Nauunawaan ni Miel Pangilinan ang mga magulang niyang sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan nang sampahan nila ng reklamong cyberlibel ang betaranang showbiz columnist at online host na si Cristy Fermin.
May 10, 2024 nang magdesisyon ang mag-asawang Sharon at Kiko na sampahan ng reklamo si Cristy dahil sa umano'y mapanirang salita nito tungkol sa kanilang pamilya—na inilabas sa YouTube vlogs Facebook posts ni Cristy.
Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin
Sa panayam ni Miel sa ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe sa On Cue nitong June 3, 2024, nahingan siya ng reaksiyon sa hakbang na ginawa ng kanyang mga magulang laban kay Cristy.
Saad ni Miel: "A lot of these things that are being spread around by this person that my mom have filed a case against, it leads to pretty much a cesspool of negative comments against me and my siblings.
"They rarely show us in a good light. So it kind of... it boils over, and the audience that watches this person, they end up coming to me or my sister and blaming us, or just sort of sending hate or harassing us.
"That's the thing really, it affects us also. Parang dinamay pa kami. We weren't even a part of it originally. "
Hindi raw masisisi ni Miel ang kanyang magulang, lalo na ang kanyang ina na si Sharon na handang gawin ang lahat maprotektahan lamang ang kanyang mga anak laban sa mga paninira at pangungutya.
Patuloy ni Frankie: "Obviously my mom, she's always gonna do anything to defend her kids... That was her tipping point, I guess.
"Especially because the topics that these people are covering are very personal.
"It's hard to really let it just sit there for everyone to criticize, for everyone to comment on. And so I understand why my mom did get upset."
SHARON CLAIMS CRISTY REPEATEDLY THROWS "BASELESS" AND "BELOW-THE-BELT" ATTACKS AGAINST HER AND HER FAMILY
Ang pagdawit umano ni Cristy sa mga anak ni Sharon ang nagtulak kay Megastar na bumuwelta at tuluyang sampahan ng demanda ang beteranang host.
Sa panayam ni Sharon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ABS-CBN News, GMA-7, at TV5 noong May 10, matapos nilang magsumite ng sworn affidavit, nanindigan ito na nayurakan ang kanyang pagkatao sa ginawang paninira sa kanya ni Cristy online.

