Inalala ng veteran actress na si Hilda Koronel ang dating katrabaho at pumanaw na kaibigan na si Eddie Garcia.
Nitong Lunes, May 202, 2024, ibinahagi ni Hilda ang throwback photo still ng 1983 film na Palabra de Honor.
Kasama niya sa larawan ang kanyang co-stars na sina Eddie, Gloria Diaz, Jackie Lou Blanco, at Ronaldo Valdez.
Dalawang co-stars niya na nasa larawan ang pumanaw na—sina Eddie at Ronaldo Valdez.
Nagbigay-pugay si Hilda sa caption.
Aniya, “With the greats. I’m blessed to be working with these actors.”

Read: Hilda Koronel remembers ex-husband Jay Ilagan; on good terms with Amy Austria
HILDA DESCRIBES CLOSENESS WITH EDDIE
Sa comments section, tinanong ng isang netizen si Hilda tungkol sa pagkatao ni Eddie Garcia.
Mahaba ang naging sagot si Hilda. Labis daw siyang naapektuhan nang pumanaw si Eddie.
Ibinahagi rin ng aktres kung ano ang pagkakakilala niya kay Eddie.
Saad ng aktres (published as is): “i broke down when he had that accident.he can never be replaced.
“i love him very much.we all did..and I don’t have enough words to describe how great a human being he is.
“what a great loss,not just for the industry,but for us,the people that loved him.”
Naging malapit daw si Hilda kay Eddie dahil sa unang pelikula ng aktres ay gumanap ang aktor bilang tatay niya.
Ani Hilda (published as is), “Eddie Garcia,who I call DAD,because he played my father in my first film-Haydee.. but to me he was more than just a great actor.he was a wonderful,kind,funny,compassionate human being.and much more.”
Ang Haydee ay ang pinagbidahang pelikula ni Hilda noong 1970.
Pagpapatuloy ng aktres, ang kabaitan ni Eddie ay hindi lamang sa mga kapwa nito artista.
Sabi ng aktres, “he was kind to everyone especially our crew.he was there for everyone whether they needed help or just a laugh to make their day tolerable and better.”

EDDIE GARCIA'S DEATH
Noong June 20, 2019 ay binawian ng buhay si Eddie sa intensive care unit ng Makati Medical Center, matapos ang halos dalawang linggong pagiging comatose.
Pumanaw si Eddie sa edad na 90.
Read: Legendary actor Eddie Garcia dies at 90
Nasangkot si Eddie sa isang “freak accident” noong June 8, 2019, sa set ng teleserye ng GMA-7, ang Rosang Agimat.
Kumalat pa noon ang kuhang video sa batikang aktor habang kinukunan ang eksena at naaksidente.
Base sa official statement ng pamilya ng aktor, sinabing napatid umano ang veteran actor sa kable ng production, na naging dahilan ng kanyang pagbagsak sa semento.
Kaagad na isinugod sa ospital si Eddie, na nagtamo ng fractured neck at na-comatose.
Matapos ang 12 araw, pumanaw ang aktor.
