PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina breaks silence on viral post about PETA show

Ara Mina excited about her upcoming All of Me concert.
by Arniel C. Serato
Published Jun 27, 2024
Ara Mina clarifies viral issue during PETA show
Actress-entrepreneur Ara Mina on being dragged into viral post about One More Chance, The Musical: "I respect their opinion. Pero, hindi, I don't think kailangan palakihin siya."
PHOTO/S: Arniel Serato / Lito Manago

Nagsalita na ang actress-entrepreneur na si Ara Mina sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa viral post tungkol sa paggamit ng gadgets sa teatro habang ongoing ang One More Chance, The Musical.

Isang netizen ang nag-post ng rant sa Facebook noong June 19, 2024, dahil hindi raw niya na-enjoy ang panonood ng musical adaptation ng pelikulang One More Chance, ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2007 na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz (Popoy) at Bea Alonzo (Basha).

Na-distract daw kasi siya ng mga nasa harapan niyang gumagamit ng cellphone at laptop habang ongoing ang play.

Base sa mga larawang ibinahagi ng netizen, marami sa mga nagkomento ang nagsabing si Ara at ang mga kasama nito ang tinutukoy sa post.

Read: Details you need to know about One More Chance: The Musical

ARA MINA SPEAKS UP ABOUT THE ISSUE

Sa presscon ni Ara para sa kanyang All of Me concert sa Feta Mediterranean restaurant sa Rockwell, Makati, nitong Huwebes ng tanghali, June 27, 2024, nausisa siya ukol sa viral post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press: "The viral thing, all I can say is, I kept quiet.

"Kasi, you know me naman, sa thirty years na ako sa industry, never naman kayong nakarinig na I don't have manners pagdating sa work.

"And, or meron akong hindi narespeto na co-workers, di ba?

"It's just, parang for me, hindi na kailangang palakihin.

"Kasi it's a... as far as I remember, two parts yun [play], e, may ten-minute break. It's a two-hour-and-a-half play.

"So, after the ten-minute break, so, normal, lumabas kami, balik.

"Tapos, bago mag-ano, nag-start na. And then, sumilip lang ako ng phone and yung kasama ko.

"It's normal na sumisilip ka ng phone, but not the entire show."

Tila hindi aware si Ara sa gravity ng ganoong aksyon sa isang teatro. Na mako-call out talaga siya sa paggamit ng cellphone kahit sabihin pang hindi niya ito ginamit sa kabuuan ng palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ara Mina clarifies viral issue during PETA show
Photo/s: Arniel Serato. ARA MINA

THE CONTROVERSIAL LAPTOP

Nilinaw rin ni Ara na hindi sa kanya o sa kasamahan niya ang laptop na nakita sa viral post.

Aniya, "I also saw the laptop. It's the girl in front of me, yung may-ari ng laptop.

"Alam mo, may laptop ako, pero nasa bahay. Andun lang sa cabinet. Hindi ko talaga siya ginagamit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin daw sa staff niya yung laptop.

Paliwanag ni Ara, "Wala din siyang dalang laptop. It's not, hindi namin... hindi related sa amin yung girl sa harap na may laptop.

"Kasi parang lumabas na sa amin yung laptop. So, it's not ours.

"Kaya parang, di ba, alam nung mga nandun, yung mga nanood dun, kung kanino yung laptop."

Kuwento pa ng ng aktres, "In fact, hindi ko na ginawang big deal yun. Kasi hindi talaga dun ang upuan namin.

"We're supposed to sit in front, dun sa orchestra. But sad to say, nawala yung seats namin. May umupo.

"Hindi ko alam what happened to our tickets, binayaran namin yun. But, siyempre, I'm also in production.

"Nagpo-produce din ako. Artista din ako. Alam mo yun, hindi na ako nagreklamo or something. I just let it go.

"And then, pagdating namin, nakatayo kami. So, nataranta rin yung ushers kasi wala kami maupuan, wala yung seats namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natanong din si Ara kung bakit hindi pinaalis ng ushers yung mga taong nakaupo sa upuan nila dapat.

Paliwanag niya, "Kasi yung tickets namin, supposed to be iniwan sa front desk. Sabi iiwan doon sa front desk. Pero yung tickets namin, wala.

"So, ipinakita ko yung payment. So, doon kami pinaupo doon sa... nakita ko naman, house seats. So, kaya doon kami pinaupo."

Payuko raw na tinatakpan ni Ara ang kanyang cellphone kapag sinisilip niya ito.

Dapat daw ay susunod pa ang asawa niyang si Dave Almarinez at hinihintay niya ang text nito, kaya pasilip-silip siya sa cellphone. Pero hindi na rin daw ito nakasunod.

"Dapat susunod si Dave. E, hindi na siya nakasunod kasi nasa meeting siya.

"So, we enjoy the play. The entire show, we're not doing cellphone.

"So, parang I respect their opinion. Pero, hindi, I don't think kailangan palakihin siya."

Read: Netizen calls out PETA for allowing celeb, friends use gadgets

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi naman na base sa anggulo ng larawan ay parang sa kanila yung laptop.

Sabi ni Ara, "Hindi ko nga kilala yung nagla-laptop. Pero parang sa picture, parang sa amin yung laptop.

"Grabe ano, kaya dapat huwag basta-basta magdya-judge.

"Ako, hindi na ako sumagot, kasi I'm kinda busy. I just came from Zamboanga, Leyte, recently, para magpa-interview pa ako.

"Sabi ko, darating din naman yung time na ma-interview niyo ako. E, di sasagutin ko. Di ba?

"So, yung kasama ko, mas ano yung phone niya, kasi malabo mata nun, e.

"So, noong inano siya na, 'Can you lower the brightness?' Nag-stop naman siya. And that's it.

"There's no big deal, di ba, parang, 'Ha, ba't lumaki nang ganun?' Ang weird lang.

"Yun lang. So, I don't think na kailangan palakihin."

Sa tingin ba ni Ara ay unfair na na-judge agad na kasama niya yung nag-laptop?

Tugon nito, "Always naman ako ganun, e. I don't speak kasi naniniwala ako, lalabas din naman yung totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na-reveal naman na ano, e, na hindi sa amin yung laptop. Someone cleared it.

"Parang may nag-comment daw na friend of an influencer or something, di ba?"

Ganunpaman, hindi maaaring ilihis ang kuwento sa laptop lamang. Ang cellphone na bukas at may brightness ay isyu mismo.

Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking

ARA'S UPCOMING CONCERT

Samantala, excited na si Ara sa pagdating ng July 11, 2024, dahil mababalikan na niya ang isa sa mga unang minahal niya sa showbiz—ang pagkanta.

Nakapag-band rehearsal na raw siya at ayos na ang repertoire ng buong concert.

Ilan sa special guests niya ay ang kapatid na si Cristine Reyes, komedyanteng si Brod Pete, at ang singers na sina Martin Nievera at Ogie Alcasid.

Meron din daw iba pang special guests.

Soldout na rin daw ang ilang section kasama na ang Platinum at Bronze.

Sabi ni Ara sa isang panayam, "I want to give the people a good show. Kasi, it's a milestone, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, I'm very thankful that I'm still here, na may trabaho.

"So, thankful ako, kaya gusto ko maganda yung show."

Gaganapin ang All of Me concert sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City.

Read: Ara Mina postpones "almost sold-out" 30th anniversary concert

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-entrepreneur Ara Mina on being dragged into viral post about One More Chance, The Musical: "I respect their opinion. Pero, hindi, I don't think kailangan palakihin siya."
PHOTO/S: Arniel Serato / Lito Manago
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results