PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rash Flores finds peace after closure with estranged mom

Rash recalls how his mom sent him feeler messages on Facebook
by Rommel Gonzales
Published Aug 24, 2024

rash flores
Rash Flores finds peace knowing that he's found closure with his estranged mom, and expresses his gratitude despite the unfortunate turn of events involving his biological parents during his younger years.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Ang aktor na si Rash Flores ay half-Pakistani at half-Filipino.

rash flores
Rash Flores

Pakistani ang ama ni Rash samantalang ang ina niya raw ay half-Filipino, half-American naman.

Hindi na nakilala ni Rash ang kanyang ama at ang ina naman niya ay nahiwalay kay Rash noong bata pa lamang siya.

RASH ON GROWING UP WITHOUT HIS BIOLOGICAL PARENTS

Kuwento ni Rash, “Ipinanganak po kasi ako sa Bicol, then, hindi ko na lang sasabihin kung ano yung naging rason kung bakit ako nahiwalay sa mom ko, private na lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So napunta ako doon sa Pampanga, dahil sa yaya ko. Yaya ko siya nung baby ako.”

Ilang taon siya noong nahiwalay siya sa ina niya?

Estima niya, “Months? I don't know.”

Iniligtas raw siya ng nakagisnang niyang yaya.

“Yes, kasi yung mom ko, parang mayroong problem na malaki,” pag-amin niya.

So iniligtas siya ng yaya niya?

Aniya, “Feeling ko ganun.”

Doon na siya lumaki sa yaya niya.

Yup, siya yung kinalakihan kong mama,” saad ni Rash.

Nasa Bicol raw ang tunay niyang ina pero nakikita naman daw ito ni Rash.

“Oo naman, nag-uusap kami minsan.”

Dinadalaw niya ito.

Pakli ni Rash, “Pag may time, yeah.”

Mula noong nahiwalay si Rash sa tunay niyang ina ay mga apat na beses na raw niya itong nadalaw.

“Minsan po siya pumupunta dito. Halimbawa, may gagawin siya sa Manila. Sasabihin niya, ‘Anak, pupunta ako ng Manila.’ Sabi ko, ‘Sige, okay, daan ka dito sa bahay.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw galit si Rash sa biological mom niya.

“Actually, hindi. Minsan, may galit ako pero, hindi ko na po kailangang isipin yung galit kasi unang-una, kung hindi po dahil sa kanya, wala ako dito,” pagpapasalamat niya.

Nasabi ni Rash sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na unang beses pa lang daw niya ikinuwento ang tungkol sa bahaging ito ng buhay niya.

Read:

Rash ON REUNION WITH ESTRANGED MOM

rash flores palitan
Rash Flores
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang taon na siya noong muli niyang nakita ang ina niya?

Pakli niya, “Nasa high school pa lang ako nun e, siguro nasa 15.”

Paano sila nagkitang muli?

Detalye niyang kuwento, “Hindi pa po masyado ano yung Facebook that time e, pero may Facebook na.

"Then, nakiki-online lang ako nun sa province namin. Tapos, nag-online ako sa laptop.

“Then, nakita ko, may message na tago, yung may message request.

"Tapos tsinek ko, parang aksidente ko lang na-check kasi hindi ako masyado marunong sa laptop.

“Aksidente ko lang siya na-check, tapos binasa ko, pero may idea na ako sa buhay… sa itsura ko.

"Kasi napapaisip na din ako sa ano ko, kasi nga sa aming magkakapatid, ako yung pinaka-iba.

“Pero hindi ko na tinatanong sa mom ko kasi parang may iba.”

Doon sa kinalakihan niyang ina?

Saad niya, “Yes. Hindi ko na tinatanong. Then yun nga, nung nabasa ko yung message, hindi naman ako masyadong nagulat, pero nalungkot ako, siyempre.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakilala ba tunay niyang ina sa message nito?

“Yes.”

Naniwala siya agad?

Paliwanag niya, “Actually hindi po, siyempre, parang na-shock pa ako ng konti, pero pag naiisip mo kasi yung ano, na ikaw lang yung naiiba yung itsura sa mga kapatid mo.

“Then, sinabi ko na sa mom ko.”

Hindi nagkukuwento sa kanya ang kinalakihan niyang ina.

“Hindi.”

Nang sa wakas ay natuklasan ni Rash ang totoo, hindi naman raw siya nagalit sa adoptive mother niya.

“Hindi naman po.”

Tinanong ba niya kung bakit inilihim sa kanya ang totoo?

“Sinabi niya na po sa akin kung bakit.”

