PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos on fans lobbying for her National Artist nomination

Vilma on watching her classic films: "Nagawa ko ba yun? Ang galing ko pala!"
by Melba R. Llanera
Published Apr 27, 2024
Vilma Santos and Ricky Lee at the film showing of the 2000 movie Anak at UST-SHS
Vilma Santos on clamor for her to be a National Artist awardee: "Kahit naman sinabi noon na natalo ako, it's not meant, di akin di ba? Kasi kung sa iyo yan, kahit anong gawin mo, sa iyo yan." Seen with Vilma is National Artist Ricky Lee at the film showing of Anak for CCP Cine Icons.
PHOTO/S: Maurice John Ramos / UST-SHS-MMC

Sinusulong ng mga masusugid na tagahanga ni Vilma Santos na ma-nominate bilang National Artist for Film and Broadcast Arts ang Star For All Seasons.

Kada tatlong taon bago pumili ng mga hanay ng pagkakalooban ng prestiyosong award, at ang bagong applicants for nomination ay may deadline for submission sa June 30, 2024.

Ang mga huling itinanghal na National Artist mula sa entertainment industry ay sina Marilou Diaz-Abaya, Tony Mabesa, Ricky Lee, at Nora Aunor noong June 10, 2022.

Read: Vilma Santos to be proposed to be named National Artist for Film

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vilma sa CCP Cine Icons screening para sa pelikulang Anak sa Blessed Pier Giorgio Frassati building sa University of Sto. Tomas-Senior High School, noong April 15, 2024.

Naniniwala si Vilma na kung talagang para sa kanya ang karangalan ay maipagkakaloob ito sa kanya.

"Yun na nga, nagpapasalamat ako, sobra-sobra ang ginagawa niyo, mga Vilmanians. For that, panalo na ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ba, sabi ko sa inyo, noon pa naniniwala ako na if it's not meant to be, it will not happen.

"Kahit naman sinabi noon na natalo ako, it's not meant, hindi akin di ba? Kasi kung sa iyo yan, kahit anong gawin mo, sa iyo yan."

Patuloy niya: "It's like parang a-attend ka ng award's night na sasabihin sa iyo, 'O, Best Actress ka,. Pero pag di ka um-attend, di ka mananalo.'

"Sagot ko, 'Kung deserve ko yun, ke nandiyan ako o wala, you will give it to me kasi deserve ko.'

"Ganun din yun, ke anuman ang sabihin niyo, ke may bashers or what, ke may pabor sa iyo o hindi, kung akin yan, akin yan.

"Ngayon, kahit anong gawin niyo, kung hindi akin yan, hindi akin yan. Sabi nga kung di ukol, di bubukol."

Noong May 2021, si Vilma ang tinanghal na No.1 Greatest Movie Actress in Leading Roles (2000-2020), base sa masusing The PEP List ng PEP.ph editors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Watch: Vilma Santos ikinagagalak ang bagong karangalan

VILMA SANTOS ON HER ACCLAIMED FILM ANAK

Isa sa mga magandang pelikula ni Vilma ang Anak, na iprinodyus ng Star Cinema, ang film company arm ng ABS-CBN, noong 2000.

Kasama ni Vilma na nagbida sa pelikula si Claudine Barretto. Hinulma ito ng direktor na si Rory Quintos sa panulat ni National Artist Ricky Lee.

Muling ipinalabas ang Anak sa senior high school students ng UST, bilang bahagi ng collab ng CCP Cine Icons at ng UST-SHS Student Council.

Ang CCP Cine Icons ay film screening program ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Read: National Artist Ricky Lee reveals getting "bonus" from Vilma Santos after box-office success of Anak

Saad ni Vilma, "Heto nga yung sinasabi kong adbokasiya ko ngayon, I feel heaven. Natutuwa ako na nakukuha ko ang Gen Z crowd, yung mga millennials.

"And kung nakita niyo, nakikita niyo ang enthusiasm nila, how excited they are to learn kung ano ba ang mga ginawa noon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I mean, gusto nilang marinig yung mga experiences, and palagay ko, this is one, yung komunikasyon ng mga senior [citizens] sa mga new blood in between.

"Tayong mga senior, mag-a-adjust sa kanila. Pero sila, kailangan din nilang mag-adjust sa atin. Hindi puro technology.

"Ano ba ang mga nangyari sa inyo noon? Manual tayo lahat noon, di ba? Nung panahon natin."

Kapareho ng adbokasiya ng CCP Cine Icons, balitang iikot sa mga unibersidad ang ilan sa mga mga pelikulang na-restore sa ngayon.

