PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz no hard feelings toward Bea Alonzo

Ogie: "Hindi po ako galit kay Bea Alonzo...naniniwala ako, karapatan niya yan."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 6, 2024
Ogie Diaz admits no hard feelings towards Bea Alonzo
Ogie Diaz (right) on cyber libel complaint filed by Bea Alonzo (left) against him: "Sa totoo lang, buksan niyo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako naniniwala ako, karapatan niya yan. Kung feeling niya, e, nasaktan natin siya, karapatan niya yon."
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz YouTube/Rachelle Siazon

Hindi galit at wala umanong sama ng loob ang showbiz columnist at host na si Ogie Diaz kay Bea Alonzo matapos siyang sampahan ng Kapuso actress ng reklamong cyber libel.

Sa YouTube vlog ni Ogie nitong Lunes, May 6, 2024, nagbigay siya ng mas mahabang pahayag sa reklamong isinampa ni Bea laban sa kanya at mga co-host sa online show na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Ayon kay Ogie, nang makarating sa kanya ang ginawa ni Bea ay hindi sumagi sa kanyang isipan na magalit at magtanim ng sama ng loob sa aktres.

Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyber libel

Naiintindihan daw niya ito, lalo na't karapatan ninuman ang magsampa ng reklamo sa mga taong nakapanakit sa kanila.

Saad ni Ogie: "Sa totoo lang ay hindi pa po namin nakukuha yung kopya [ng complaint].

"Ayun naman po ay hihintayin namin at siyempre wala naman kaming choice kundi idepensa ang aming panig at kumuha rin ng abogado para maipagtanggol ang aming sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ito, ha, sa totoo lang, buksan niyo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo.

"Kasi ako, naniniwala ako, karapatan niya yan.

"Kung feeling niya, e, nasaktan natin siya, karapatan niya yon.

"In the same way na siyempre kailangan din naming idepensa yung aming sarili at ipaglaban kung ano yung para sa amin.

"Ewan ko, pero wala akong naramdamang galit or hate.

"Kasi hindi naman ho iyan ngayon lang nangyayari, yung ganyan sa amin, lalo na sa aming propesyon."

Bea Alonzo files cyber libel complaint versus Cristy Fermin, Ogie DiazBea Alonzo with Atty. Jose Manolo Garcia at the QC Prosecutor's Office

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OGIE used to "reklamo, demanda, yang libel"

Sanay na sanay na raw si Ogie masampahan ng kasong libelo sa tagal niya sa showbiz industry magmula noong nagsusulat pa siya hanggang sa ngayong maging vlogger.

Pagbabalik-tanaw niya: "Noong araw na wala pang vlogs-vlogs, dyusko no, kahit ako reporter noong araw, nakakatikim pa rin naman ako ng mga reklamo, demanda, yang libel, pero napagtatagumpayan naman natin.

"Basta ang important dito, e, kilala niyo [viewers] kami. Ayaw na naming magbuhat ng bangko at isa-isahin yung mga nagagawa naming kabutihan at kabayanihan para sa mga artista.

"Lalo na yung mga nagpo-promote dito."

OGIE ALSO very USED TO BASHERS

Maging sa pagkakaroon ng bashers ay sanay na rin daw si Ogie.

Noon pa man ay ipinaliwanag na raw niya ito sa kanyang pamilya, lalo na sa mga anak niya, na kaakibat ng kanyang propesyon ang pangungutya at katakut-takot na pamba-bash.

Read: Ogie Diaz speaks up amid Bea Alonzo's cyber-libel complaint against him

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabahagi niya: "Kahit yung mga anak ko, yung mga kaklase nila sinasabihan silang, 'Uy, yung daddy mo dinemanda, ganyan-ganyan.'

"Isa lang sinasabi ko sa mga anak ko, 'Bahagi lang yan ng trabaho ng daddy.'

"Kapag nagsulat ka o nag-vlog ka, ayan yung mga puwedeng dumating sa buhay ng daddy niyo.

"Ang importante, sabihin niyo na lang sa kanila, 'Daddy cannot please everybody.'

"Buti nga ganyan-ganyan lang ang dumarating sa atin. Hindi yung dinedemanda tayo kasi hindi tayo nagbayad ng utang. Dinemanda tayo kasi nanloko tayo. Dinemanda tayo kasi nagbenta tayo ng illegal drugs.

"Dinemanda tayo kasi nagnakaw tayo, walang mga ganyan. Kaya ayan na lang po ang ipinagpapasalamat namin.

"Kaakibat lang ng aming trabaho yung dumating na pagsubok."

Isa lang daw ang hinanakit ngayon ni Ogie—ang tinatawag niyang below-the-belt na tirada sa kanila ng netizens na hindi naman daw alam ang puno't dulo ng lahat.

Aniya: "Yung ibang bashers namin na halos isumpa kami, naalala ko noon na sinabi natin dito na split na yung KathNiel, nag-trending pa yung #FakeNewsPeddlerOgieDiaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos yung umamin yung dalawa, nagkaroon ng statement na totoong split na sila, biglang [sinasabi na nila], 'Si Ogie Diaz lang ang sakalam, kay Ogie Diaz lang kami maniniwala, patron ng hiwalayan,' mga ganyan, bumibilib sila.

"Tapos ngayong nademanda, pak, nasan na kayo, di ba mga Marites kayo?

"Ngayon, halos idukduk niyo na ang mga mukha namin sa putikan."