Saad ng actress/singer/TV host: "Like he [Kiko] said nga, na because we're public figures, we are very understanding of the fact na, you know, we're open to public scrutiny and criticisms.
"That's really okay kasi kakambal ng trabaho namin—siya bilang politiko at ako bilang artista.
"But it gets to a point kasi na it affects your children, your family.
"I've lost sleep over it kasi feeling ko, kahit hindi totoo, parang siyempre meron kahit lima na maniniwala doon."
Sabi pa ni Sharon: "I have brought suits against siguro two people in the past over 46 years of my career.
"Hindi ako mahilig sa ganito. Kung puwede lang, kaya lang, after so often na tinitira ka, baseless...
"Yung opinyon, okay lang yon, e. Pero alam mo, there's a line, you don't hit beyond the belt, below-the-belt rather.
"You don't hit beyond what is acceptable. Pati mga anak namin, marriage namin, lahat na."
Read: Miel Pangilinan quashes claim that she’s Rico Blanco’s daughter
Diin pa niya: "Parang ang sama-sama namin, parang ang sama kong ina, ang sama kong tao, when buong buhay ko parang has been dedicated to really trying to raise the best kind of human beings sa mga anak namin.
"We're very decent, very honest people. We're not perfect but we live very honestly. Wala kaming eskandalong matatawag mo."
Read: Cristy Fermin on cyber libel complaint of Sharon, Kiko
SHARON SAYS CRISTY NEVER REACHED OUT TO HER
Sa katunayan, matagal na raw nagtitimpi si Sharon sa ginagawang paninira sa kanya ni Cristy.
Sa pagkakatanda raw niya, 18 years old pa lang siya nang unang maglabas si Cristy ng malisyosong balita tungkol sa kanya.
Pagbabahagi ng Megastar, "Actually, since I was 18, may nangyari na kumalat na balitang isinulat niya na hindi totoo.
"Remember, when I secretly married the first time, parang she wrote na, we went to the States kasi gusto kong ipatanggal yung baby.
"I was just 18 then, and I am 58 now, 40 years ago. I didn't do anything, kaya patung-patong na."
Ang tinutukoy ni Sharon na "secret marriage" ay ang civil wedding nila ng kanyang first husband na si Gabby Concepcion. Hindi raw siya buntis noong unang beses silang ikinasal ni Gabby.
Read: Sharon Cuneta tells all about marriage and breakup with Gabby Concepcion
Sa lahat daw ng pagkakataong siniraan siya ni Cristy, ni isang beses daw ay hindi siya nilapitan nito para hingin ang kanyang panig.
Si Sharon pa raw ang lumapit kay Cristy noong 2021 para makipag-ayos at makipagkaibigan.
Hindi direktang sinabi nina Sharon at Kiko ang ginawang paninira sa kanila ni Cristy.
Pero pagkukumpirma nila, "early this year" lumabas ang vlog ni Cristy na nag-udyok sa kanila para tuluyan nang magsalita at magsampa ng reklamo.
Naluluhang sambit ni Sharon: "Inalagaan ko yung pangalan ko ng 46 years. Maganda ang palaki sa akin ng magulang ko. Higit sa lahat, sabi nung tatlong anak ko, mabuti akong ina.
"So, napakasakit sa akin, nagkapatung-patong. So, you know, if people pick that up, tapos talk as if they live with us, you know, and they see us, and they know what we're going through.
"Even my children have, you know, have suffered. Ang sama ng loob nila, we've been off social media, partly because of this."
Nasagad na lang daw talaga ang Megastar.
"Ayoko to, e. Parang it's a message also na artista kami, pero ang dami na nakakalimot na nasasaktan din kami, di ba?
"Hindi naman ninyo kami kilala, nakikita niyo lang ang trabaho natin.
"Sa ginawa niya, buong pamilya kasi namin ang naapektuhan, e. Yung mga anak ko, like Frankie, ganito-ganyan, parang ako, 'Oh my God, they're kids, they're studying, wala naman silang ginagawa.'"
THREE CYBER LIBEL COMPLAINt AGAINST CRISTY
Sa kasalukuyan, apat na cyberlibel complaint ang kinakaharap ni Cristy, kasama na rito ang reklamong isinampa ng mag-asawang Sharon at Kiko.
Una siyang idinemanda ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther noong March 13, 2024 sa Quezon City Prosecutor's Office. Dawit ang dalawang co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendel Alvarez.
Ang mga reklamong sinampa ni Esther laban sa tatlo ay cyberlibel, harassment, defamation, at unjust vexation.
Pangalawang nagsampa ng reklamo si Bea Alonzo noong May 2, 2024, sa Quezon City Prosecutor's Office.
"Defamatory statements" ang dahilan ng aktres kung bakit niya dinemanda si Cristy.
Hindi dinetalye ng kampo ni Bea kung ano ang partikular na pahayag ni Cristy ang sinama ng aktres sa reklamo.

Read: Bea Alonzo's lawyer cries foul over "negative sensationalism" for the sake of "views"
Pangatlo si Sharon sa nagdemanda kay Cristy.
At pang-apat si Dominic, na naghain ng reklamo laban kay Cristy, noong May 31, 2024, sa Pasig City Prosecutor's Office.
"Malicious statements and innuendos" sa YouTube channel ni Cristy na Showbiz Now Na ang dahilan ni Dominic sa kanyang isinumiteng reklamo.

Read: Dominic Roque files cyberlibel complaint vs. Cristy Fermin
