JERRY OLEA
Trending na naman si Kathryn Bernardo sa X (dating Twitter) ngayong Abril 1, 2024, Lunes, April Fools’ Day — ang araw na kasunod ng Linggo ng Pagkabuhay.
Kakabit pa rin sa usapan ang ex niyang si Daniel Padilla.
Sa pagsapit ng ika-28 kaarawan ni Kathryn noong Marso 26, Martes, ay may Instagram greeting si Daniel.
Read: Daniel Padilla greets Kathryn Bernardo on her 28th birthday
Sa pagdiriwang ni Kathryn ng kaarawan sa Palawan ay nakisaya si Alden Richards na leading man niya sa Hello, Love, Goodbye (2019).
Read: Celebrities spotted at Kathryn Bernardo's birthday bash in Palawan
Ang sexy pictorial ni Kathryn para sa isang fashion magazine ay naikumpara sa sexy pictorial noon nina Marian Rivera at Nadine Lustre.
View this post on Instagram
Nag-resurface ang video clip na kuha sa Star Magic Ball 2017 kung saan pinagsabihan ni Daniel si Kathryn dahil sa revealing na suot nito.
Read: IN PHOTOS: Couples and love teams at Star Magic Ball 2017
Sa interbyu ng fashion magazine, wagas ang saloobin ni Kathryn kaugnay sa forgiveness. Aminado siyang nasaktan.
Noong Nobyembre 30, 2023 — araw ni Bonifacio, na tinaguriang Supremo — naisapubliko via Instagram ang paghihiwalay ng KathNiel matapos ang labing-isang taong relasyon.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Apat na buwan na ang lumipas mula ng announcement na iyon, pero nanatiling tahimik si Daniel sa mga paratang na paulit-ulit niyang pinagtaksilan si Kathryn.
Kaabang-abang kung ano ang kahihinatnan ng kani-kanyang career nina Kathryn at Daniel matapos mabuwag ang kanilang love team.
GORGY RULA
Pati si Daniel Padilla ay nag-trending din dahil nakalkal na naman ang mga kuha nung magkasintahan pa sila ni Kathryn, na pinapagalitan ito ni Daniel.
Pati yung nagti-thank you si Kathryn sa mga nanood ng Hello, Love, Goodbye, nag-make face si Daniel nang nabanggit si Alden Richards.
Binuhay rin uli ng fans ang isyu ng cheating, kaya sa totoo lang, nabakbakan na naman nang husto si Daniel.
Kailangan ba niyang sagutin ang matinding pahayag ni Kathryn sa interview sa kanya sa MEGA magazine?
Sabi ni Kathryn: “Ang lalim kasi ng word na forgiveness.
"For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life.
“I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na puwede kang bumalik. It depends.
“I’ll just keep my distance; you keep your distance. We’re okay like that.
"I mean, kunwari, I got hurt, why would I allow you to come back?
"It depends, It’s a case-to-case basis.”
Nanatiling tahimik lang si Daniel. Panahon na ba para magsalita siya?
Samantala, hindi rin nagpaawat ang mga fans ni Nadine Lustre.
Nag-trending din si Nadine kanina dahil sa ilang post ng fans nito na tila may patutsada sa sexy pictorial ni Kathryn.
Kaya hindi pa rin pala humuhupa ang tunggalian ng mga fans nina Kathryn at Nadine.
NOEL FERRER
Salamat sa pagpapakatotoo ni Kathryn Bernardo, it has earned her the admiration of people, including advertisers who got her for numerous endorsements.
As for Daniel, if he will not clear his name sa mga paratang sa kanya (and I maintain that he doesn’t owe anyone an explanation, ha), as I always believed the best weapon is good work.
Dapat piling-pili ang mga susunod niyang proyekto na magpapakita ng kanyang kahusayan sa pagganap man o pag-perform. At sana, suportahan pa rin siya ng mga tao.
Sa huli’t huli, hindi ka naman nasa showbiz para ibenta ang personal na buhay mo kundi para ipakita ang galing mo sa sining na ito.
Abangan natin ang pagiging mas mature na performers nina Kathryn at Daniel.
