Binuweltahan ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 5th big placer na si Brenda Mage ang mga bumabatikos sa kanya, kasunod ng pagsasapubliko niyang hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Gio Sta. Ana.
Sa isang mahabang Facebook post noong April 9, 2024, isa-isang sinagot ni Brenda ang mga negatibong komento sa kanya ng netizens matapos niyang kumpirmahin noong April 7 na nagwakas na ang halos dalawang taon nilang pagmamahalan ni Gio.
Ayon kay Brenda, malungkot man ang kinahinatnan ng kanilang relasyon ay hindi siya kailanman natakot sumugal dito.
Naniniwala raw kasi siyang masarap at masaya sa pakiramdam ang magmahal, panandalian man ito o panghambuhay.
Mababasa sa kanyang post (published as is), “Masarap mag mahal….wag kang matakot magmahal dahil lang sa mapanghusgang tao sa paligid…. Tandaan mo hanggat wala kang tinatapakang tao at masaya ka sa ginagawa mo/nyo pagpatuloy mo lang.
“Kung maghiwalay man kayo then accept it and move on basta alam mo sa sarili mo saan ka lulugar at kung paano mo tatanggapin ang importante naging masaya ka sa kung anung meron kayo…
“tandaan ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal ng relasyon.. Kahit araw o linggo o buwan lang ang inabot ng relasyon nyo kung naging masaya kayo ok na yun.. yang mga maraming satsat sa paligid yan ang mga takot at di nakaranas ng tamis ng tunay na pag-ibig kaya nangingialam nalang ng ibang relasyon.”
Read: Brenda Mage regrets joining PBB; wishes for haters to forget his past mistakes
Pagmamalaki pa ni Brenda, kahit may ilang nagsasabing hindi sila bagay noon pa man ni Gio dahil sa agwat ng kanilang edad, totoo raw ang intensiyon nilang mahalin ang isa’t isa.
Saad niya, “Ako naging masaya ako sa naging relasyon ko kahit ganito ang itsura ko na mukha pang tyohin nyo at take note MGA GWAPO!!
“At for the record 5th times na ko nagkajowa at nakipaghiwalay pero never ako mag ngangawa sa iyak dahil sa niloko ako o ginamit ako dahil alam ko sa sarili ko ang ganitong relasyon ay panandalian lamang at may hangganan ang importante nasabi ko na naging masaya ako."
Read: Netizens dismayed with Brenda Mage for his inappropriate joke to PBB housemate Eian Rances
Nagbigay rin ng mensahe si Brenda para sa mga nagsasabing ginamit at pinagkaperehan lamang umano siya ng dating nobyo.
Buwelta niya, "Sa nagsasabi jan na ginamit lang ako at napaka feeling ko na mas barako pa ang itsura ko at umaasang mamahalin ng totoo HOY FYI 12yrs ang Kathniel 11 years ang KimXi perfect ang mga mukha babae at lalaki naghiwalay pa!!!!
“Hiyang hiya naman ako!! Acclang to! Ang dami kong Kilala magaganda na inanakan pa iniwan din naman!! Ako pa ba?
“Dibale nagkahiwalayan ang importante nagkatikiman!!”
Read: Brenda Mage gives boyfriend new iPhone: “Tama kayo gastos talaga pag manglalaki.”
Dagdag pa n Brenda, “Ang daming lalaki juice colored! Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga bagets na Gwapo hahaha
“At mind you Hindi ko kasalanan kung mas barako pa itsura ko sa mga Jowa ko.. Si Lord nagbigay nito alangan magreklamo ako ahahaha.”
Read: Brenda Mage proud to introduce new boyfriend; laughs off naysayers
