Kabilang ang Pinoy Pop Superstar (2006) Season 2 grand champion na si Gerald Santos sa nagpaabot ng simpatiya sa baguhang Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa kinasasangkutang isyu nito.
Nasa gitna ng kontrobersiya ngayon ang panganay na anak ni Niño Muhlach matapos pumutok ang balitang biktima umano ito ng seksuwal na pang-aabuso.
Read: Who is Sandro Muhlach?
GERALD SANTOS SYMPATHIZES WITH SANDRO MUHLACH
Sa Facebook ngayong Biyernes, Agosto 2, 2024, ni-reshare ni Gerald ang balita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa statement ng GMA Network na nagsasaad na natanggap na nila ang formal complaint ni Sandro laban sa dalawang "independent contractors" ng network.
Pinanangalan na rin ng GMA Network ang dalawang "independent creators" — sina Jojo Nones at Richard Cruz, mga manunulat at creators ng ilang programa ng network.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
Ayon kay Gerald, marami ang nagmi-message at nagta-tag sa kanya tungkol sa isyu.
Muli raw nanumbalik ang sakit at hindi niya naiwasang maluha dahil, kagaya ni Sandro, nalagay rin siya sa kaparehong sitwasyon noon.
Ang kaibahan lamang daw ay wala siyang naging boses at wala pang social media.
Umaasa raw si Gerald na makamit ni Sandro ang hustisyang hindi niya nakamtan noon.
Saad ni Gerald sa caption ng kanyang post (published as is): "Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue.
"Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya.
"My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family..
"I was once in this situation but back then wala kang boses, walang social media.
"Unlike ngayon na nagkaroon na ng #MeToo movement.
"But i will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened.
"I hope he gets the justice i was once denied of [praying hands emoji]"
Read: Jojo Nones, Richard Cruz camp statement on Sandro Muhlach issue
THE GERALD SANTOS SEXUAL HARASSMENT ISSUE
Mahihit isang dekada na ang nakalilipas nang nagsalita si Gerald Santos tungkol sa naranasan niyang sexual harassment sa kanya ng isang musical director na konektado sa sinalihan niyang singing contest sa GMA-7.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald noong October 2012, inusisa siya tungkol sa reklamong sexual harassment na inihain niya noong 2010.

Ayon sa singer, “Wala na po, actually administrative case lang po kasi iyon. So, sa loob lang po inayos, ganun po yung nangyari."
Sapat na ba iyong hindi niya pagtuloy sa pagdemanda?
Sagot ni Gerald, “Hindi na po, siguro... kumbaga, magtatanim lang po kami ng sama ng loob.
“Kumbaga, ang iniisip lang namin nung panahon na yun, kumbaga, move on with my career.
“Talagang tumayo dahil talagang dapa kami noon, e, nung time na yun—yung career ko.”
Napaalis naman daw sa GMA-7 ang inakusahan ni Gerald ng sexual harassment.
Nag-sorry ba sa kanya ang taong may ginawang kakaiba sa kanya?
Sagot niya, “Hindi po.”
Galit ba siya sa taong iyon?
Sagot ni Gerald noon, “Hindi po. Siguro po dati may galit, pero ngayon po wala na po.
“Past na po yun, part na lang ng past, and naka-move on na ako.
“And masayang-masaya ako sa mga blessing and yung mga nakakamit ko ngayon.”
Ano ang maipapayo ni Gerald sa mga baguhan para makaiwas sa sexual harassment?
“Actually, sabi ko nga po noon, kasi po parang nagkaroon ng isyu na parang takot tuloy ako sa mga bading, parang ganun.
“Sabi ko, hindi. Sabi ko, ang naging isyu lang po dun, kumbaga, against my will, e, ang nangyayari po noon.
“Sabi ko, kung gusto, gusto; kung ayaw, ayaw.
“Or kung ayaw, huwag naman sanang gumanti or magkaroon ng personal na paghihiganti.
“Ang magiging advice ko lang sa iba, kung ano yung nasa puso niyo, kung ano yung gusto niyo, kunin niyo.
"Kung ayaw niyo, ayaw niyo. Pangatawanan nila.
“Kung may prinsipyo sila na pinangangatawanan nila, mag-stand sila dun sa prinsipyo nila.
“Iyon lang yung maa-advice ko sa kanila.
“Pero nasa sa kanila yun kung gusto nilang maging ganun.”
