PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela confirms breakup with non-showbiz partner

Rita to her son: "Anak, may mga bagay sa buhay na hindi para sa isa't isa..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 15, 2023
Rita Daniela confirms breakup with non-showbiz partner
Rita Daniela on breakup with her non-showbiz partner: "We really tried our best just like everybody else, but it didn't work out."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Kinumpirma ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela na hiwalay na sila ng non-showbiz partner at ama ng kanyang anak.

Sa panayam ni Rita sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes, June 15, 2023, naging bukas siyang ibahagi ang malungkot na kinahantungan ng mahigit apat na taong relasyon nila ng dating nobyo.

Read: Rita Daniela clarifies businessman with her in photo not father of her baby

Diretsahang tanong sa kanya ng host na si Boy Abunda, "May mga speculations na naghiwalay kayo or magkahiwalay na kayo ng ama ng iyong anak na si Uno. It is a yes, it is a no, what's the story?"

Mabilis na pag-amin ng aktres, "Yes, Tito Boy. Naghiwalay na po kami nung tatay ni Uno."

Hindi man idinetalye ni Rita ang dahilan ng kanilang hiwalayan, sinabi niyang ginawa raw nila ang lahat ng kanilang makakaya para maisalba ang relasyon nila.

"We really tried our best just like everybody else, but it didn't work out," sambit ni Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauwi man sa breakup ang kanilang pagsasama, hindi naman daw nagbago o nabawasan ang pagmamahal nila sa kanilang anak na si Juan Andres.

Sa katunayan, maayos daw silang naghiwalay at hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan.

Pagbabahagi ni Rita, "Ang maganda, Tito Boy, kasi we're good friends, e—very, very good.

"We're doing our very best to co-parent Uno.

"I'm actually proud of ourselves, kaming dalawa.

"Kasi hangga't maaga inaayos na namin siya. Para pag lumaki na si Uno, alam mo po yun, peaceful po kami and we can still be a family na wala na pong issue-issue sa both sides."

Hindi man maganda ang wakas ng relasyon ni Rita sa ama ng kanyang anak, hindi raw ito magiging hadlang para hindi na siya muling magmahal.

Aniya sa tanong kung handa ba siyang umibig muli: "Definitely, yes.

"Of course it's still one of my dreams to be, you know, na maglakad [sa altar] na may wedding gown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Part pa rin iyon ng aking pangarap. But now, not yet.

"Because my focus is to be a better person and to be the best mom to Uno."

RITA'S MESSAGE TO HER SON

Hindi man daw naibigay ni Rita ang kumpletong pamilya sa anak niyang si Uno, sisiguraduhin niyang ibibigay ang lahat ng kanyang pagmamahal para hindi nito maramdaman kailanman na may kulang sa anak.

Mensahe niya sa kanyang anak, "Uno, Nanay will always love and support you no matter what.

"I love you for who you are. Keep being you and I'm very proud of you.

"Always remember, anak, that you are kind, you are important, you're loved, you're blessed, and Jesus loves you, and He is always with you.

"I promise to sing for you always and forever."

Read: Rita Daniela, may "life-changing revelation" sa All-Out Sundays

Hinahanda na rin daw ni Rita ang sarili kung sakali mang dumating ang panahong magtanong si Uno tungkol sa kanyang ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Rita, "Ang sasabihin ko [kung sakaling magtanong si Uno], 'Anak, si Nanay at Tatay ay nagmahalan nang sobra kaya dumating ka.

"'Nagkataon lang talaga, anak, na may mga bagay sa buhay na hindi para sa isa't isa... at isa kami dun ng Tatay mo.'"

RITA AND THE IDENTITY OF HER PARTNER

Noon pa man ay hiniling na sa publiko ni Rita na irespeto ang desisyon niyang huwag pangalanan ang ama ng kanyang anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit umugong ang ilang haka-haka noong September 2022 na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz partner.

Agad naman itong pinabulaanan ni Rita at sinabing walang katotohanan ang mga ito.

Read: Rita Daniela slams "fake news" about breakup with her baby's father

Samantala, noong June 26, 2022, sa "Queendom" segment ng All-Out Sundays unang inanunsiyo ni Rita ang kanyang pagbubuntis.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Read: Rita Daniela to her unborn baby: “I can’t wait to meet you, anak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

December 22, 2022, naman nang isilang niya ang panganay niyang supling.

Read: Rita Daniela gives birth to healthy baby boy

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela on breakup with her non-showbiz partner: "We really tried our best just like everybody else, but it didn't work out."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results