Bigong makapasok sa Top 3 ng men's pole vault sa Paris Olympics ang pambato ng Pilipinas na si EJ Obiena.
Martes ng madaling araw, August 6, 2024 (Philippine time) nang sumabak si EJ sa finals ng men's pole vault.
Natapos ang kanyang Paris Olympics 2024 journey sa ranking niyang fourth place.
Una niyang na-clear ang 5.50 meters, at nalampasan din niya ang 5.70 meters.
Nagpatuloy siya sa 5.80 meters, pero nabigo siya sa kanyang unang attempt.

Sa puntong ito, nagpasya si EJ na mag-skip na ng 5.80 meters.
Nagpatuloy siya sa 5.90 meters na tagumpay niyang na-clear sa unang attempt.
Pagdating sa 5.95 meters, tatlong beses sumubok si EJ, pero bigo siya na malampasan ang round na ito.

Ito ang hudyat na hindi siya pasok sa Top 3 finalists.
Sa kabila nito, malaking improvement para kay EJ ang nakuhang fourth ranking. Siya ay pang-11 sa nakaraang Tokyo Olympics.
Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Olympics men's vault WINNERS
Labing-isang pole vaulters ang nakalaban ni EJ, kabilang na ang world number one at record holder na si Armand Duplantis mula sa Sweden.
Si Armand din ang nakasungkit ng gold medal nang nakapagtala ito ng bagong Olympics World record at personal record na rin na 6.25 meters.
Habang si Sam Kendricks ng USA (5.95) naman ang nakakuha ng silver medal at bronze medal naman si Emmanouil Karalis ng Greece (5.90).
Read: Carlos Yulo reveals plans for incentives after double gold feat
