PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vloggers Rosmar and Rendon face potential ban in Coron

Declaring someone "persona non grata" means they're unwelcome in that area.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 17, 2024
Vloggers Rosmar Tan, Rendon Labador face potential ban in Coron, Palawan
Social media personalities Rendon Labador (left) and Rosmar Tan (right) might be declared persona non grata in Coron, Palawan, following their contentious visit to the city mayor's office on June 14, 2024.
PHOTO/S: Rosmar Tan/Rendon Labador Instagram

Posibleng madeklarang persona non grata sa Coron, Palawan, ang social media personalities na sina Rosmar Tan at Rendon Labador.

Ito’y matapos nilang sugurin, duruin, at pagsisigawan ang isang tauhan ng munisipyo ng nasabing probinsya dahil sa pagpu-post nito sa Facebook.

Sa viral na video ngayon sa social media, makikita ang pagsugod ng grupo nina Rosmar at Rendon sa mismong opisina ng mayor ng Coron, Palawan, para kumprontahin ang isang staff ng munisipyo na anila’y nanira sa kanila online.

Nag-ugat ito nang magtungo sina Rosmar at Rendon, kasama ang ilan pa nilang kapwa vloggers sa Coron, Palawan, para umano sa isang charity event noong Biyernes, June 14, 2024.

Dinaluhan ito ng daan-daang residenteng umaasang makakakuha ng grocery pack at cash na noo’y ibinibigay ng grupo.

Ngunit sa dami ng tao, may ilan sa mga dumalo ang hindi nabigyan.

Read: Rosmar Tan gifts Diwata PHP5M-worth of cash, house and lot

Dahil dito, isang staff ng munisipyo na nagngangalang Jho Cayabyab Trinidad ang nag-post sa Facebook upang ibahagi ang kanyang pagkadismaya sa dami ng kababayan niyang hindi raw naabutan ng tulong nina Rosmar at Rendon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa post ni Trinidad, animo’y ginamit lang nina Rosmar at Rendon ang mga residente ng Coron para sa kani-kanilang social media content.

Buong post niya, published as is: “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed......dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom...at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling!

“Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan? Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo?

“Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo......

“Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga.... Ekis kayo.”

ROSMAR, RENDON CONFRONT TRINIDAD

Dahil sa nasabing Facebook post, dali-daling sumugod ang grupo nina Rosmar at Rendon sa munisipyo para kumprontahin ang anila’y ginawang paninira sa kanila ni Trinidad sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa viral na video, kitang-kita ang nanggagalaiting vloggers nang makaharap si Trinidad.

Si Rosmar, napaiyak pa habang binabasa ang post, habang si Rendon naman ay makailang beses dinuro si Trinidad sa inis at galit.

Paulit-ulit din nilang idiin na nagpunta umano sila sa Coron para tumulong, ngunit sa ginawa ni Trinidad ay napasama pa sila.

Makikita rin sa video na may ilang tauhan na ng munisipyo ang pumagitna sa nangyayaring tensiyon at pilit na pinapakalma ang napapasigaw na noong sina Rosmar at Rendon.

Noong mga oras na iyon ay wala sa munisipyo ang alkade ng Coron, Palawan, na si Mario Reyes Jr.

Vloggers Rosmar Tan, Rendon Labador face potential ban in Coron, Palawan
Social media personalities Rendon Labador (left) and Rosmar (right) confronting a staff of the Mayor in Coron, Palawan.
Photo/s: Screengrab @Rendon Labador Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng pahayag ni Rendon kay Trinidad: “Ano bang pinagmamalaki mo, sino ka ba dito? Porket hindi ka nabigyan [ng pera].

“Pumunta kami dito para tumulong at i-promote ang Coron.

“Ang kapal ng mukha mo, sino bang pinagmamalaki nito dito?

“Bakit niyo pinapayagan yung mga ganitong klase ng staff ng munisipyo?”

TRINIDAD APOLOGIZES

Hindi nagtagal, agad na humingi ng paumanhin si Trinidad kina Rosmar at Rendon.

Sa isang video na ipinost ni Trinidad sa kanyang Facebook account, humingi siya ng paumanhin sa post niya na nagdulot ng tensiyon sa pagitan nila nina Rosmar at Rendon.

