PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes's casket in Rewind sold for PHP250K

Dingdong: "Mejo malambot naman siya sa loob."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 16, 2024
Dingdong Dantes casket in Rewind sold for PHP250K
The casket used by Dingdong Dantes in blockbuster film 'Rewind' sold for PHP250,000 in Boss Toyo's shop.
PHOTO/S: Dingdong Dantes Instagram

Naibenta sa halagang PHP250,000 ang kabaong na ginamit ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa blockbuster movie na Rewind.

Ang Rewind, na pinagbidahan nila ng asawa niyang si Marian Rivera, ay official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang bumili ng kabaong ay ang rap artist, businessman, at vlogger na si Boss Toyo.

Sa YouTube vlog ni Boss Toyo nitong Biyernes, February 16, 2024, ipinakita niya kung paano napasakamay sa kanya ang kabaong na hinigaan mismo ni Dingdong sa Rewind.

Read: Joross Gamboa reacts to “box office lucky charm” tag of netizens

Mapapanood sa vlog ang pagsadya sa shop ni Boss Toyo ng funeral homes owner na si Pasky Ilagan para ibenta ang ataul na hiniram daw ng produksiyon ng Rewind para gamitin ni Dingdong sa pelikula.

Bilang patunay, ipinakita ng may-ari ng punenarya ang isang video ng aktuwal na paghiga ni Dingdong sa naturang metal casket habang sinu-shoot ang eksena sa Rewind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GMA-7 exec Lilybeth Rasonable happy about box-office success of DongYan's Rewind

"Ito po yung ginamit sa shooting ng Rewind ni Dingdong Dantes, first time [niya] humiga," pagmamalaki ni Pasky kay Boss Toyo.

Pag-amin ni Boss Toyo, noong una ay takot siyang kunin ang kabaong at idagdag ito sa kanyang koleksiyon. Ngunit dahil kakaiba at ginamit ito mismo ni Dingdong sa napakalaki at successful na pelikula ay tatayaan daw niya ito.

Nang tanungin ni Boss Toyo kung magkano ibinibenta ang kabaong, unang pinresyo ni Pasky ang isang milyon dahil daw sa sentimental value nito.

“Unang-una, walang pirma ni Dingdong. Kung yan may pirma ni Dingdong, sana,” depensa ni Boss Toyo.

Tinawaran niya ito ng PHP200,000.

Read: MMFF 2023 entry na "Rewind," may issue tungkol sa originality?

Matapos ang tawaran, nagdesisyon si Pasky na ibigay ang kabaong kay Boss Toyo sa halagang PHP250,000.

Mabilis naman itong nakarating kay Dingdong nang i-repost niya sa Instagram Stories ang Facebook post ng TV Patrol entertainment reporter na si MJ Felipe tungkol sa pagbili ng ginamit niyang kabaong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabirong hirit ni Dingdong (published as is), "Mejo malambot naman siya sa loob...[wink emoji]."

Dingdong Dantes casket in Rewind sold for PHP250,000

Samantala, sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 31, nasa PHP902 million na ang kinita ng Rewind.

Read: Rewind, first Filipino film na naka-PHP900M sa box office; MIFF sa Hollywood nagsimula na

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang kauna-unahang Pinoy film na kumita ng lampas PHP900 million.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Naungasan na nito ang dating highest overall sales na PHP880 million ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye (2019).

Ang Rewind na ngayon ang may hawak ng record na highest-grossing Filipino film.

Read: DongYan's Rewind is now the highest-grossing film in PH domestic sales

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The casket used by Dingdong Dantes in blockbuster film 'Rewind' sold for PHP250,000 in Boss Toyo's shop.
PHOTO/S: Dingdong Dantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results