Matapos ang halos dalawang buwan, balik-trabaho na ang beteranong broadcaster na si Arnold Clavio.
Una siyang nagbalik-trabaho sa daily morning program ng GMA-7 na Unang Hirit ngayong Lunes, August 5, 2024.
Pansamantalang lumiban sa trabaho si Arnold matapos itong makaranas ng hemorrhagic stroke noong June 11, 2024.
Read: Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke
HOW IS ARNOLD CLAVIO?
Sa isang segment ng Unang Hirit, kinumusta si Arnold ng kanyang mga kasamahan na sina Lyn Ching, Susan Enriquez, Shaira Diaz, at Ivan Mayrina.

Ayon kay Arnold, may problema pa siya sa kanyang kanang braso.
Aniya, "Ano to, mga nasa 80-90 percent pa lang.
"So, tuluy-tuloy yung ating rehabilitation. Hindi pa. Wala pang balanse.
"May takot pa sa… yung pag nakatayo kang matagal, baka bumagsak."
Nakatungkod si Arnold nang pumasok ito sa studio.
Itinuturing ni Arnold ang kanyang saklay bilang "BFF."
Aniya, "Parang ano yan, nagbibigay sa akin ng lakas ng loob."
Tuloy pa rin daw siyang sumasailalim sa occupational therapy dahil wala pang gaanong pakiramdam ang kanyang kanang kamay at mga daliri.
"Kasi yung ito, wala pang pakiramdam ang ilang daliri," banggit ni Arnold.
Sa ngayon daw ay nabibigyang importansiya na ng broadcaster ang mga maliit na bagay na hindi niya pinapansin noon.
Sabi ni Arnold, "Yes, lalo na, yung pinakaaral diyan, asymptomatic ako. Wala akong naramdaman.
"Hindi ko alam, yung loob ko na pala, kumukulo."
Read: Arnold Clavio begins therapy after hemorrhagic stroke
ARNOLD: "HEALTH IS WEALTH. WEALTH IS HEALTH."
Ano naman ang mga aral na natutunan niya?
Lahad ni Arnold, "E, talagang tama yung life is short.
"Sa buhay natin, isang kisapmata, isang iglap, magbabago lahat.
"Pero dahil sa binigyan ka pa ng panibagong pagkakataon, samantalahin mo na yun.
"Sabi ko nga, gamitin na ako. Bonus na ito, e.
"Siguro naman, sa edad na ito, sobra-sobra pa nga yung dinasal ko na tinupad Niya, e.
"So, ito, e, parang alay ko na sa Kanya itong bonus na ito.
"Tsaka maiba yung pananaw mo tungkol sa pagpapatawad, tsaka sa pagmamahal.
"Maiba talaga yun. Ang lahat, e, makikita mo, puro kabutihan ng kapwa."
Read: Arnold Clavio reveals slight bleeding in brain after stroke
Payo pa niya, "Yung isa sa mission ko talagang ano, kailangan i-check niyo lagi ang BP niyo.
"Huwag pabayaan, iba yun. Health is wealth. Wealth is health.
"Kahit baligtarin mo, tama yun. Kasi kailangan mag-ipon kayo. Ang mahal ho pag na-hospital ka.
"Salamat sa inyong mga dasal."
Dagdag pa niya, "And God is good all the time."
