Sa umpisa pa lang, puwede talagang marami nang naglalaro sa isipan ni Miguel Tanfelix bilang bagong runner ng Running Man Philippines season 2.
Iba rin kasi ang pakiramdam kapag bago sa isang grupo na masasabing buo at solid na at may napatunayan na sa season 1.

(Running Man PH season 2 stars (L-R) Mikael Daez, Kokoy de Santos, Miguel Tanfelix, Buboy Villar, Angel Guardian, Glaiza de Castro, Lexi Gonzales)
Hindi nga itinanggi ni Miguel na nakaramdam siya ng kaba.
“Kinabahan po ako kung paano ako magpi-fit sa grupo. Kasi ako, may pagka-introvert ako.
“Minsan, parang nahihiya akong kumausap ng mga tao. Pinanood ko ang buong season 1 at nakita ko kung gaano sila ka-close.
“Naisip ko kung paano ako papasok sa grupo nila. Pero bago ako lumapag ng Korea, nasa eroplano yata ako no’n, sinabi ko sa sarili ko na bahala na lang.
“Tapos, trinust ko na lang sila kung paano nila ko tatanggapin, no expectation. Kumbaga dapat ganito, dapat ganyan, wala.
“Kung ano ang mangyayari sa Korea, bahala na si Batman, gano’n. Pero buti na lang po, naging very welcoming naman po sila at naging masaya rin ang buong 43 days.”
Read:
Miguel Tanfelix joins Running Man Philippines as 7th member
Running Man PH members sumabak agad sa mission paglapag sa South Korea
MIGUEL SAYS RUNNING MAN KOREA TRIP DIDN’T FEEL LIKE WORK AT ALL
At dahil bago nga kay Miguel ang pagiging runner at makasama sa Running Man PH 2, hindi raw niya inaasahan ang mga naging karanasan niya.
“Hindi ko in-expect na magiging ganito kasaya ang buong 43 days ko sa Korea.
“Noong una, iniisip ko, ‘my god, 43 days! Kaya ko ba yon?’
“Malulungkot ako, ang dami kong mami-miss sa Pilipinas—pamilya ko, mga kaibigan ko. Para sa akin, parang masakit, mahirap umalis na 43 days doon.
“Pero noong nakapag-adjust ako, noong maging close kaming lahat, iyon na, parang ayoko nang umuwi. Pero sobrang dali ng mga araw. Parang hindi siya 43 days.”
Sabi pa ni Miguel, “Bago ako pumunta ng Korea, ang iniisip ko, trabaho ang pupuntahan ko. Pero hindi ko naramdaman na nagtrabaho ako sa 43 days.”
MIGUEL ADMITS FEELING INTIMIDATED BY GLAIZA, ANGEL
Sa original na mga runners, inamin ni Miguel na kina Glaiza de Castro at Angel Guardian daw siya nailang noong umpisa.
“Hindi naman naasiwa po, pero medyo nahirapan akong makisama kay Boss G [Glaiza].
“Intimidating, e, nakakatakot,” natawang pag-amin ni Miguel.
“Lalo na kapag mga challenges, medyo palaban talaga, e. Kaya medyo natakot ako sa kanya.
“And actually, kay Angel din. Parang nahirapan akong mag-connect sa kanya personally.
“Pero may one time na nag-coffee kaming lahat ng runners. Nakapag-usap kami, parang naintindihan ko siya na a, kaya pala ganito.
“So, feeling ko, nahirapan akong kumonek kay Angel at na-intimidate ako kay Boss G.”
Nawala rin naman daw ang pakiramdam niyang iyon sa dalawa habang tumatagal.
“Noong konti-konti na nage-get ko na kung paano ba ang Running Man. Kasi noong una, medyo clueless ako.
“Ang alam ko, mag-challenges kayo, pero gaano ka ka-competitive. Ilang percent yung fun dapat.
“Pero noong medyo nage-get ko na, saka ko para mas lalong nakilala si Boss G na competitive siya, pero masaya talaga kami.”
Magsisimula nang mapanood ang Running Man PH 2 tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7 simula ngayong May 10.
MIGUEL ADMITS MISSING YSABEL DURING KOREA TRIP
Sa isang banda, isa na yata sa pinakamatagal nilang pagkakahiwalay ni Ysabel Ortega ang pamamalagi niya sa South Korea. Binanggit niya ang mga na-miss niya habang wala sa Pilipinas, pero hindi kasama sa nabanggit niya ang ka-loveteam.
Read:
Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, LDR sa loob ng 43 days
It's official: Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega exclusively dating
Na-miss ba niya si Ysabel?
“Naku, araw-araw na nasa Korea po ako, name-miss ko siya,” mabilis na pag-amin ni Miguel.
“Actually, palagi kaming magka-video call tuwing gabi. Tapos, kung ano ang mangyayari sa episode namin, ikukuwento ko sa kanya buong part from start to finish. Ganoon po ang communication namin habang nasa Korea ako.”
Natawa naman si Miguel nang tanungin ito kung kailan naman niya personal na dadalhin sa Korea si Ysabel?
“Saka na po, kapag legal na kay Tita,” natawang sabi niya.
Ang Tita na tinutukoy ni Miguel ay si Michelle Ortega na in ani Ysabel at kilalang mahigpit sa anak.
“Medyo istrikta po si Tita pagdating po kay Ysabel at saka, naiintindihan ko naman po kung bakit.”
Wala pa rin blessing ni Michelle kung maging legal na nga ang relasyon nila?
“Nililigawan ko pa rin po silang dalawa. Bumibili po ako ng cake nila,” biro niya, bilang nagtayo ng sariling bake house ang mag-ina.
Pero ayon kay Miguel, “Hindi pa naman po kami. I mean, kung dadalhin ko po siya sa Korea, siguradong hindi po papayagan unless kasama si Tita.”
MIGUEL REVEALS PASALUBONG FOR YSABEL
Nang matanong naman si Miguel kung ano ang naging pasalubong niya kay Ysabel, “Naku, marami po,” ang nakangiting sagot niya.
“Ang mga pasalubong ko sa kanya, pinag-shopping ko siya. Mga damit, Korean outfits at meron din akong album ni Jungkook na pinasalubong ko sa kanya.”
Pero si Ysabel din naman daw, bagi siya umalis ay binilhan din siya nito.
“Binilhan po niya ako ng thermal, yun po ang Christmas gift niya sa akin. Kasi, January 14 kami umalis.”
Sa tanong kung meron siyang binili na souvenir niya naman mula sa pamamalagi niya ng mahigit isang buwan sa Korea, hindi raw inuwi kung hindi iniwan ang naging souvenir niya.
“Siguro, iniwanan na remembrance. Yung lock namin ni Ysabel,” sey niya.
Ang 'lock' na tinutukoy ni Miguel ay ang love lock na naging sorpresa niya kay Ysabel noong Valentine's Day.
