Inamin ng dating aktres na si Bunny Paras na hindi sila magkaibigan ng dating karelasyon na si DJ Mo Twister.
Gayunpaman, imbitado pa rin si Mo sa nalalapit na kasal ng kanilang anak na si Moira Greenway, na 24 anyos na.
Sa interview kay Bunny at kapatid nitong si Sharmaine Arnaiz sa YouTube vlog ni Snooky Serna, na in-upoad sa YouTube noong April 19, 2024, nagbalik-tanaw si Bunny sa nakaraan nila ni Mo.
Ayon kay Bunny, naging masaya naman ang pagsasama nila ni Mo noon. Yun nga lang, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.
Lahad niya, “Me and Mo would party a lot kasi nga DJ siya sa radio station, marami siyang events…
“Kung babalikan ko yung good times ng ex ko, masaya din naman. May mga party talaga kami na enjoy together.”
Malaki raw ang kinalaman ng ate niyang si Sharmaine para magkakilala at magkamabutihan sila noon ni Mo.
Paliwanag ni Sharmaine, “Talagang happy kami together kasi si Donita [Rose] best friend ko. Best friend ni Donita si Mo.
“Kaya naman sila nagkakilala ni Mo dahil din naman sa akin. So, magkakasama talaga kami in one house.”

(L-R) Snooky Serna interviews sisters Sharmain Arnaiz and Bunny Paras
Read: Bunny Paras so proud of daughter Moira for rising above her disability
NOT ON GOOD TERMS WITH MO
Pero kalaunan ay naging matabang daw ang pakikitungo nina Bunny at Mo sa isa’t isa, lalo na pagdating sa kanilang co-parenting.
Hindi man nagdetalye, mahihinuha sa pahayag ni Bunny na nagkaproblema sila ni Mo dahil hindi sila nagkakasundo pagdating sa anak.
Walang pagdadalawang-isip si Bunny nang sagutin ang tanong kung kamusta na sila ni Mo.
“Siyempre, wala talaga kaming good relationship,” sagot niya.
Paliwanag ni Bunny, “Because siguro vocal din kasi ako… pag sinasabi ko na, ‘O, I wish, you know, this and this would have been… what could have happened…’ yung parang may support ako sa kanya.
“But, hindi nga ganun ang ending. Nagbabangayan from the start nung naghiwalay kami.
“It was more, like, marami rin akong isasagot pag tinanong ako. Hindi ko pini-filter.”
Pagpapatuloy niya, “Di katulad ngayon. Parang may nagga-guide sa yo, ‘O, huwag kang magsasalita, ah.’ Mag-submit ka lang ng isang statement, ‘All is good.'
"Siyempre, kapapanganak mo lang. Yung hormones mo, inis mo, galit ka pa, immature ka pa.
“Pero kung ngayon na nila ako tinanong, ‘Sige, magkaibigan na lang tayo. Basta bayaran mo ‘to ah.’ Di ba? Puwede kong sabihin yon.”
Sa isang PEP.ph interview noong 2022, sinabi ni Bunny na halos walang partisipasyon si Mo pagdating sa kanilang anak.
Bahagi ng pahayag ni Bunny: “Sadly, Mo doesn’t do anything to help out or reach out [to] Moira. Mabibilang lang yung times na may nagawa siya to be there for Moira."
MO IS INVITED TO THEIR DAUGHTER'S WEDDING
Kahit daw hindi sila naging magkaibigan ni Mo, inimbitahan siya ni Bunny sa upcoming wedding ng kanilang anak na si Moira sa fiancé nitong si Nick Asbury.
Read: Bunny Paras, answered prayer ang pagkakaroon ng love life ng anak na may handicap
Sa U.S. na nakabase ngayon si Bunny. Nakapangasawa siya ng isang Fil-Am at nagkaroon sila ng tatlong supling.
Makahulungan naman ang sundot na pahayag ni Sharmaine sa sinabi ng kapatid tungkol sa pag-imbita kay Mo.
Sabi ni Sharmaine, “Abangan ang susunod na kabanata. Sana behave. Walang away dapat. Araw ni Moira yon.”
Hindi raw tulad ni Bunny, maayos ang pakikitungo nina Sharmaine at Mo sa isa’t isa.
“Okay naman kami,” sabi ni Sharmaine.
Hirit naman ni Bunny, “At saka yung asawa ko mabait kay Mo, ah, nung nakita siya before.”
Banat ni Sharmaine, “So, ibig sabihin ikaw lang ang hindi mabait.”
Pagpalag naman ni Bunny, “Anong hindi mabait? Ako lang yung may nararamdaman kasing ano, di ba?”
Giit ni Sharmaine, “Kaya nga, basta all for Moira on her wedding day, all should be good.”
Pagsang-ayon naman ni Bunny, “Sabi ko kay Moira, ‘It’s up to you, baby.’”
Tulad ni Bunny, may sariling pamilya na rin si DJ Mo. Kasal siya sa kapwa DJ na si Angelicopter at mayroon na rin silang mga anak.