Kita pa sa video na mismong si Rendon ang kumukuha ng video kay Trinidad habang binabasa ang apology letter na isinulat niya.

Rosmar, Rendon Labador face potential ban in Coron, Palawan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ni Trinidad: “Magandang hapon po… Humihingi po ako ng tawad sa Team Malakas [tawag sa samahan ng mga vlogger nina Rosmar at Rendon] dahil sa ginawa kong masamang pagpu-post sa social media para po sila ay siraan, dahil sa hindi po ako nakatanggap ng tulong galing kay Miss Rosmar at Team Malakas.

“Humihingi rin po ako ng tawad sa paghamon ng suntukan kay Mr. Rendon.

“Ako po ay nakikiusap po sa inyong lahat, na sila po ay patuloy niyong suportahan sa kanilang pagtulong sa tao.

“Humihingi rin po ako ng tawad sa mga taong nasagasaan ng aking maling pagpu-post.

"Sa aking Mayor, at sa lahat ng opisyales, humihingi po ako ng tawad sa aking nagawa.”

PERSONA NON GRATA RESOLUTION PROPOSED

Mabilis na nakarating sa Coron Municipal Council ang nasabing insidente na nangyari mismo sa loob ng kanilang munisipyo, dahilan para hindi palampasin ni City Councilor John Patrick Mata, na may pangalang Juan Patricio Eyes sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Facebook post ni Mata nitong Linggo, June 15, sinabi nitong nakahanda na ang ihahain niyang resolusyon na magtatakda kina Rosmar at Rendon na persona non grata sa kanilang lugar.

Read: Rosmar Tan reveals earning PHP5M-PHP13M per day from her skin-care brand

Hindi raw niya ito mapalalampas lalo na’t ang ginawa ng dalawang vloggers ay nagdulot ng kahihiyan sa kanilang tauhan maging sa kanilang bayan.

Hinikayat din niya si Trinidad na sampahan ng reklamo sina Rosmar at Rendon sa ginawa ng mga itong pamamahiya sa kanya.

Kalakip nito ang resolusyong inihanda niya para ideklarang persona non grata sina Rosmar at Rendon.

Mababasa sa post ni Mata: “Coronians, eto na po ang resolution na ihahain sa next regular session declaring “Rosmar” and Rendon Labador persona non-grata in the municipality of Coron.

“Jho Cayabyab Trinidad I suggest mag reklamo ka sa appropriate venues/agencies against these people.

“I would like to strongly recommend to my fellow legislators, VM Ashian and Mayor Marjo; that we provide Ms. Jho Cayabyab Trinidad with whatever assistance she needs should she decide to file appropriate charges against Labador and “Rosmar”.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CORON, PALAWAN MAYOR STATEMENT

Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang pamunuan ng alkalde ng Coron, Palawan, na si Mario Reyes Jr.

Kasalukuyan na raw silang gumagawa ng aksyon para imbestigahan ang nangyari at mapanagot ang tunay na may kasalanan.

Read: Netizens call out content creator Rendon Labador for calling comedian Michael V "laos"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Opisyal na pahayag ni Mayor Reyes: “Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Coron ay magsasagawa ng isang masusing imbestigasyon upang alamin ang buong detalye ng insidente.

“Tinitiyak po namin na ang bawat hakbang na aming gagawin ay alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon. Ang mga taong sangkot sa insidente ay haharap sa nararapat na legal na proseso.

“Ako po ay nananawagan ng inyong pang-unawa at kooperasyon habang isinasagawa namin ang aming mga kinakailangang hakbangin.

“Maging responsable po tayong lahat sa paggamit ng social media. Ang ating mga salita at kilos online ay may malaking epekto sa damdamin at reputasyon ng ibang tao.

“Huwag po nating gamitin ang social media upang manakit o magpakalat ng mali/negatibong impormasyon.

“Kami po ay humihiling ng inyong pang-unawa at kooperasyon habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang. Maraming salamat po!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media personalities Rendon Labador (left) and Rosmar Tan (right) might be declared persona non grata in Coron, Palawan, following their contentious visit to the city mayor's office on June 14, 2024.
PHOTO/S: Rosmar Tan/Rendon Labador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results