Nitong mga nakaraang araw, labis ang kasiyahang nararamdaman ng dating Eat Bulaga! host na si Ruby Rodriguez dahil sa bagong achievement ng anak na si AJ Rodriguez Aquino.
Nakatanggap kasi ito ng dalawang certificates.
Pagbabahagi ni Ruby sa kanyang Instagram post (published as is), "So my son Aj got 2 cerificates today 1 for College and Career signing day and is a certificate of Participation for gear up LA Yup he is moving up.... so proud"
View this post on Instagram
Si AJ ay diagnosed with learning disabilities.
Read: Ruby Rodriguez, proud of SPED son's academic award
RUBY RODRIGUEZ REUNITES WITH TITO SEN
Dahil nga summer vacation doon, saglit na mahihiwalay si Ruby sa anak dahil magbabakasyon ito.
Kaya naman nakaramdam siya ng labis na kalungkutan.
Ngunit, bigla naman daw itong napalitan ng labis na kasiyahan sa pagbisita sa kanya ng dating kasamahan sa Eat Bulaga! na si Tito Sotto at asawa nitong si Helen Gamboa-Sotto.

Post ni Ruby sa Instagram nitong nakaraang June 18, 2024, "I was feeling down coz Aj left for summer vacation #sepanxisreal BUT a sudden burst of Joy and happiness coz I met up with my dabarkads whom I miss so much @helenstito @helengamboasotto and the whole Fam [heart emoji"
Napaisip din daw kaagad si Ruby kung kailan naman sila magkikita ng kanyang BFF na si Pauleen Luna, gayundin si Joey de Leon.
Aniya, "then it hit me me @pauleenlunasotto where are you where is my bff soon, very soon. @angpoetnyo Mayor kelan tayo hehehehe"
View this post on Instagram
RUBY RODRIGUEZ's EXIT FROM EAT BULAGA!
Naging kontrobersiyal ang pagkawala ni Ruby sa Eat Bulaga! matapos ang mahigit tatlong dekadang pagiging bahagi ng longest-running noontime show.
Read: Ruby Rodriguez opens up about her Eat Bulaga exit
Hindi na nakitang muli si Ruby sa show nang magsimula itong mag-live noong June 2020 matapos ang pagpapalabas ng mga replay dahil sa pandemya.
Nang tanungin kung bakit siya umalis sa Eat Bulaga!, ang standard na sagot ni Ruby, "Pakiusap, tanungin ninyo sila."
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruby noong May 2021, sinabi niyang may balak na talaga siyang mag-file ng leave of absence sa Eat Bulaga! bago pa magpandemya.
Ito ay upang samahan ang anak niyang si AJ na magpapagamot sa U.S.
Ayon kay Ruby, ang kanyang anak ay may "very rare autoimmune disease."
Nagpaalam si Ruby sa dating president at CEO ng TAPE Inc. na si Tony Tuviera, na mas kilala bilang Mr. T, para sa kanyang naging desisyon.
Sabi pa raw nito sa kanya, "You will always have a home here in Eat Bulaga!"
Read: Ruby Rodriguez reveals son's rare condition made her decide to live in the U.S.
Ayon kay Ruby, hindi niya pormal na-file ang kanyang leave of absence dahil sa pandemya.
Kaya raw ikinagulat niyang hindi siya kasama sa cast members na pinabalik nang muling mag-live ang Eat Bulaga! sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.
Ang huling proyektong ginawa ni Ruby sa bansa ay ang GMA-7 series na Owe My Love na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
At noong May 2021, ibinahagi ni Ruby sa Instagram na nagtatrabaho na siya bilang office staff sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.
Read: Former Eat Bulaga! co-host Ruby Rodriguez lands an office job in Los Angeles
REUNITED WITH FRIENDS, COLLEAGUES
Mula noon, ilang dating kasamahan na rin sa Eat Bulaga! at mga kaibigan ang dumalaw sa kanya sa California.
May 2023, ipinost ni Ruby ang pagkikita nila ni MTRCB Chair Lala Sotto, anak nina Tito at Helen, sa Philippine Consulate doon.
Read: Ruby Rodriguez so happy and thrilled to see “baby oh no more” MTRCB chair Lala Sotto again
July 2023, si Jose Manalo naman ang nakasalamuha niya sa Philippine Consulate.
Read: Ruby Rodriguez reunites with Jose Manalo in the U.S.
Samantala, noong August 2023, bumiyahe si Alden Richards kasama si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee patungong California para sa isang event ng GMA Pinoy TV, ang Miss Filipina International.
Bago ang kanilang importanteng event, dumaan muna ang dalawa at nag-courtesy call sa Philippine Consulate General Office sa Los Angeles, California.
At doon ay nakita ni Ruby ang kanyang "anak" na si Alden.
Read: Ruby Rodriguez reunites with "anak" Alden Richards in California
Noong October 2023, hindi naitago ng dating TV host-actress ang kanyang saya nang muling makita ang dating kasamahang si Maine Mendoza.
Nagpadagdag pa sa excitement ni Ruby dahil kasama ni Maine ang asawa nitong si Arjo Atayde nang bumisita ang dalawa sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California, kung saan nagtatrabaho si Ruby.
Read: Ruby Rodriguez thrilled to see Maine Mendoza with husband Arjo Atayde in L.A.
