Kasing-init ng panahon ang kumakalat ngayong videos ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at ng Kapuso actor na si Alden Richards.
Kinakiligan ng maraming netizens ang sorpresang pagdating ni Alden sa post-birthday celebration ni Kathryn nitong Martes, April 2, 2024.
Sa mga video clip na ibinahagi sa social media, makikita ang pagdating ni Alden sa venue kunsaan nagdaos ng surprise birthday party ang glam team ni Kathryn para sa aktres.
Dala-dala ni Alden ang isang malaking bouquet ng Ecuadorian roses at regalong nakalagay sa paper bag.
Kita naman sa mukha ni Kathryn ang pagkagulat nang makita ang Kapuso actor, at kaagad niya itong nilapitan.
Read: Kathryn Bernardo, ano ang pananaw tungkol sa pagpapatawad?
Sa isa pang kuhang video, makikita sina Alden at Kathryn na nagse-selfie. Kapansin-pansin ang pagiging malapit nila at kumportable sa isa't isa.
NETIZENS REACT
Sa X (dating Twitter), mabilis na nag-trending ang KathDen, tawag sa tambalang na nabuo nina Kathryn at Alden.

Marami sa kanilang fans ang natuwa at kinilig sa anila’y sweet gesture ni Alden kay Kathryn.
May iba pang sini-ship ang dalawa lalo na’t pareho silang single ngayon matapos mahiwalay ni Kathryn sa long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Tweet ng isang netizen (published as is), “I know that kathryn is still in the healing process but I am now rooting for them. Good ppl deserves good ppl too! #KathDen.”
Saad ng isa, “I am now rooting for this duo! They both deserve all the happiness in the world #KathDen.”
Sabi pa ng isa, “Dont tell me di ka din kinilig dito ? like how alden touch and hug kath. My #KathDen heart is soooo happy. Yong ramdam mo how genuine kath smile because of him. #KathDen.”
Read: Alden Richards open to working again with Kathryn Bernardo; wishes Maine Mendoza well
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malapit na magkaibigan sina Kathryn at Alden kahit magkaiba sila ng TV network na pinagtatrabahuhan.
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang magkatambal sila sa isa sa highest-grossing Filipino films, ang Hello, Love, Goodbye noong 2019.
Read: Alden Richards asked about KathNiel breakup, KathDen teamup
Noong March 26 ang mismong ika-28 kaarawan ni Kathryn.
Read: Kathryn Bernardo celebrates 28th birthday wearing stunning white dress by Mark Bumgarner
Present din si Alden sa birthday celebration ni Kathryn na ginanap sa Palawan.
Read: Celebrities spotted at Kathryn Bernardo's birthday bash in Palawan
