Anggulong love triangle at personal grudge ang tinitingnan ng pulisya kaugnay ng pagpaslang sa vocalist ng isang reggae band sa Salay, Misamis Oriental.
Katatapos lang mag-perform ng biktima sa isang concert noong Sabado, April 20, 2024, nang biglang nabulabog ang event dahil sa putok ng baril.
Bigla na lang nakahandusay ang vocalist na si Orly John Ajan, 25, sa sahig.
Isang tama ng baril sa ulo ang tinamo ng biktima.
Read: Two Pinoy OFWs dragged in murder of Japanese couple in Tokyo
The alleged suspect beHinD reggae band singer's murder
Ani Spokesperson Police Major Joann Navarro, Police Regional Office 10, sa ulat ng GMA Integrated News, “Ang suspek na hindi pa kilala sa kasalukuyan, binaril ito [biktima] sa kanyang ulo.
“Nadala pa ito sa pinakamalapit na hospital, pero idineklarang dead on arrival."
Na-recover din sa scene of the crime ang bala ng baril .45.
Sinabi pa ng pulis na nakakatanggap na ng death threats ang suspek bago ang krimen.
“Tinitingnan natin anggulo dito ay personal grudge o di kaya love triangle sa ngayon."
Iniimbestigahan din ang isinagawang seguridad sa concert dahil nakapasok ang salarin na may dalang baril.
Read: Killing of Mister CDO 2023 candidate "a crime of passion," says police; pastor denies involvement
Read: Female suspect caught on CCTV doing yoga before robbing bakery
GIRLFRIEND AMONG THE SUSPECTS IN SINGER'S MURDER
Sa ulat naman ng Bombo Radyo, sinabi ni Misamis Oriental Philippine National Police spokesperson and captain Geraldine Botanas na pauwi na dapat ang biktima matapos ang performance niya.
Sinabing “motorcycle in tandem” ang suspek.
Dagdag pa ni Botanas, person of interest ang nobya ng bokalista dahil bago raw naganap ang krimen ay nagkaroon sila ng pagtatalo, at may dalawang tao na naghahanap sa bahay ng biktima.
Dalawang testigo na rin daw ang lumutang at nag-volunteer na tutulong para magsampa ng reklamong murder sa mga nasa likod ng krimen.
