Muling nabiktima ng death hoax ang news personality na si Kim Atienza.
Kaya tinawanan na lamang ito ni Kuya Kim, na ilang beses na ring biktima ng panlolokong siya'y namaalam na.
Read: Kim Atienza on 'It’s Showtime' airing on GTV: “There’s a space for everyone.”
THE DEATH HOAX
Sa Instagram kahapon, June 3, 2024, ibinahagi ni Kim ang screenshot ng balita mula sa isang fake account sa TikTok na nagpapanggap bilang GMA Integrated News.
Ginaya pa nito ang text ID ng Kapuso Network pati na ang logo ng istasyon.
Nakasulat sa caption, "Until Again brother Kim."
Nakalagay sa art card: "Maraming Salamat, Alejandro 'Kim' Iligan Atienza."
Tama ang nakalagay na full name ni Kim, at kaarawan nito na January 24, 1967.
Pero mali ang nakasaad na pumanaw siya ng June 3, 2024.

Sabi ni Kim sa caption, "Nope, not today.
View this post on Instagram
Komento ni Arnold Clavio, "Hahaha Kuya Kim ano neh? Ogag yan!"
Tugon ni Kim (published as is), "hahaha gma logo pa."


Sabi naman ni Rita Daniela (published as is), "Sobrang badtrip ako sa account na yan kuya. Naka off comment tapos iyong account niya sa TikTok, artists na pinatay niya."
Sang-ayon ni Kim, "di ba mare."

Marami pang celebrities ang nagkomento sa post ni Kim:




Sa kanya namang Facebook, sinabi ni Kim, "Aabot din tayo diyan, but not today."
Read: Kim Atienza defends daughter's involvement in protests
FORMER DEATH HOAX
Noong nakaraang taon, nabiktima rin si Kim ng death hoax. Nangyari iyon sa gitna ng balitang pumanaw si Mike Enriquez.
Ni-repost kasi ni Kim ang old profile picture niya noong unang apak niya sa 24 Oras ng GMA Integrated News, matapos niyang lisanin ang TV Patrol.
Read: Kim Atienza describes first week as Kapuso: "Mabait ang lahat ng tao rito."
Ang segment ni Kim sa 24 Oras ay tumatalakay sa ilang trivia at kaalaman na may titulong “Kuya Kim, Ano Na?”
Naalala ni Kim na si Mike ang nag-welcome sa kanya nang una siyang sumalang sa programa.
Read: Segment ni Kim Atienza sa 24 Oras, magsisimula na ngayong October 11
Ni-reupload niya ang larawan nila ni Mike na naka-split screen kung saan may hawak siyang maliit na buwaya at ginawang profile picture noong August 30, 2023.
Ang kaibahan lang, ginawa ni Kim na black and white ang kulay ng litrato.
Karaniwan kasi sa news outlets na black and white ang ginagamit sa mga larawan ng mga personalidad na pumanaw.
Caption ni Kim. “My first day in 24 Oras 2 years ago. It was Booma who welcomed me. I'll never forget.”
Ang tinukoy ni Kim na Booma ay ang pumanaw na katrabahong si Mike Enriquez.
Pero, hinaluan naman kaagad ito ng maling biro ng ibang netizens.
May nagkomento na na nagulat sila at napatanong pa kung pati raw ba si Kim ay pumanaw na.
Read: Kim Atienza responds to netizens poking fun at his photo with Mike Enriquez: “Di po ako namatay.”
FAKE NEWS about kim atienza
Bukod sa death hoax, biktima rin ng fake news sa social media ang TV host na si Kim.
May nagpakalat ng pekeng balita na agaw-buhay raw ang weather anchor noong nasa TV Patrol pa ito noong July 2020.
Ayon sa kunwaring balita, nabaril si Kim ng mga nanloob sa bahay nito.
July 16, 2020, nagbigay na ng pahayag si Kim tungkol dito.
Ipinost ng TV host sa Facebook, Instagram, at Twitter ang kanyang official statement kasama ng screenshots ng gawa-gawang balita.
Mababasa ang titulo ng fake news (published as is): "Kuya Kim Atienza Kritikal Ngayon matapos Barilin ng mga Magnanakaw sa Kanyang Bahay. Nakunan ng CCTV."
Dalawang litrato ang pinagtabi bilang main photo ng fake news.
Nakangiti si Kim sa litrato sa kaliwa, habang makikita sa picture sa kanan ang isang lalaking walang malay habang nasa operating room ng ospital.
Ipinalalabas ng gumawa ng fake news na si Kim din ang lalaking nasa litrato sa kanan.
Sa Facebook unang kumalat na nabaril si Kim.
Iniimbitahan ng Facebook user ang mga nakabasa ng post na panoorin sa kanyang account ang umano’y CCTV (closed-circuit television) footage ng insidente ng pamamaril.
Gumamit pa ito ng hashtags na "#Pray4KuyaKim #getwellsoon #plsShare #respect" sa nabanggit na post.
Para magmukhang lehitimo, pinalalabas din ng gumawa ng pekeng balita na ipinost din ito ng GMA News.

Tampok din ang screenshot ng "video" raw ng insidente, na ipinost sa YouTube channel na "Trending News."
Makikita roon ang apat na lalaking naka-hoodie na puwersahang binuksan ang isang sports utility vehicle (SUV).
KIM ATIENZA ON FAKE NEWS ABOUT HIM
Pinabulaanan iyon ni Kim.
Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Kim sa lahat ng nangumusta sa kanya, matapos mabasa ng mga ito ang nabanggit na fake news.
Ayon sa TV host, ayaw na sana niyang pansinin ang pekeng balita.
July 15, 2020, isang Twitter follower ni Kim ang unang nag-alerto sa kanya tungkol sa pekeng balita. Pero ipinagkibit-balikat lang ito ng TV host.
Naniniwala siyang bahagi iyon ng pamba-bash sa kanya ng mga pabor sa ABS-CBN shutdown.
Biro pa ni Kim: "Pag namatay ako dadalawin ko siya gabi gabi."
DEATH HOAX ON EFREN "BATA" REYES
Bukod kay Kim, biktima rin ng death hoax si Efren "Bata" Reyes kamakailan.
Mula sa parehong pekeng TikTok account, na nagpapanggap na GMA News, lumabas ang artcard na nagsasabing namaalam na ang sikat na professional pool player.
Pero walang katotohanan ito.