Pagkukuwento ni Vilma, ngayon niya mas na-appreciate ang mga pelikula nang napanood niya ito muli.

"Kasi parang yan din yata ang adbokasiya ng CCP at ng [Cine] Icons, parang ire-restore nila ang mga movies na gusto nilang ipagmalaki at ipapanood sa mga GenZ, sa mga kabataan, for them to know and to learn and to be inspired kung ano ang mayroon nung '70s, '80s, and '90s.

"Ngayon nga, ang isa sa adbokasiya ko pa, wala nga lang tayong funds for restoration. Ang dami pang pelikula na puwedeng i-restore, kaya lang yung iba wala nang kopya, brittle na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kamukha nung Tagos Ng Dugo, in-enhance lang nila, pero sa isip-isip ko, 'Kaya pa ito, e, kaya pang i-restore kasi sayang yung movie.'"

Read: Who are the Viva stars primed for stardom?

VILMA SANTOS ON WATCHING HER FILMS AGAIN

Proud si Vilma na kahit ilang dekada na ang lumipas ay relevant pa rin ang mga nagawa niyang mga dekalidad na pelikula, sa tulong ng mga magagaling na direktor at iba pang bumubuo ng pelikula.

Nabanggit ni Vilma ang Anak na idinirek ni Rory Quintos, Tagos ng Dugo ni Maryo J. de los Reyes, at Pinay American Style ni Elwood Perez.

Lahad ni Vilma: "In fact, kakapanood ko ngayon ng mga movies ko dito sa ginagawa natin, parang ngayon ko na-appreciate ang mga ginawa ko. Di ako nagbibiro, 'Nagawa ko yun?'

"Ibig ko sabihin shinooting ko lang yun, ako ang bida, pero ngayon ilang beses ko nang napanood, Anak, Tagos Ng Dugo, Pinay American Style, parang nagawa ko yun? Parang nahihimay ko siya ngayon even the message of the movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kanina napansin niyo, pati manners ng mga kamay, ng mukha. Sinasabi ni Ricky Lee, ngayon niya napansin yung pagod na yung mukha sa dulo. Ganun pag paulit-ulit, e.

"And then, tatanungin ko ang sarili as an actor, 'Nagawa ko ba yun? Ang galing ko pala!' Hahaha! Nagawa ko pala. Pati ako naa-appreciate ko."

Read: Vilma Santos careful about choosing next acting role

VILMA SANTOS ON FILM RESTORATIONS

Hiling ni Vilma na mas marami pang classic Pinoy films ang sumailalim sa restoration project para muling maipalabas at ma-appreciate ng bagong henerasyon.

"Ngayon naghahanap ako, kasama ko si Leo Katigbak, sana makahingi ng pondo, possible with the government for the restoration.

"Kasi wala na yung ABS-CBN, kaya natigil sila Leo Katigbak [sa ABS-CBN Film Restoration Project].

"Actually, yung isa namang organization na nagre-restore din, limited na limited yung funds, mahal!

"Not necesarilly ako ang artista, ha? Because there are lot of movies na hindi ako ang artista, pero something we can be proud of kahit maraming taon na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung mayroon akong magagawa na pipilitin ko na magawa, kung makakahingi ng tulong sana yung pondo ng restoration.

"Gusto kong itabi yung magagaling na pelikula ng Pinoy, something we can really be proud of.

"Nakikita mo yung epekto, di ba? Nakikita mo sa mga bata na nae-engross sila, 'Oh my god! Ayan pala. Paano niyo ginawa yan?' This is good sa mga kabataan."

Nanawagan din ang batikang aktres hindi lang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor na interesado sa pagre-restore ng mga lumang pelikula.

"Yes, hindi naman puwede puro gobyerno. Baka mayroon ding private sector na willing na magtaya, part of entertainment, art, and culture.

"Sana kung mayroon akong makikilala, makakausap na, 'Baka you can support naman the restoration yung mga films namin.'

"Hindi naman lahat, yung mga magaganda na kaya naming ipagmalaki kasi mahal. Pero kung mayroon namang gustong tumaya, di ba?

"Kasi ngayon, nakikita ko ang intent sa mga kabataan, sayang, we can offer them something. Kita mo ang mga bata kanina, nakakatuwa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Oliver Moeller on what it's like up close with Vice Ganda, Kim Chiu

POSSIBLE MOVIE WITH ALDEN RICHARDS

Nabalita noon na isang TV sitcom ang niluluto na pagbibidahan ni Vilma. Nang kumustahin ito ay sinabi ng aktres na hindi nag-push through ang nasabing proyekto.

