Hindi direktang kinumpirma ni Secretary Ralph Recto na papasok sa showbiz ang anak niyang si Ryan Christian Recto sa kabila ng marami ang nag-uudyok na pasukin nito ang mundo ng kanyang ina, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Ayon sa 60-year-old secretary ng Department of Finance, "Si Ryan mahilig sa music.
"He starts to sing, and I wouldn't be surprised. Dugo niya galing din sa nanay niya."
Read: Vilma Santos, proud sa hidden talent ng anak na si Ryan Christian Recto
RYAN CHRISTIAN TO JOIN POLITICS?
Maging ang mundo nga raw ng pulitika ay hindi imposibleng pasukin din ng kanyang 28-year-old son. Lalo na nga't madalas na itong nakikita sa ilang activities kasama ang mga kababayan nito sa Batangas.
Saad ni Secretary Recto, "Posible. Ryan may also run for congress. He might stick in Lipa City.
"There are two positions probably at stake. One is for governorship, and one is for congress."
Read: What Vilma Santos tells sons Luis and Ryan about joining politics
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Secretary Recto sa oathtaking ceremony para sa bagong officers and bonafide members ng Multi-Media Press Society of the Philippines (MMPRESS) na ginanap sa tanggapan ng Department of Finance sa Roxas Boulevard, Manila, kahapon, Hunyo 11, 2024.

Si Secretary Recto ang nag-administer ng oathtaking ceremony ng organisasyon na pinamumunuan ng mga entertainment columnist na sina Jun Nardo bilang chairman of the board at Ambet Nabus bilang president at chairman for special projects.

RALPH RECTO AS SECRETARY OF FINANCE
Bilang secretary, naitanong ng PEP kay Recto kung ano ang mga nakaambang proyekto na aasahan ng publiko o policies na ipatutupad niya para sa improvement ng nasabing ahensiya.
Saad ng dating senador, "Well, it would be closer to you—to the movie industry.
"So, si Pipo [Tirso Cruz III] nandito a few days ago. He was lobbying na para makumpleto yung builiding na para sa Film Development Council of the Philippines [FDCP], sa Intramuros yun.
"Kailangan ng pondo para matapos ang mga proyekto nila dun, including the film archives. So, as secretary, tutulungan ko rin ang FDCP among others."
Mukhang abalang-abala si Secretary Recto sa kanyang mga responsibilidad mula nang umupo siya noong January 2024. Kaya ang tanong ng entertainment writer na si Joseph Gonzales ay kung may panahon pa sila para sa isa't isa ng kanyang maybahay na si Vilma.
Read: Vilma Santos details how she keeps romance alive in her marriage
Sagot niya, "Well, during weekends, we go to Batangas. We stay in Lipa, we watch movies, and spend time together.
"Every night, we have dinner together. So, gabi-gabi, kung late man ako makauwi, sa gabi ay magkakasama pa rin kami matulog."
Pagbabahagi pa ni Secretary Recto, "We will be travelling soon. I'll be joining them for about a week.
"We're going to the States, at sila maiiwan dun about mga dalawa o tatlong linggo siguro."
Pagkatapos ng impromptu interview na ito, laking tuwa ni Secretary Recto nang iabot sa kanya ni Ambet Nabut ang isang bouquet of chocolates mula kay Ate Vi na may personal na mensahe nito at larawan.

