PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, LDR sa loob ng 43 days

Miguel Tanfelix, paano nag-fit sa cast ng Running Man Philippines?
by PEP Troika
Published May 6, 2024
miguel tanfeix ysabel ortega ldr
Miguel Tanfelix on relationship status with Ysabel Ortega: “Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa 43 days na nasa Korea ako. Dito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor yun sa relationship namin, e.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @migueltanfelix on Instagram

GORGY RULA

Hopia pala si Miguel Tanfelix na mag-guest si Ysabel Ortega sa second season ng Running Man PH.

Ilan sa mga ipinakita sa teaser na nag-guest ay sina Paul Salas, Josh ng SB19, Sandara Park, Bianca Umali, at may partisipasyon din si Ruru Madrid na isa pa rin sa runners ng Running Man PH.

Read: Miguel Tanfelix joins Running Man Philippines as 7th member

Sabi ni Miguel nung nakatsikahan namin sa media conference ng Running Man PH noong Sabado, Mayo 4, 2024, akala niya ay masu-surprise siya na isang araw ay biglang umapir si Ysabel.

Gustung-gusto pa naman daw niyang makita si Ysabel doon sa South Korea. Pero sa loob ng 43 days niya sa South Korea, hindi naman nagpalya si Miguel sa pagtawag kay Ysabel.

"Yun naman po yung compromise naming dalawa since 43 days ako sa Korea. Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our day. O kaya, 'good night,' ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos kunyari may episode kami, ikukuwento ko talaga sa kanya from start to finish kung papano itinakbo ng buong episode,” saad ni Miguel.

HOW DID MIGUEL FIT INTO RUNNING MAN RUNNERS?

Nasilip namin ang pilot episode ng season ng Running Man Ph na mapapanood na simula sa Mayo 11, Sabado.

Mas naaliw kami rito kesa sa unang season, kasi sobrang close na ng runners at kaagad namang nakasundo nila si Miguel.

Iyon daw ang unang kabang naramdaman ni Miguel nung sinabi sa kanyang isasali siya sa naturang reality show.

“Kinabahan po ako kung papano po ako magpi-fit sa grupo. Kasi ako, may pagkaano ako, e, may pagka-introvert. Minsan nahihiya ako kumausap ng mga tao.

“Pinanood ko yung buong Season 1, na-intimidate ako sa kanila kung gaano sila ka-close.

“Iniisip ko kung papano ako papasok sa grupo nila. Pero bago lumapag ng Korea, nasa eroplano ako nun, sinabi ko sa sarili ko na, ‘Bahala na lang!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bahala na, tapos i-trust ko na lang sila kung papano nila ako tatanggapin, no expectations. Na kumbaga, dapat ganito, dapat ganyan.

"Basta, kung ano ang mangyari sa Korea, bahala na si Batman.

“Buti na lang naging very welcoming sila sa akin. Kaya, at least, naging masaya yung 43 days,” pahayag ni Miguel.

Sobrang happy ang Kapuso actor pagkatapos niyang napanood ang pilot episode ng Running Man PH Season 2. Nakakatuwa raw dahil ang ganda ng kinalabasan nito.

“Proud ako sa naging outcome ng Running Man dahil unang-una, pinaghirapan po namin and pangalawa, masaya po kami nung buong 43 days,” pakli ni Miguel.

NOEL FERRER

Kuwento pa ni Miguel sa PEP Troika, nung ipinaalam niya kay Ysabel na isasali siya sa Running Man PH, tinanong siya kaagad kung gaano katagal siyang mawawala.

Talagang nalungkot daw si Miguel nung mga unang araw niya sa South Korea. Pero maganda rin daw na na-experience nila ni Ysabel na mawalay nang matagal-tagal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nalungkot po. Pero sabi ko naman po kay Ysabel na challenge din yun sa relationship namin kung kaya namin maging LDR.

“Kasi, may mga relationships na strong lang sila pag nakikita nila ang isa’t isa. Pero pag matagal na nahiwalay, parang mahina.

“So, ako excited akong i-take yung challenge na iyon bago ang lahat. Na-experience na namin yun,” saad ni Miguel.

Saang level na ba ngayon ang relasyon nila ni Ysabel?

“Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa 43 days na nasa Korea ako.

“Dito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor yun sa relationship namin, e.”

At nagpaalam talaga si Miguel kay Ysabel, ha? Sana talaga, ito na ang magtatagal niyang relasyon.

JERRY OLEA

Natuwa rin si Miguel dahil nabuo ang magandang friendship nila sa Running Man Ph. Pero naging close din niya ang mga kasamahan niya sa Voltes V: Legacy na nakasama niya nung mga nakaraang araw para sa promo ng rerun nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magre-replay na ngayong araw sa afternoon slot ang Voltes V: Legacy.

“Actually, itong Voltes V, sa simula hanggang ngayon, hindi po nawala yung closeness namin.

“Parang… the other week magkasama lang kami nina Radson (Flores). Kahit walang work, nagha-hang out kami,” sabi ni Miguel.

Matagal siyang nag-isip sa tanong namin kung saan siya ngayon mas pinaka-close, sa ka-grupo niya sa Voltes V o sa Running Man Ph?

“No comparison e. Pero parehas ko po silang close,” safe niyang sagot sa PEP Troika.

Read: Miguel Tanfelix, mixed emotions sa pagwawakas ng 'Voltes V: Legacy'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on relationship status with Ysabel Ortega: “Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa 43 days na nasa Korea ako. Dito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor yun sa relationship namin, e.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @migueltanfelix on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results