"Hindi namin nagustuhan, kasi uulitin ko, if it's gonna be one of those, huwag na lang.

"Kasi kung gagawa kami, we should offer something different, lalo na ngayon ang daming kalaban, ang daming platforms.

"Kung gagawa ka, something different na puwedeng makuha ang interest ng tao. Kung one of those, huwag na lang," paliwanag ni Vilma.

May mga humiling din kay Vilma na sana ay magkaroon sila ng proyekto ng Kapuso star na si Alden Richards. Ito ay matapos nagkasama ang dalawa sa 50th anniversary celebration ng MOWELFUND kamakailan.

Read: Alden Richards-Vilma Santos movie project, ikakasa na?

Reaksiyon ni Vilma: "Oo nga, nagkita lang kami dun sa MOWELFUND. Nung nagkita kami dun, 'hi, hello,' pero parang we're so close already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, 'Ate Vi, gawa na tayo ng movie.' Sabi ko kay Alden, 'Alden, give me good script.'

"Tapos sabi ni Alden, 'I can produce it,' kasi nagpo-produce siya. Siya pala nag-produce kay Julia [Montes].

"Sabi ko lang, 'Bigyan mo lang ako ng magandang script. Pag maganda ang script, let's do a movie."

Ang tinutukoy ni Vilma na pelikula ni Alden na iprinodyus nito ay ang Five Breakups and A Romance.

VILMASANTOS-NORA AUNOR MOVIE

Matagal na ring marami ang humihiling na magsama muli sa isang pelikula sila Vilma at Nora Aunor.

Ayon kay Vilma, "May nagbigay din sa akin ng script. May script din ako para sa amin ni Kumare. Kailangang pag-isipan yun kasi mahirap sugod nang sugod, e.

"Masabi lang na may ginawa kayo lalo na kaming dalawa. Kung kaming dalawa, something na boom yan.

"Pero kung magiging one of those lang dahil magkasama kami sa pelikula...

"Dapat yan, pag pinalabas yan, 'Wow!' Parang T-Bird at Ako [1982]. Hindi lang dahil nanay kayo, may mga anak kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I want something different naman para ma-challenge kami. Basta mabigyan lang kami ng tamang script, something that we can be proud of."

VILMA santos IN AN ACTION FILM?

Nabalita rin noon na isang action film ang pinaplantsa na pagbibidahan ni Vilma sa ilalim ng direksiyon ni Erik Matti.

Kinumpirma naman ito ni Vilma, pero klinaro niyang hindi pa ito magagawa sa ngayon.

Read: Vilma Santos gears up for comeback film with director Erik Matti

"Yung kay Erik Matti, hindi na kami nag-contact since then. Pero the last thing that I have heard, ang dami pa yata niyang hindi natatapos. Pati yung kay Anne Curtis, two years na yatang nag-eensayo.

"But I think it will come. Interesting din.

"Pero ano ba talaga ang pulso ng tao? Hindi ko maintindihan, e.

"Yung movie namin, zombie yun, e. Ano ba talaga ang pulso ng tao ngayon? Hindi na lang kasi yung gusto mong gumawa, hindi na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung hindi lang din challenging, huwag na lang, huwag na lang muna," saad ni Vilma.

WILL VILMA SANTOS JOIN MMFF 2024?

Huling napanood si Vilma sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na When I Met You In Tokyo kasama si Christopher de Leon.

Marami rin ang nag-aabang kung sasali uli sa MMMF ngayong taon ang Star For All Seasons.

"Basta maganda yung project. When we did When I Met You In Tokyo, that wasn't intended for MMFF.

"Supposedly September yun [ipapalabas], pero wala nang choice kasi rainy season ang September. Nag-try sila na isali sa Metro Manila Film Fest, e, nakuha naman.

"Sabi nila, dapat kasi pambata. Pero okay lang, I'm proud of the movie.

"It's something different, tapos with the help of my directors, tapos si Yetbo [Christopher] pa. I won an award twice. Ipinagmamalaki ko ang When I Met You In Tokyo.

"Ngayon, just in case I'll do a movie, I want something that will challenge me. Naghahanap ako ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa?. Simple pero may impact.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Simple plot although award-winning novel. Isang babae na dalawa pero parte ng lipunan, mga ganung klase."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on clamor for her to be a National Artist awardee: "Kahit naman sinabi noon na natalo ako, it's not meant, di akin di ba? Kasi kung sa iyo yan, kahit anong gawin mo, sa iyo yan." Seen with Vilma is National Artist Ricky Lee at the film showing of Anak for CCP Cine Icons.
PHOTO/S: Maurice John Ramos / UST-SHS-MMC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results