Na-stroke ba si Senator Francis "Chiz" Escudero?
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag o medical bulletin ang tanggapan ng senador, pero iisa ang mensahe ng dalawang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malapit sa kanya.
Sabi nila: Nasa bahay lang siya, maayos ang kalagayan, at nagpapahinga.
Read: Chiz Escudero sets record straight on recent Senate floor fashion looks: "Minsan lang ako uma-awra"
Marami ang nabahala nang lumabas sa social media ngayong Biyernes, Abril 5, 2024, ang mga hindi kumpirmadong balitang na-stroke, inatake sa puso, at nagkaroon ng aneurysm ang asawa ni Heart Evangelista.
Ang balitang natanggap ng PEP.ph kahapon, April 4, ay nagkaroon siya ng "heart attack or stroke" at siya raw ay "semi-paralyzed."
Sinabi ring nasa Hong Kong si Heart noong nangyari ang stroke kaya "she had to cancel all engagements."
Isang blind item ang lumabas na kasalukuyang nasa St. Luke's Hospital umano ang isang "male senator from Sorsogon."
Read: Heart Evangelista pens appreciation post for husband Chiz Escudero: “You have stood by my side.”
WHAT PEP KNOWS ABOUT SENATOR CHIZ'S ALLEGED STROKE
Walang binanggit ang dalawang sources ng PEP.ph tungkol sa diumano'y stroke, pero isa sa kanila ang nagsabing ang senador ay "airlifted," o inilipad, mula Sorsogon papuntang "St. Luke's Medical Center - BGC."
Ang dagdag na paliwanag ng isa sa sources, siya ay "airlifted" kasi mas mabilis siyempre ang biyaheng ito kesa sa isang road trip na aabutin ng mahigit anim na oras.
Read: Details from Heart Evangelista and Chiz Escudero's vow renewal ceremony
INSTAGRAM POSTS OF HEART AND CHIZ
Samantala, walang indikasyon tungkol sa health condition ng senador sa social-media posts nito at ng kanyang asawa.
Ang latest post ni Heart ngayong Biyernes, bandang alas otso ng umaga, ay tungkol sa isa niyang painting kalakip ng maikling caption na "HeArt is back."
Ang previous posts naman ng social media influencer for the past two days ay tungkol sa kanyang Hong Kong trip, na isang "paid partnership," at mga bags at nails—na usual topics ng posts niya.
Read: Heart Evangelista on past arguments with husband Chiz Escudero: "Before, walkout talaga ako."

Ang Instagram post ni Chiz bandang alas nuwebe ng umaga ay tungkol sa pangarap niyang magkaroon ng medical school sa Mindanao.
Heto ang bahagi ng kanyang caption (published as is):
"It is my hope that in the near future, we will see the rise of another medical school in Mindanao. Kaya naman po ginagawa natin ang lahat na pwede nating maitulong bilang Chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education (CHTVE).
"Recently, I rose before the plenary to sponsor House Bill 7089, also known as 'An Act Establishing a College of Medicine in the University of Science and Technology of Southern Philippines- Cagayan de Oro City Campus.'"
Read: Heart Evangelista recalls her parents were "never supportive of my love life noon"
Hinihiling ng mga tagasuporta ni Chiz na maglabas sana siya ng opisyal na pahayag tungkol sa kanyang kalusugan sa lalong madaling-panahon para maiwasan ang pagkalat ng fake news at para mabawasan ang pag-aalala ng mga nagmamalasakit sa kanila ni Heart.
Kinontak na rin ng PEP.ph ang email addresses na nakasaad sa Contact Details page sa website ng senador. Agad na ilalathala ng PEP.ph ang anumang pahayag na manggagaling sa kanyang tanggapan.