang Pinay niyang ina. Teenager siya when they moved to Australia.
Tiyak na kagigiliwan ng mga bagong audience ng Miss Saigon si SMM at ikaka-proud ng LGBTQIA+ community ang bonggang queer representation that he is doing now on the international stage.
Ang huling Engineer na napanood namin was Jon Jon Briones, back in 2014 sa West End revival nito. Napakahusay ni Briones, but Moore put his own spin to it in the 2024 version and made it uniquely his own.
Read: Jon Jon Briones earns Olivier Awards nomination for Miss Saigon
Si Joanna Ampil, na isa sa mga gumanap bilang Kim, was the first woman to play the Engineer sa revamped version ng nasabing musical sa Sheffield Theatres in the UK last year.
Read: Joanna Ampil on playing the Engineer in Miss Saigon 2023: "Took a while for it to sink in."
KIM, CHRIS, THUY & GIGi
Alam ng lahat na si Kim ang bida sa Miss Saigon, but sad to say, underwhelming yung Kim na napanood namin nung opening night.
Okey naman sana ang boses ni Louisa Villine, kaya lang ay medyo sumablay siya sa mataas na part ng solo number ni Kim na "I’d Give My Life for You."
After that ay kakaba-kaba na kami na baka sumabit ulit siya sa tuwing aawit siya ng mataas na kanta.

Louisa Villine as Kim
Truth be told, lahat ng sumunod sa original Kim na si Lea Salonga ay nag-suffer in comparison.
Maging sa bagong henerasyon ng theater artists ay tila mahirap nang makahanap ng katulad ng isang Lea Salonga, na tumayo lang sa gitna ay nangingibabaw agad ang pagiging star, lalo na kapag bumuka na ang bibig at nagsimula nang umawit.
Read: Lea Salonga’s journey to "Miss Saigon"
Yung gumanap bilang American G.I. na leading man ni Kim ay powerful ang boses at quintessentially Chris ang tunog. He is ably played by Aussie-American actor, Nigel Huckle.
Power vocals din si Lewis Francis, who plays Chris’ best friend and fellow American soldier, John.

Nigel Huckle as Chris
Medyo na-disorient kami kay Laurence Mossman na gumaganap bilang Thuy dahil mestizo ito. Kaya nalito kami dun sa eksena na dalawang tisoy ang nag-aagawan kay Kim sa halip na isang Kano at isang Vietnamese, dahil hindi Asian-looking ang guwaping na Filipino-Kiwi hunk.

Laurence Mossman as Thuy
Ang last Thuy na napanood namin ay ang South-Korean actor na si Kwang-Ho Hong na bukod sa ang husay umarte ay ang ganda pa ng boses. Swak na swak ito bilang Thuy (originally played by Robert Seña).
Okey lang ang Manila-based Pinay na si Kiara Dario bilang bar girl na si Gigi. Iba yung stage presence at brilyo ng boses ng isang Rachelle Ann Go—ang huling Gigi na napanood namin sa London 10 years ago, na sinulat din namin ang review dito sa PEP.
Read: REVIEW: Rachelle Ann Go in London production of Miss Saigon

Kiara Dario as Gigi
It was 20 years ago nung una naming mapanood ang Miss Saigon sa CCP na pinagbidahan ng Tony and Laurence Olivier winner na si Lea.
Hindi man kalakihan ang The Theatre at Solaire ay muling mapapanood dito ang iconic helicopter scene ng 35-year-old musical, na napamahal na sa mga Pinoy all over the world.
Ang brand-new production ng Boublil and Schönberg’s Miss Saigon ay handog ng GMG Productions in association with GWB Entertainment.
Late last year pa nagsimulang ibenta ang tickets para rito via TicketWorld. Tatakbo ito for 7 weeks at sa May 12 ang final show nito sa state-of-the-art na The Theatre at Solaire na may 1,740 seating capacity.
Read the Miss Saigon review of Bong Godinez: Timeless charm and brilliance of Miss Saigon undiminished in latest revival