PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karen Davila clarifies statement about BINI

Karen Davila: "SB19 & BINI, you make us all proud!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 26, 2024
Karen Davila addresses her viral BINI remarks vs. SB19
Karen Davila (left) on her viral BINI remark (right) that sparked debates online among SB19 (center) fans: "I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud! And may you both open more doors for aspiring local artists. Both are Proudly Filipino."
PHOTO/S: @Karen Davila/SB19/BINI_ph Instagram

Nagsalita ang TV Patrol anchor na si Karen Davila hinggil sa nag-viral niyang pahayag tungkol sa P-pop girl group na BINI.

Noong July 23, 2024, inulat sa TV Patrol ang tungkol sa international tour ng "Nation’s Girl Group" na BINI.

Matapos ang kanilang regional tour ay nakatakdang magtanghal ang grupo sa pre-show KCON event sa Los Angeles, U.S.A.

Read: Jabbawockeez-inspired outfit draws mixed reactions

Bagay na ikinatuwa at ikina-excite ngTV Patrol anchors, kabilang si Karen.

Komento ni Karen matapos ang ulat bago ang kanyang extro spiels, “Ang galing ng BINI.

"At saka maganda dun, ang K-pop sikat sa buong mundo, maganda yung BINI na silang magbubukas ng pintuan para [sa] P-pop.

"Pag sumikat sila, sisikat din yung iba pang Pilipino."

Ang pahayag niyang ito ay agad nag-trending, kunsaan marami sa netizens, partikular na ang fans ng P-pop boy group na SB19, ang hindi kumbinsido sa sinabi ni Karen na ang BINI ang magbubukas ng pinto ng P-pop sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Karen Davila accused of discrediting SB19 in favor of BINI

Depense ng A'TIN (tawag sa fan base ng SB19), ang SB19 ang tunay na nagbukas ng pintuan para makilala ang P-pop sa international music scene.

May iba ring nabastusan sa naging pahayag ni Karen dahil tila pagsasawalang-bahala raw ito sa mga natamong tagumpay ng SB19, kasama na rito ang mga nauwi nilang parangal para sa bansa.

Read: SB19 wins Favorite Asian Act at Kids' Choice Awards 2024

KAREN EXPLAINS HER VIRAL REMARK

Tila nakarating naman agad kay Karen ang naging diskusyon ng BINI at SB19 fans sa kanyang binitawang pahayag.

Nitong Biyernes, July 26, nag-post si Karen sa X (dating Twitter) para depensahan ang sarili at klaruhing hindi niya isinasantabi ang naiambag ng SB19 sa P-pop.

Read: Bini, SB19 panalo sa concert attendance; milyones na ang TF?

Alam daw ni Karen na ang SB19 ang unang nagbukas ng P-pop sa international scene, bagay na hindi na mabubura sa kasaysayan ng music industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nais daw niyang sabihin sa kanyang naging pahayag sa TV Patrol ay kung nagawa ng SB19 na makilala bilang boy group, maaaring magkaroon din ng P-pop girl group na makikilala sa ibang bansa sa katauhan ng BINI.

Read: SB19 open to collaboration anew with BINI

Hindi rin daw kailangan pagkumparahin ang dalawang grupo dahil parehas silang nagbibigay dangal at karangalan sa bansang Pilipinas.

Mababasa sa kanyang caption, kalakip ang video ng naging pahayag niya sa TV Patrol (published as is): "SB19 first opened the doors for PPOP internationally and made history! BINI is carving their own - being the first all girl group to hit it big.

"I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud!

"And may you both open more doors for aspiring local artists. Both are Proudly Filipino."

Karen Davila addresses her viral BINI remarks vs. SB19
Photo/s: Screengrab @Karen Davila X
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: SB19 set to perform on Japan's The First Take

Ang SB19 ay binubuo nina Stell, Pablo, Justin, Josh, at Ken. Taong 2016 ng mabuo sila at nag-training sa South Korea.

Ngunit 2018 pa noong pormal silang inilunsad bilang grupo.

SB 19 members (L-R, 1st row) Josh, Stell, and Pablo; (2nd row, L-R) Justin and Ken
Photo/s: @officialsb19 on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2021 naman inilunsad ang grupong BINI mula sa pangangalaga ng ABS-CBN.

Kabilang sa miyembro ng BINI sina Jhoanna, Aiah, Maloi, Mikha, Stacey, Gween, Sheena, at Colet.

BINI
Photo/s: BINI (Instagram)

Read: BINI celebrates third anniversary with more than 8,000 fans

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila (left) on her viral BINI remark (right) that sparked debates online among SB19 (center) fans: "I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud! And may you both open more doors for aspiring local artists. Both are Proudly Filipino."
PHOTO/S: @Karen Davila/SB19/BINI_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results