Nagbabala ang Kapuso actress na si Max Collins at beauty queen-host na si Roberta Tamondong tungkol sa scammer na nagpapanggap na sila para makahingi ng pera at donasyon sa mga biktima umano ng super typhoon Carina.
Sa Instagram nitong Huwebes, July 25, 2024, halos sabay nag-post sina Max at Roberta para ipaalam na wala silang kinalaman sa isang Viber user na ginagamit ang kanilang pangalan at pagkakakilanlan upang humingi ng pera sa kanilang mga kakilala at kaibigan.
Ang modus ng scammer, ime-message nito ang mga kakilala nina Max at Roberta para humingi ng tulong donasyon para sa mga biktima umano ng bagyo at baha sa Marikina.
Mariing pinabulaanan nina Max at Roberta na sila ang may-ari ng social media account na ginagamit ng scammer.
Giit nila, wala silang hinihinging donasyon at hindi sila konektado dito.
Read: Max Collins reveals what she does before sampalan and sakitan scenes with Marian Rivera
Post ni Max sa Instagram, kalakip ang screenshot ng paghingi ng donasyon ng scammer na nagpakilalang siya: "Nakakahiya ka kung sino ka man. Taking advantage of my friends. This isn’t me guys please block whoever is asking for donations.
Dagdag pa niya, "Please block this person messaging my friends asking for donations. Feeling ko this is someone from work. Please stop scamming people thanks God bless."
Read: Nasaan ang ibang celebrity reservists noong kasagsagan ng bagyo?
ROBERTA WARNS FOLLOWERS
Halos ganito rin ang modus ng scammer na nagpapanggap na si Roberta Tamondong.
Humihingi rin ang scammer ng donasyon para umano sa mga biktima ng bagyo sa Marikina gamit ang pangalan niya.

Dahil dito, agad pinaalalahanan ng Bb. Pilipinas Grand International 2022 ang kanyang followers sa Instagram na huwag agad-agad maniwala sa mga nakikita online.

Ugaliin din daw mag-doule check kung ang mga nakakausap sa social media ay lehitimong account o gawa-gawa lang.
Post ni Roberta sa kanyang Instagram Stories, "Kung sino man po nag papanggap na ako at gusto po hmingo ng pera sa mga kaibigan at kapamilya ko hindi po ako yun.
"Please report nyo po and block para hindi na nya kayo ma-contact!"

Read: Michael de Mesa stranded for more than 22 hours due to flood
