Diretsahang inamin ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin na nagkaroon siya noon ng lihim na pagtingin sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Nangyari ang pag-amin ni Kristoffer nang mag-guest siya sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel noong April 3, 2024.
Dito ibinunyag ni Kristoffer na 13-anyos siya nang makilala niya si Kathryn dahil nagkatambal sila sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Endless Love na umere noong 2010 sa GMA-7.
Pinagbidahan ito ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Si Kristoffer ang gumanap na batang Dingdong (Johnny), habang si Kathryn naman ang young Marian (Jenny).
Pagtatapat ng Kapuso actor, kahit na sa murang edad ay hindi siya nahirapan katrabaho noon si Kathryn.
Sa katunayan, naging madali at mas natural pa nga raw ang mga eksena nila ng Kapamilya actress dahil nagkagusto siya rito nang hindi alam ni Kathryn.
Aniya, "Parang high school po ako noon, parang lahat naaapektuhan ako non kasi bata e, na may ka-love team.
"Mas naging madali po siya kasi maharot po ako nung teenage years ko, e, so medyo madali po siya."
Sundot na tanong ni Pia Arcangel, "So, ibig bang sabihin parang naging crush mo si Kathryn noon?"
Mabilis na sagot ni Kristoffer, "Opo, parang for me, it added na lang din don sa chemistry namin, kung paano namin siya ginawa.
"Pero siyempre, hindi ko po inamin sa kanya yon.
"Tsaka sana di niya ito mapanood. Sana hindi na niya malaman."
Read: Kristoffer Martin posts throwback photo of Kathryn Bernardo during her GMA-7 days
Kristoffer hopes to work with Kathryn again
Sa Fast Talk With Boy Abunda noong February 7, sinabi ni Kristoffer na gusto niyang muling makatrabaho si Kathryn.
Panawagan ni Kristoffer kay Kathryn, "Kath, baka naman, di ba?
"Work tayo. Sayang yung Endless Love, oh. Tuloy natin."
Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards set social media ablaze with kilig videos
Pagtatapat pa ng Kapuso actor, wala na silang komunikasyon ni Kathryn magmula nang lumipat ang aktres sa ABS-CBN. Pero nagbabatian naman daw sila kapag nagkikita sa showbiz events.
Tanong ni Boy, "One of the first love team ni Kathryn ay ikaw nga, are you still in touch, are you still friends?"
Sagot ni Kristoffer, "Hindi na. [Pero] sana [friends pa kami].
"But nagkikita kami sa mga events, nagkaka-hi, hello naman kami. Pero yung personal na nagme-message, hindi po."
