Walang katotohanan ang kumakalat na balitang patay na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, 79.
Noong June 19, 2024, nagsimulang mag-trending sa TikTok ang diumano'y pagpanaw ni Duterte, nang may netizen na nag-edit ng video ng 24 Oras kunsaan inire-report nito ang pagkamatay umano ng dating Presidente.
@sboy2.0balatero #duterte ? original sound - SBOY2.0
Ngunit kung susuriin ang video, halatang inedit ito dahil ang footage ng report ng 24 Oras ay kuha noong ibinalita nila ang pagpanaw ni former President Fidel V. Ramos noong July 31, 2022.
Read: Former President Fidel V. Ramos dead at 94
BONG GO SAYS DUTERTE IS "ALIVE AND KICKING"
Ang nasabing balita ay mabilis na nakarating kay Senator Bong Go, ang tumatayong kanang kamay ni Duterte.
Read: Senador Bong Go, tatakbong bise-presidente; Pangulong Rodrigo Duterte, inanunsyo ang pagreretiro
Sa pamamagitan ng pag-live sa Facebook noong June 20, mariing pinabulaanan ni Go ang tungkol sa pagkamatay ni Duterte.
Bilang pruweba, personal pang nagtungo ang senador sa bahay ni Duterte sa Davao City para ipakita sa kanyang live na ito ay buhay pa.
Ani Go sa kanyang Facebook live, "Magandang araw po sa inyong lahat. Sa mga nagpapakalat sa TikTok na mayroong masamang balita kay former President Duterte, hindi po yon totoo.
"He's alive and kicking at binabati kayo."

Duterte quashes rumors saying that he is dead or dying
Nang maharap sa kamera ay ipinakita ni Duterte na siya ay malakas pa at buhay na buhay.
Ayon sa dating Pangulo, naiintindihan niya ang nagpakalat ng maling balita tungkol sa kanya.
Read: President Rodrigo Duterte admits using "presidential powers" against ABS-CBN
Hindi raw kasi maiaalis sa iba na dahil sa kanyang katandaan ay pag-isipang siya ay may sakit na.
Saad ni Duterte sa video: "Mga kababayan ko, kamusta kayong lahat?
"Ako'y matanda na at hindi natin maiwasan yung balita na, yung nagkasakit. Wala naman akong sakit at feeling ko hindi naman ako mamatay ngayon kaagad.
"Nandito ako sa bahay, nandito si Bong. Ako'y retired na, nandito lang ako nagre-relax."
Hindi naman daw takot si Duterte na pumanaw. Alam daw nitong nagawa na niya ang kanyang responsibilidad sa bayan at taong-bayan nang maging alkalde siya ng Davao, hanggang sa maging Presidente ng bansang Pilipinas.
Si Duterte ay naging mayor ng Davao City ng mahigit dalawampung taon, sa magkakaibang termino: 1988-1998, 2001-2010, 2013-2016.
Nahalal naman siyang Pangulo ng Pilipinas noong 2016, at nagtapos ang kanyang termino noong 2022.
Read: Ex-president Rodrigo Duterte, may subpoena dahil sa diumano'y "death threat" niya sa kongresista
Aniya: "Matanda na ako. Nagsilbi na ako sa inyo, pinakamatagal, mayor ilang taon, tapos presidente. Wag kayong magtaka kung mamamatay ako.
"Mas mabuti pang magtanong, 'Bakit buhay pa yan, bakit ayaw na magpahinga, e, matanda na?'
"Pero kung sabihin mo, nabalitaan ninyo, may tsismis na mamatay ako, lahat tayo, ikaw, ako, lahat ng kaharap ko sa mundong ito, mamamatay tayo.
"Hindi ako exception. May katandaan na ako, tapos na akong magsilbi sa bayan, o taong-bayan.
"Nilabanan ko lahat lalo na yung krimen. Tapos na ako, retired na ako."
BONG GO DECLARES LOVE AND COMMITMENT FOR DUTERTE
Kaugnay nito, pakiusap ni Go sa publiko na ipagdasal ang kalusugan at mahaba pang buhay ni Duterte imbes na magpakalat ng fake news.
Nangako rin siya sa mga tagasuporta ni Duterte na gagawin ang lahat para sa dating Pangulo hanggang sa huling hininga nito.
Pahayag ni Go, "Huwag po kayong magpapakalat ng mga masamang balita.
"Siyempre may edad na po si dating Pangulong Duterte, kahit papaano may kaunting sakit pero at he's age he is very healthy.
"Ang commitment ko sa kanya, lalo na sa kanyang medical, hinding-hindi ko po pababayaan ang ating dating pangulong Duterte.
"Hanggang kamatayan po ang aking commitment sa kanya. Mahal na mahal ko po siya."
