PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto defends husband having other kids

Angeline Quinto to husband Nonrev Daquina: "SALAMAT IKA'Y DUMATING."
by Arniel C. Serato
Published May 16, 2024
Angeline Quinto says husband Nonrev Daquina has only 2 other children
Singer Angeline Quinto responds to netizen claiming husband Nonrev Daquina has four other children from different women in the past.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Isang madamdaming appreciation post ang ibinahagi ng singer-actress na si Angeline Quinto sa Instagram para sa kanyang asawang si Nonrev Daquina.

April 25, 2024, ikinasal sina Angeline at Nonrev sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene, o higit na kilala sa tawag na Quiapo Church.

Read: Angeline Quinto at Nonrev Daquina, ikinasal sa Quiapo Church

Sa Instagram kahapon, May 15, 2024, nagpasalamat si Angeline kay Nonrev na hindi umano bumitaw sa kanya kahit mahirap ang kanilang pinagdaanan.

Saad niya, "Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin, Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, nung panahong kailangan na kailangan kita.

"Nung panahong ayaw ko ng kumanta at magtrabaho dahil sa pag kawala ng Mama."

Ang tinutukoy ni Angeline na "mama" ay si Sylvia Quinto, na mas kilala bilang “Mama Bob" na pumanaw noong November 2020.

Read: Angeline Quinto’s adoptive mother Mama Bob passes away

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Angeline, "Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko. At ang pag dating ni Sylvio ang nagbago ng buhay ko.

"Para saiyo ang awiting sinulat ko, kasama ni Sir @jonathanmanalo natapos namin ang kanta bago ang kasal natin kaya ito rin ang ginamit para sa bridal march ko last month.

"Nonrev, habang buhay kitang ipaglalaban.

"SALAMAT IKA'Y DUMATING."

NONREV DAQUINA'S OTHER CHILDREN

Sa comments section, isang fan ang nag-aalala para kay Angeline dahil daw sa mga paninira ng ilang netizens sa social media.

Saad nito, "Sa LAHAT Ng nag popost sa social media ate angge tungkol sayu naiiyak talaga Ako sa LAHAT Ng nabasa ko,bakit kaya sila ganyan Hindi nmn nila alam Ang buong pagkatao sa isang tao"

Netizen comment on Angeline quinto's post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng isa pang netizen sa kanya, "ndi m masisi public figure si angge tas yung guy may history na 4 na panganay,,sana nga iba sya,,bka mmya in the end mgrant dn sya kagaya ke pokie"

Netizen comment on Angeline quinto's post

Ang tinutukoy nitong "Pokie" ay si Pokwang, na hayag ang inis sa estranged partner nitong si Lee O'Brian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Angeline sa netizen na nagsabing may apat na panganay si Nonrev, "I'm sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una."

Angeline Quinto answers netizen

Read: FIRST LOOK: Angeline Quinto exudes radiance in her wedding gown

ANGELINE QUINTO'S STATEMENT IN 2022

Noong July 2022, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline, naitanong sa kanya ang tungkol sa tatlong iba pang anak ni Nonrev matapos niyang ipanganak ang anak nilang si Sylvio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, "Sa ngayon, wala pa akong nami-meet sa kanila. Pero napapag-usapan na namin ni Nonrev. Ako, okay ako sa ganoon. Kung makilala ko po ang mga anak niya, mas mabuti po sa akin.

"Alam ko na darating yung time na makikilala rin ni Sylvio yung mga kapatid niya.

“Ako, open ako sa ganoon. Mas gusto ko yun."

Read: Angeline Quinto open to meeting 3 kids of partner Nonrev Dauina

Noong August 2020, isang scoop ang inilabas ng PEP ukol sa isang non-showbiz girl na diumanoy's ipinagpalit ni Nonrev kay Angeline.

Sinabi noon ng dating nakarelasyon ni Nonrev na may tatlo nga itong panganay sa iba't ibang babae.

Read: Woman claims she is the girlfriend of Angeline Quinto's rumored new boyfriend

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Angeline Quinto responds to netizen claiming husband Nonrev Daquina has four other children from different women in the past.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results