Ipinagdiwang ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang ika-39 kaarawan kahapon, April 24, 2024.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa mata ng publiko si Angel.
Read: Angel Locsin “enjoys” life away from limelight, social media
Sa kabila nito, ang best friend niyang si Dimples Romana ay hindi pa rin nakakalimot na batiin si Angel sa pinakamahalagang araw sa buhay nito.
Sa Instagram ay nag-post si Dimples ng lumang larawan nila ni Angel na posibleng kuha pa noong nagkasama sila sa defunct ABS-CBN teleserye na Lobo (2008).
Ang karakter ni Angel na si Lyka Raymundo ang ginamit niyang pangalan sa kaibigan.
Mensahe ni Dimples, "Maligayang kaarawan Lyka [wolf emoji]
"Mahal kita lagi lagi [smiling face with hearts, heart emojis]"
View this post on Instagram
Nagkomento sa post ni Dimples ang asawa ni Angel na si Neil Arce.
Sabi ni Neil, "Thank you daw [laughing with tears emoji]"
Tugon ni Dimples, "okay sana sinabi mo na sakin Bilang katabi ko naman kayo. bahay na ako."

Mababasa rin sa mga komento ng netizens na nami-miss talaga nila si Angel:

Kahapon, sa mismong kaarawan ni Angel, naglabasan ang videos ng mga dating birthday surprise para sa aktres.
Nitong nakaraang linggo lamang, mariing pinabulaanan ni Dimples ang balitang hiwalay na ang kaibigang si Angel at Neil.
Ayon kay Dimples, happily married si Angel at alagang-alaga ito ni Neil.
Sabi niya sa ulat ng ABS-CBN News noong April 15, 2024, “I get to see her naman, she's very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her.”
November 2022, pinabulaanan na rin ni Neil ang mga pekeng balita sa social media, lalo na sa YouTube, tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ng asawang si Angel.
Read: Neil Arce reacts to fake news of his separation from wife Angel Locsin over Maxene Magalona
Ang huling post ni Angel ay ang biyahe nila ng asawang si Neil sa Segovia, Spain noon pang August 2022.