Dagdag pa niya, "Pero normal lang yan. Ang lagi nga naming sinasabi dito, na kapag wala na kaming bashers, e, hindi na kami relevant.

"Basta tuloy lang ang aming pagdepensa sa aming case.

"Basta patuloy lang po kaming maghahatid sa inyo ng saya, ganon na lang, di ba?"

OGIE ON Liza Soberano and dad supportING BEA

Hiningan naman ng reaksiyon si Ogie ni Mama Loi, co-host ni Ogie sa vlog, tungkol sa pagsuporta ni Liza Soberano sa pagsampa ng reklamo ni Bea sa kanila.

Kamakailan ay nag-trending din si Liza nang mapansin ng netizens ang pag-like at pag-repost nito sa balitang nagsampa ang kapwa niya artista ng reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang inilagay na kahit anong caption si Liza.

Read: Liza Soberano reacts to Bea Alonzo’s cyber libel complaints vs Ogie Diaz, Cristy Fermin

Pero ayon sa netizens, indikasyon ito ng pagsuporta ni Liza sa ginawang hakbang ni Bea laban sa mga tingin niya'y naninira sa kanya.

May ilang netizens ang hindi makapaniwalang nagbigay suporta si Liza kay Bea. Sabi nila'y malapit si Ogie kay Liza dahil dati niya itong talent manager noong nasa poder pa si Liza ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

May ilan namang naniniwalang dapat lang asahan ang ganoon kay Liza. Dahil, balik-tanaw nila, may panahong kinawawa ni Ogie sa kanyang vlog ang dating talent nang magsalita ito tungkol sa isyu ng tseke.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Mama Loi, "Maraming nagtatanong kung ano raw ang reaksiyon mo sa pag-repost ni Liza Soberano ng balita tungkol sa pag-file ng demanda ni Bea."

Sagot ni Ogie: "Ayoko na ngang sagutin yan, e, pero okay sige, nakita ko nga yon. Marami nga rin ang nag-send sa akin ng screenshots sa pag-repost niya.

"Sa akin, walang problema yon. Okay lang kasi karapatan niya yon, e, account niya yon. Twitter or X account niya yon, okay lang kasi karapatan niya yon."

Ngunit matapos niyang sabihin ito, may sundot siya kay Liza: "Kasi ako, sa akin lang, 'no, kung makakatulong sa career ni Liza yung pagre-repost, e, di i-repost niya nang i-repost. Walang kaso sa akin yon."

Dagdag naman ni Mama Loi, "Yung tatay din ni Liza Soberano, nag-repost din. Sabi niya, 'Yes.'"

Tipid na sagot ni Ogie, "Hindi ko na siya pinapansin kasi ganyan na siya sa akin ever since. Hayaan mo na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bea files cyber libel complaints vs Ogie, CRISTY FERMIN, AND MORE

Noong May 2, 2024, personal na nagtungo si Bea sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia, para sampahan ng reklamong cyber libel sina Ogie, Cristy Fermin, at isa pang indibidwal na sinasabing naninira sa aktres.

Dawit din ang kasamang commentators nina Cristy at Ogie sa magkahiwalay nilang online shows.

Read: Cristy Fermin reacts to Bea Alonzo's cyber-libel complaint

Nanindigan si Atty. Garcia na ginamit umano nina Ogie at Cristy ang "negative sensationalism" laban kay Bea para tumabo ng views at kumita ang kani-kanilang online shows.

Sinabi rin ng abogado na mayroong sapat na ebidensiya ang kampo ni Bea, at handa silang ipakita ang mga ito sa imbestigasyon ng kanilang reklamong cyber libel.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Garcia matapos nitong samahan si Bea sa paghain ng reklamo laban sa mga akusado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang opisyal na pahayag ng abogado ni Bea kaugnay ng cyber libel complaints na isinampa ng kanyang kliyente laban kina Ogie, Cristy, at iba pa:

"The three separate criminal cases for cyber libel filed today against the named respondents are clear and very strong messages from our client, Ms. Bea Alonzo.

"She has endured all the defamatory and malicious statements against her character by these individuals in the past months or even years in silence, with dignity and grace.

"But there is always a limit and now is the time for definitive legal action.

"It must be underscored that in more than two decades of Ms. Alonzo’s illustrious career, this is the first time that she has taken positive steps against those who spread false news against her with the intent to besmirch her good reputation in the entertainment industry.

"Also, as a law abiding citizen & a dutiful taxpayer, Ms. Alonzo is enforcing her right in filing these complaints against these individuals who strategically employed negative sensationalism to drive views and followers in their favor through their social media accounts, reaping financial benefits at our client’s expense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Their deliberate actions aimed at tarnishing our client’s reputation not only demonstrate calculated intent but also raise questions about the transparency of their financial activities, particularly regarding potential tax obligations on their social media earnings due to the government, particularly the Bureau of Internal Revenue.

"The allegations in her complaints are supported with proper evidence. Consistent with the legal process, we expect that the Office of the City Prosecutor of Quezon City will issue the respective subpoenas to the individuals concerned who will be given the opportunity to submit their counter-affidavits. We will await this and be ready to respond when the time comes."

Read: Bea Alonzo's lawyer cries foul over "negative sensationalism" for the sake of "views"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (right) on cyber libel complaint filed by Bea Alonzo (left) against him: "Sa totoo lang, buksan niyo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako naniniwala ako, karapatan niya yan. Kung feeling niya, e, nasaktan natin siya, karapatan niya yon."
PHOTO/S: Screengrab @Ogie Diaz YouTube/Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results