Naunawaan naman daw ito ni Rash.

“Actually oo, mas okay po yung ginawa niya. Kasi, baka mapabayaan po ako,” saad pa ng binata.

Kung hindi siya itinakas noong sanggol pa lamang si Rash ay baka napabayaan siya?

Pagsang-ayon niya, “Yes. Baka wala po ako dito.”

RASH RECOUNTS CONVERSATION WITH MOM

Sa muli nilang pagkikita ng real mom niya, pinuntahan niya o pinuntahan siya nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Actually, kami po yung pumunta dito e, yung tatay ko po dun sa Pampanga, sinamahan niya po ako sa Manila nun.”

Pumunta raw ng Maynila ang real mom ni Rash.

Nag-iyakan ba sila ng tunay niyang ina sa muli nilang pagkikita

“Ako hindi, hindi po kasi ako iyakin e.”

Siya umiyak?

“Yeah.”

Anong sinabi sa kanya ng ina niya?

Lahad niya, “Sabi niya matagal niya raw akong hinanap, ganun. So, ako naniwala naman ako doon sa hinanap niya ako.

"Kasi siguro kung wala naman siyang balak na makita ako, hindi naman siguro siya magme-message sa akin ng ganun, di ba, papabayaan na lang.

“So, okay naman.”

Kinukuha ba siyang muli?

“Hindi naman.”

Gusto lang siya nitong makita?

Sabi niya, “Ganun. Sabi niya sa akin kasi, ‘Ikaw, decision mo na yan, kasi matanda ka na, kung saan mo gusto,’ ganun.

So, ako siyempre bilang bata na lumaki doon sa Pampanga, nandun na yung buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dun na ako nasanay, so kahit sabihin mong kadugo kita, hindi mo maiaalis sa akin na mas matimbang sa akin yung mga tao dun kesa sa kanya.

“Pero doon pa rin sa part na nagpapasalamat ako sa kanya dahil… tsaka siyempre sa Itaas, nagpapasalamat ako na isinilang niya ako.

"At hindi siya gumawa ng pangit nung isinilang niya ako. Doon pa lang masaya na ako.

"Sinasabi niya nga sa akin, ‘Kayong magkakapatid, kahit ganoon ako, hindi ko kayo pinagtangkaang patayin, kahit ganun yung buhay ko, kahit ganoon yung nangyari sa buhay ko.’

“Sabihin na natin nabaliw, may konting ano, ganoon. Hindi siya nagtangkang patayin kami nung nasa sinapupunan pa lang kami.

Doon pa lang nagpapasalamat ako na talagang mahal niya ako.”

RASH ENJOYING CAREER AS VIVAMAX STAR; PLANS TO FINISH STUDIES SOON

Sa ngayon ay sa Manila nakatira si Rash kasama ang manager iyang si Jojo Veloso.

Isa ring Vivamax actor si Rash at nakagawa na ng mga daring na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaksyon ng pamilya niya noong nalamang nasa Vivamax siya?

Lahad niya, “Yung mom ko, yung biological mom ko, sabi niya, ‘Ipagpatuloy mo yung pangarap mo anak, pero magtapos ka ng pag-aaral, yun ang importante.

"'Wala man akong maibigay na magandang buhay sa iyo, yung payo ko na lang, yung karanasan ko na lang ang magiging aral ninyo, kayong magkakapatid.

"'Huwag ninyo akong tularan, na ayusin ninyo yung buhay niyo, doon pa lang magiging masaya na ako’.”

Nag-aaral ba si Rash?

“Actually, nag-aaral naman po ako, pero na-stop ako.

“HRM, sa Pampanga po, Holy Cross.”

Bakit HRM?

Paliwanag niya, “Mahilig din po kasi ako sa pagkain e.

“Actually, graduating na po dapat ako e. So, na-stop po ako ng one year, pero soon, tatapusin ko pag hindi na masyadong busy dito sa industry.”

Mula sa Bright Idea Production, ang Wild Boys ay sa direksiyon ni Carlos Morales na isa ring aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida rito sina Aljur Abrenica at Vin Abrenica, ang male star na si Kristof Garcia, ang baguhang si Pedro Red at ang komedyanteng si Inday Garutay.

Latest project naman ni Rash para sa Vivamax ang Init, bago ito ay nasa Bedspacer rin si Rash ng Vivamax kasama sina Christine Bermas, Micaella Raz at Mathew Francisco.

Read:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rash Flores finds peace knowing that he's found closure with his estranged mom, and expresses his gratitude despite the unfortunate turn of events involving his biological parents during his younger years.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results