#PEPcoverage
Mabilis na humataw sa top trending list sa X, o dating Twitter, ang hashtag ng opening ng unang episode ng It’s Showtime sa GMA-7 ngayon Sabado, April 6, 2024.
Bago pa man magsimula ang episode ay nasa Philippines trending list na ang #ShowtimeSanibPwersa ng sikat na noontime show.
Sa katunayan, nasa top 3 na agad ito 10 minutes bago ang 12 noon, with more than 9,000 tweets.
At noong nagsimula na ang palabas ay mabilis na umakyat ang trending hashtag sa number one.
As of 1:00 P.M. ay number one pa rin ito, with 42,500 tweets.
At nang natapos ang episode nang bandang mag 2:30 P.M. ay number one pa rin ito, at more than 65,000 tweets.
Mataas din ang bilang ng nanonood ng live episode. At 1:00 P.M. ay may 142,000 viewers sa YouTube at 45,000 viewers sa Facebook.
At nang matapos ang episode ay may total na itong 455,500 views sa YouTube at 2.5 million sa Facebook.
GRAND OPENING
Engrande ang pagbungad ng It’s Showtime sa Kapuso network.
Bukod kasi first GMA-7 episode ay sine-celebrate din nila ang kaarawan ni Vice Ganda, na isa sa mga main hosts.
To mark the momentous occasion, sa Ynares Complex sa Antipolo ginanap ang grand welcome.
Lahat ng mga host ay kasama sa production number sa simula ng episode.
Si Anne Curtis at Karylle ang mga unang sumalang. Kumanta sila ng "Power" ng UK girl group na Little Mix.
Matapos nito ay tila nagbuwis-buhay si Kim Chiu sa aerial dance. Sumayaw rin sina Tiyang Amy Perez, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Naging rockstars naman sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ogie Alcasid, at Darren Espanto nang nag-perform sila ng "Let Me Entertain You" ni Robbie Williams.
Sa parehong tugtog ay sumayaw sina Ryan Bang, Ion Perez, Vhong Navarro, at Jhong Hilario, pati na rin ang comedy duo na sina MC at Lassy.
Sa segment na ito ay natuwa ang viewers kay Lassy dahil sa mummy costume nito, na kahit mukha ay may bendahe.
Dahil diyan ay nasama sa top 20 trending tweets ang pangalan ni Lassy.
BIRTHDAY PRODUCTION
Bongga rin ang solo number ni Vice Ganda para sa kanyang kaarawan.
Nagsimula siya sa isang disyerto, kung saan siya nagising at tila nag-aalala.
Maya-maya ay lumakas ang hangin at tumakbo si Vice para tumakas.
Pag-zoom out ng camera ay ipinakitang nakaupo na siya sa logo sa taas ng buildng ng GMA-7 sa Kamuning, Quezon City.
Pagbalik sa studio ay ipinakita si Vice na may gintong headdress at white royal robe na may golden sun patterns. Kinanta nya ang "Thunder" ng Imagine Dragons.
Matapos nito ay nag-costume change si Vice sa isang golden dress at kinanta niya ang "Champion" ni Buju Banton.
Pagkatapos ay nag-costume change muli siya into another dress at kumanta ng "Hall of Fame" ng The Script.
SPOKEN WORD
Matapos ang song-and-dance performances ay pumagitna ang komedyante sa stage at nag-deliver ng isang speech tungkol sa kanyang buhay.
“I am Vice Ganda, a dreamer, a fighter, a winner. Isang batang baklang nanggaling sa isang payak at makulay na baranggay sa Maynila. Sino'ng makapagsasabing aabot ako sa kinatatayuan ko ngayon? Isang pambihirang posisyon.”
Isinaad niya ang dahilan ng kanyang tagumpay.
“Nandirito ako dahil nangarap ako, kumilos ako, nanalig ako, natalo, nanalo, natalo, at muling nanalo. At masakit man sa kalooban ng ilan, hanggang ngayon nananalo pa rin ako.”
Mensahe niya sa kanyang fans, dapat daw ay hindi matapos ang pangangarap.
“Dahil sa determinasyon at lakas ng loob, magtatagumpay ka. At kung kaya ko, kaya mo.
"Kaya kung isa kang bakla na ngayon ay nakatulala at nag-iisip kung anong gagawin mo sa lipunang sa tulad ko ay mapanghusga at mapangutya, tumindig ka at huwag mahiya.
"Ipakita mo ang husay mo. Pakapalin mo ang tapang at apog mo, habang pinapakapal mo ang kolorete sa pagmumukha mo.”
Dapat daw ay hindi tumigil hanggang makamit ang tagumpay, para makaganti sa mga hindi naniwala.
“Gumanti ka, pero hindi galit ang ibabalik mo sa kanila, kundi pag-ibig na kusang dumadaloy sa puso mong sing-ganda ng bahaghari.”
