Umaasa si Dennis Padilla na magtuluy-tuloy na ang "healing" sa pagitan nila ng mga anak na sina Julia Barretto, Claudia Barretto, at Leon Barretto.
Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto.
Recently, napaulat na nakatanggap ng birthday greeting si Dennis mula kay Julia.
Read: Dennis Padilla, nakatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto
Nakatanggap din si Dennis ng reply mula kay Leon nang batiin niya ang binatang anak sa birthday nito ngayong Abril sa pamamagitan ng social media.
Read: Leon Barretto thanks dad Dennis Padilla for birthday message
Bago ito, ilang beses nagkatampuhan ang mag-aama na lumaki dahil idinaan ito sa social media.
Read: Leon Barretto recalls standing up for sisters over past issue with dad Dennis Padilla
Para kay Dennis, hudyat ito ng paghilom ng relasyon nilang mag-aama.
“Ito yung start ng healing, so I hope na magtuluy-tuloy yung healing,” sabi ni Dennis sa PEP Live interview nitong April 23, 2024.
“And I hope na mas madalas ko na silang makita at makausap nitong mga darating na araw. And I will exert extra effort na ganoon ang mangyari.”
Read: Claudia Barretto graduates from Ateneo de Manila University with degree in Psychology
DENNIS MAKES A PROMISE TO JULIA, CLAUDIA, LEON
Nagbitiw rin ng pangako ang veteran comedian sa kanyang tatlong anak.
Saad niya: “To my children, I hope magkita-kita tayo soon.
"And promise, sisikapin ko na makausap kayo nang mas madalas at sisikapin ko na magkita tayo nang madalas…
“And I’m willing to adjust doon sa schedule kung saan kayo libre and io-open ko yung schedule na iyon para sa inyo, [mga] anak.
“Priority ko na makausap at makita kayo very, very soon. I love you all.”
Nakatanggap ng birthday greeting si Dennis mula kay Julia noong February, at ni-reply-an siya ni Leon sa Instagram nitong Abril 2.
Sa kabila nito, may lima o anim na taon nang hindi nagkikita ang mag-aama.
Sabi ni Dennis, “Kasi sobrang busy rin ng mga bata, kamukha si Julia, saka sila Claudia… busy talaga sila sa kanya-kanyang career.
“And then Leon, araw-araw din may schooling. And masipag din si Leon sa school dahil Dean’s lister yun, e.”
Pero halatang optimistic si Dennis ngayong may interaksiyon siyang muli sa kanyang mga anak.
“Siguro these coming months siguro… I’m sure magkikita kami and, siyempre, inaantay ko rin yun, e… na excited ako na sana magkita-kita kami soon and magkausap kami na mas madalas na after that.”
Masaya rin si Dennis sa accomplishments ng kanyang mga anak.
“Magkakaiba yung talent nila—acting, singing, schooling.
"Happy ako dahil kung ano yung dream nila, kung ano yung talent nila, nae-enjoy nilang gawin.
"I’m thankful. And, number one, they are healthy."
