PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jojo Nones, Richard Cruz camp statement on Sandro Muhlach issue

Niño Muhlach to address issue involving son Sandro after filing formal complaint
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 1, 2024
Jojo Nones and Richard Cruz's camp release statement following Sandro Muhlach's complaint
An excerpt from the lawyer of Jojo Nones (guy holding a pair of specs) and Ronald Cruz's (guy standing beside Nones) following allegations in a reported incident involving Kapuso artist Sandro Muhlach (right photo): "...we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial." The photo of Nones and Cruz was taken at GMA Gala on July 20, 2024.
PHOTO/S: @SandroMuhlach Instagram/Pau Guevarra

Wala pa sa kamay nina Jojo Nones at Richard Cruz ang kopya ng formal complaint na inihain laban sa kanila ng Sparkle talent na si Sandro Muhlach.

Base ito sa opisyal na pahayag ng kampo nina Nones at Cruz sa pamamagitan ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Sina Nones at Cruz ang dalawang "independent contractors" ng GMA Network na ngayon ay nahaharap sa kontrobersiya matapos silang ireklamo ni Sandro ng pang-aabuso.

Si Nones ay creative consultant at headwriter ng ilang progama ng GMA-7 gaya ng Mga Lihim ni Urduja, Dear Uge, Agimat ng Agila, at The First Nanny.

Habang si Cruz naman ay headwriter ng Kapuso shows na The Half Sisters, Love & Lies, at The World Between Us. Writer at creator din siya sa The Cure, Because of You, at ilan pang Kapuso series.

Jojo Nones-Richard Cruz's camp STATEMENT

Sa ulat ng 24 Oras, gabi nitong Huwebes, August 1, 2024, sinabi ni Garduque na labis na ikinalungkot ng kanyang mga kliyente ang mga batikos na natatanggap nila sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahusgahan na raw ang mga ito kahit wala pang patunay na sila ay may kasalanan.

Read: Sandro Muhlach, ni-repost ang GMA statement tungkol sa isyu niya

Nais man daw nila itong patulan, naniniwala sina Nones at Cruz na madadaan ang lahat sa tamang proseso, kaya hihintayin muna nila ang kopya ng formal complaint ni Sandro bago tuluyang magsalita.

Mababasa sa ipinadalang pahayag ni Garduque sa GMA Integrated News, "And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint."

Read: Sandro Muhlach on entry to GMA Artist Center: "Hirap na hirap akong makapasok"

Umapela rin ang kampo nina Nones at Cruz sa publiko na respetuhin ang isinasagawang imbestigasyon.

Iwasan daw ang pagkukomento at pagpu-post ng mga impormasyong walang sapat na basehan.

Ani Garduque, "For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, sa parehong ulat ng 24 Oras ay nagbigay rin ng maikling pahayag ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach.

Read: Nino Muhlach, sino ang pinatatamaan sa cryptic post?

Sinabi ni Niño na inaasikasyo niya sa ngayon ang paghain ng pormal na reklamo laban kina Nones at Cruz, at pagkatapos ay saka raw siya magbibigay ng pahayag tungkol sa nangyari sa anak.

Read: Pamilya ni Sandro Muhlach, dumulog na sa ahensiya ng pamahalaan

GMA OFFICIAL STATEMENT

Hapon nitong Huwebes, August 1, naglabas ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa natanggap nilang pormal na reklamo ni Sandro laban kina Nones at Cruz.

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Nakasaad dito na bilang respeto sa hiling ni Sandro na "confidentiality," hindi raw muna maglalabas ang network ng anumang detalye hangga't hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa insidente.

Kalakip nito ang pangako ng GMA Network sa publiko at stakeholders na magiging patas ang gagawin nilang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
GMA-7 statement on Sandro Muhlach
Photo/s: Courtesy: Facebook

THE INCIDENT

Nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa insidenteng kinasasangkutan ni Sandro at ng dalawang "independent contractors" ng GMA-7 sa pamamagitan ng blind items.

July 30 nang maglabas ang PEP Troika ng blind item tungkol sa isang baguhang aktor na muntik nang maging "midnight snack" diumano ng "dalawang powerful accla" ng isang istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naganap diumano ang insidenteng "panghahalay" sa isang newbie actor sa "isang sosyal na hotel kung saan ginanap ang isang engrandeng pagtitipon."

Sabi pa sa blind item, "Ayon sa source ng PEP Troika, kumuha na ng abogado ang ama ng baguhang aktor na 'midnight snack' daw sana ng dalawang powerful accla."

Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs

Mabilis na kumalat ang usap-usapan sa social media kunsaan tinukoy ng netizens ang mga hinihinalang personalidad na sangkot sa isyu.

Gabi ng July 30 nang maglabas ng official statement ang GMA-7 na nagsasabing nakarating dito ang kontrobersiyal na insidenteng sangkot ang isang "artist" at dalawang "independent contractors" ng network.

Siniguro ng network na aaksiyunan nito sa oras na makatanggap ng pormal na reklamo sa insidente.

Kinabukasan, July 31, lalong naging tampok ng espekulasyon ang mga sangkot nang maglabas ng malamang post sa social media si Niño at misis na si Diane Tupaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-all caps ang mga letra ng mensahe ng mga ito sa Facebook, kaya mahihinuhang galit ang mga ito.

Read: Nino Muhlach, sino ang pinatatamaan sa cryptic post?

Pahiwatig ni Diane, ginawan diumano ng "kababuhayan" ang kanyang anak na noo'y di pa niya pinangalanan, at sisiguraduhin daw niya na pagbabayaran ng may gawa nito ang aniya'y nangyari sa anak.

Read: Muhlach family declares war amid controversial issue

Hanggang sa tuluyang natukoy ang mga sangkot ng maglabas ng opisyal na pahayag ang GMA ngayong araw.

Ni-repost ni Sandro ang statement ng GMA sa kanyang Instagram Story.

Read: Sandro Muhlach, ni-repost ang GMA statement tungkol sa isyu niya

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from the lawyer of Jojo Nones (guy holding a pair of specs) and Ronald Cruz's (guy standing beside Nones) following allegations in a reported incident involving Kapuso artist Sandro Muhlach (right photo): "...we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial." The photo of Nones and Cruz was taken at GMA Gala on July 20, 2024.
PHOTO/S: @SandroMuhlach Instagram/Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results