Sa bandang huli, nag-iwan pa siya ng mga salitang makapagbibigay ng tapang sa mga taong tumitingala sa kanya.
“Sa pagkamit ng tagumpay mo’y maraming haharang sa ‘yo, hihila sa 'yo, aabala sa ‘yo gagambala sa ‘yo, at babato sa ‘yo para huminto ka at di ituloy ang usad mo.
"Wag kang hihinto. Ipunin mo ang bawat batong ipinupukol sa ‘yo para gawing pundasyon sa ginagawa mong palasyo.”
“Ito ang tandaan mo, isinilang ka para maranasan ang lahat, at kasama doon ang manalo.
"Napatunayan ko ‘yan sa paglalakbay ko mula sa amin, mula sa comedy bar hanggang sa tawagin akong Asia’s Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar.”
Natapos ang production number sa pag-perform ni Vice ng "All I Do is Win" ni DJ Khaled, kasama ang lahat ng host ng It’s Showtime. Kinanta rin nila ang theme song ng show.
MAKING HISTORY
Matapos ang theme song ay nagsalita na ang mga host.
“We are making history today on It’s Showtime,” bungad ni Anne.
Tinawag naman ni Vice na “pinakamatinding plot twist ng dekada” ang pagpapalabas ng It’s Showtime sa GMA-7.
“We found a new home sa piling ng ating mga Kapuso,” sabi ng komedyante, sabay bati sa ABS-CBN executives na nasa audience, kasama si president Carlo Katigbak, chief operating officer (COO) Cory Vidanes, at chairman Mark Lopez.
Pinasalamatan din ni Vice ang mga namumuno sa GMA-7, na sina Chairman Atty. Felipe Gozon, COO Gilberto Duavit Jr., President of GMA Worldwide na si Atty Annette Gozon-Valdes, chief financial officer na si Felipe Yalong, at chairman of the executive committee na si Joel Jimenez.
SPECIAL GUESTS
Bukod sa daan-daang audience na nanood nang live sa Ynares Center ay may mga celebrity ring dumalo sa grand opening at birthday ni Vice.
Sa opening number ay kasama ang drag queens na sina Minty Fresh, Precious Paula Nicole, Captivating Katkat, at Brigiding.
Nasa audience din ang pinakaimportanteng tao sa buhay ni Vice, ang kanyang nanay na si Rosario.
Naglaro naman sa segment na "Karaokids" ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Jhake Vargas, Chanty Videla, Jillian Ward, Glaiza de Castro, Nadine Samonte, Christian Bautista, Mark Bautista, at Mikee Quintos.
Special naman ang guests sa segment na "Expecially For You"—sina Miss Universe Philippines Michelle Dee at ang kanyang nanay na si Melanie Marquez.
TRENDING TWEETS
Maraming tweets na may hashtag na #ShowtimeSanibPwersa ang naging trending rin.
Marami rito ang bumati kay Vice at nagandahan sa kanyang birthday prod.
Finally, our noontime show is no longer dominated by males.
— Rammy (@theramzoned) April 6, 2024
Long live, Vice Ganda and It’s Showtime team! ????????#ShowtimeSanibPwersa #ShowtimeSaGMA pic.twitter.com/2VaUHWwQWF
VICE GANDA ON TOP OF GMA BUILDING!
— KPEx Official (@OfficialKpex) April 6, 2024
THIS IS PEAK PHILIPPINE NOONTIME TV!
??????????????????@itsShowtimeNa#ShowtimeSanibPwersapic.twitter.com/OvDlOiY7tm
May mga namangha rin sa pag-cross over nga ng It’s Showtime sa Kapuso network.
it feel so surreal watching showtime with GMA logo! ???????????????????? #ShowtimeSanibPwersa pic.twitter.com/KMVAcSnPPF
— Rm Sobebe (@RmSobebe) April 6, 2024
HISTORY!!!!!! What a time we are in. Congratulations sa buong Team @itsShowtimeNa!!!! #ShowtimeSanibPwersa #ShowtimeSaGMA pic.twitter.com/k54b8DGPug
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) April 6, 2024
At may mga tweets din sa ilang mga nakakatuwang moment sa episode.
May pa growl si Madam Karylle ???? #ShowtimeSanibPwersa pic.twitter.com/yn1KhB8p07
— &???? ianepc INOUIO congrats my love “Jay Chang” (@ianepc26) April 6, 2024
Precious Paula Nicole, Brigiding, Minty Fresh & Captivating Katkat on #ShowtimeSanibPwersa ??????? pic.twitter.com/hppdSMB2g5
— klewja ??? (@bbpreciouspn) April 6, 2024
Give the Best Egyptian Costume Award to Lassy! ???????????? #ShowtimeSanibPwersa pic.twitter.com/zbw3f0UERv
— ??? JARED (@whatsupjared_) April 6, 2024
Ikaw, ano ang pinakaborito mong moment sa first episode ng It’s Showtime sa GMA-7? Papanoorin mo ba ang susunod na mga episode?