Tinukso ng ilang netizens ang singer-actor na si JK Labajo dahil sa kanyang post tungkol sa kanyang girlfriend na si Miss Universe Philippines-Cavite 2024 Dia Mate.
Read: HARD LAUNCH: JK Labajo posts sweet photo with rumored girlfriend Dia Mate on Valentine’s Day
"Deja vu" ang karamihan ng komento ng netizens sa post ni JK na nanghihimok sa kanilang iboto ang girlfriend sa Miss Universe Philippines (MUPh) app.
Ang "deja vu" ay isang uri ng phenomenon kung saan ang pakiramdam ng isang tao ay nangyari na sa kanya ang isang kasalukuyang pangyayari.
Paanyaya ni JK sa netizens sa social media kagabi, April 23, 2024, "heya it’s me please vote for the beautiful bebe Ms Cavite through the MUPH app thank you"
View this post on Instagram
Si Dia ang representante ng Cavite sa Miss Universe Philippines 2024.
Read: JK Labajo on girlfriend Dia Mate: “Ganda ng babaeng to”
Sa Instagram, tinukso ng ilang fans si JK dahil tila "deja vu" ang kanyang post.


Natatawang pagsang-ayon naman ni JK, "haha deja vu"
kasunod niyang komento, "wag nga ano baaaaa"
Huling komento niya, "pag ito talaga ma news na naman wag kasi kayo maingayyyy"

ALMOST THE SAME POST, DIFFERENT CANDIDATE
Napansin kasi ng netizens na noong 2021 ay nakiusap din si JK sa netizens na iboto sa Miss Universe Philippines app ang kanyang ang ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz.
Probinsiya ng Pangasinan ang ni-represent ng model-actress sa Miss Universe Philippines 2021.
Mensahe ni JK sa Facebook noong July 26, 2021: "Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko na si Maureen Christa Wroblewitz para po pansinin niya na po ako. Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po."
Read: JK Labajo campaigns for girlfriend Maureen Wroblewitz's Miss Universe Philippines 2021 quest
Si Maureen ang first runner-up ng kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu.
Read: JK Labajo to girlfriend Maureen Wroblewitz: "Ikaw parin ang Ms Universe ko."
Kalaunan ay nauwi rin sa breakup ang relasyon nina JK at Maureen.
