Nasa cloud nine pa rin ang aktres na si Angelica Panganiban matapos ang beach wedding nila ng asawang si Gregg Homan sa Siargao.
Hudyat daw ito ng pagtatapos ng "sad girl era" ng aktres.
Idinaos ang second wedding nina Angelica at Gregg noong April 20, 2024.
Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan wed anew in Siargao
Sa Instagram, patuloy pa rin ang pagpapasalamat ni Angelica sa mga taong naging bahagi ng buhay niya hanggang sa siya ay naging ganap na misis na.
Isa sa kanila ay ang kanyang inang si Annabelle Panganiban.
Pinalaki raw kasi siya nito nang tama kaya naman napunta siya sa tamang tao.
Read: Angelica Panganiban: Talented Hugot Queen
Mensahe ng aktres sa ina (published as is): "Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao.
"Madalas tayo mag biruan, sinasabi mo na alagaan ko si gregg at UMAYOS AKO [winking face emoji] ang sagot ko naman, maaa, dead na dead yan sakin [face with tears of joy emoji]
"pero ang totoo, hindi ako magiging sapat na mama ni bean ngayon at may bahay ni gregg kung hindi mo ko napalaki ng tama.
"Lahat ng meron ako ngayon ay pasasalamat ko sayo.
"Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko.
"Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan.
"Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa.
"Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita ma. [heart emoji]"
View this post on Instagram
ANGELICA ENDS SAD-GIRL ERA
Sunod na binigyan ng pagpupugay ni Angelica ang asawang si Gregg, na ama ng kanyang anak na si Amila Sabine.
Read: Who is Gregg Homan, Angelica Panganiban's husband?
Malaki ang pasasalamat ng tinaguriang "Hugot Queen" dahil tinapos daw ni Gregg ang kanyang "sad girl era."
Aniya, "Ito na ang tamang pagkakataon para magpasalamat tayong lahat kay Gregg! Tinapos niya ang sad girl era ko [laughing with tears of joy emoji]"
Tinawag din niya ang sariling "Patron Saint of Broken Hearted."
Diin ni Angelica, "Ang patron saint ng mga broken hearted [broken heart emoji] now officially signing off [victory hand emoji]"
Tanong pa niya sa kanyang followers, "Sino gusto sumalo ng korona?"
Ang A-lister actress ay minsang na-link kina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at ilan pang popular personalities.
View this post on Instagram
Unang nagpakasal sina Angelica at Gregg sa Los Angeles, California, USA, noong December 31, 2023.
Read: Angelica Panganiban now married to fiancé Gregg Homan
READ MORE:
- How much it costs to stay at Inara Siargao, Angelica Panganiban and Gregg Homan's wedding venue
- WEDDING ALBUM: The all-white minimalist wedding of Angelica Panganiban and Gregg Homan
- Angelica Panganiban's bridal look in all its lovely detail
- Here's exact venue of Angelica Panganiban and Gregg Homan's wedding
