Kaagad na dinepensahan ni Heart Evangelista ang asawang si Senate President Chiz Escudero matapos umangal ang maraming netizens sa bagong pronouncement ng senador.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Senator Chiz na napagkasunduan ng Senado na limitahan ang pag-a-approve sa local holidays.
Ito ay para raw mas maging competitive ang ating bansa sa mga karatig-bansa.
Pero tila hindi masyadong naintindihan ng maraming netizens na hindi national holidays ang kanyang tinutukoy kundi local holidays.
Read: Heart Evangelista on her stepchildren: “I grew up with them.”
SENATOR CHIZ ESCUDERO EXPLAINS
Sa Instagram Live kahapon, August 11, 2024, sinabi ni Heart na "fake news" ang mga nagpapakalat ng maling balita ukol sa sinabi ng kanyang mister.
Sa nasabing Live, sinagot ni Heart ang isang komento ng netizen.
Ayon dito, "Work, balance po kami..."
Sagot ni Heart, "Fake news po yun.
"Hindi po mababawasan ang holiday, hindi lang siya madadagdagan."
Nasa tabi ni Heart ang asawa na tumawa lang at nagsalita rin.
Paliwanag ni Escudero, "Ang average holiday po sa ASEAN, sa Association of South East Asian Nations, dito sa Southeast Asia, ang average holiday po ay nasa labing-anim hanggang labing-walo.
"Ang Pilipinas po ay nasa twenty-five.
"So, ang policy po ng Senado, huwag na nating dagdagan yung twenty-five na yun, dahil masyado na tayong nagiging hindi competitive sa mga katabi nating bansa."
Diin naman ni Heart, "Hindi siya babawasan, hindi lang siya dadagdagan."
Read: Heart Evangelista takes oath as Senate spouses group head
CHIZ ESCUDERO on LIMITING LOCAL holidays in the philippines
Ayon sa ulat ng GMA News Online noong August 9, 2024, sinabi ni Escudero na nagkasundo ang mga senador na limitahan ang pag-apruba ng local holidays sa buong bansa.
Aniya, "Yung holiday, nagkasundo ang Senado na limitahan ang mga holiday.
"Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa, which makes Philippine companies and workers less competitive."
Mayroon daw kasing local holidays kada siyudad, munisipalidad, probinsiya, at rehiyon, na dagdag pa sa national holidays.
Ayon pa kay Escudero, sa Amerika, kaunti lamang ang holidays kung saan ang mga araw ng kanilang mga bayani at presidente ay idinadaos lamang sa iisang araw.
Saad niya, "Meron silang Presidents' Day, lahat ng magagaling nilang presidente pinagsama-sama nila sa iisang araw na lang na holiday.
"Tayo, hindi. May Araw ng Kagitingan, National Heroes' Day. Bawat bayani, pag pinatay sila, may holiday na naman, di ba?"
Nagkaroon na raw ng pag-aaral si Escudero tungkol sa format ng holiday sa USA, pero alam din niyang magkakaroon ng iba't ibang pananaw ang mga senador tungkol dito.
Aniya, "Ang problema lang, away yan, e. Pero hindi naman kailangang gawin yan ngayon, simulan lang natin ang proseso."
Read: Heart Evangelista on past arguments with husband Chiz Escudero: "Before, walkout talaga ako."
NETIZENS UNHAPPY ABOUT PROPOSAL
Hindi naman ikinatuwa ng maraming netizens ang panukalang ito.
Ayon sa isang netizen, mas dapat pagtuuan ng pansin ni Escudero ang paglaban sa kurapsiyon imbes ang tungkol sa holidays.
Sabi ng netizen, "Hi Mr. Senate President Chiz Escudero. I don’t think there is an issue with Filipinos competitiveness that were negatively affected by too many Philippine holidays. In fact, Filipino workers are known worldwide as hardworking, trustworthy and very diligent.
"Take Pinoy OFWs as an example- which are very much in demand. If I may suggest, why don’t you instead go head to head with CORRUPTION issues? Filipinos are very hard working and these holidays are mere rewards to ensure that work-life balance is achieved.
"Also, holiday economic tell that these numbers of holidays actually increases our GDP with improved consumer spending alone. Note that Filipinos are willing to pay for taxes but it has been ‘observed’ that government taxes do not go to nation building in terms of health, education, social systems, etc. but rather to evil pockets of evil politicians who automatically go for corruption as their means to sustain their comfortable lives.
"Why don’t you start with that instead? Have mercy on our tired taxpayers who are living less comfortable lives. We deserve more than what the government is giving back now. Please use your influence to do us a favor- FIGHT CORRUPTION."
Ayon naman sa isa, "ta*na triggered talaga ako don sa comments ni chiz escudero na nagiging less competitive mga filipino workers dahil sa holidays eh halos lahat naman ay overworked AND underpaid tapos dami pang palamunin sa gobyerno lalo na sa senado"
Sabi naman ng isa, "Madaming pwedeng ayusin pero holidays? really? most of our workers in this country are overworked and underpaid let them have their break during the holiday, Mr. Chiz Escudero."
Galit na post ng isa, "Chiz Escudero , less competitive ang workforce dahil sa Holidays gawin niyo munang competitive sahod dito , ta*ngina pamasahe palng at presyo ng bilihin di na makasapat , extra na nga namin yung pahinga at holiday pays, g*go ul*l"
CHIZ ESCUDERO: "WALANG ISYU SA HOLIDAY."
Sa panayam niya sa PTV-4 ngayong araw, August 12, 2024, iginiit ni Escudero na wala balak ang Senado na bawasan ang holidays sa bansa.

Paliwanag niya, "Walang issue sa holiday. Ang polisiya ng Senado, huwag nang dagdagan ang holiday natin dahil sobrang dami na pero wala kaming balak bawasan.
"Sinabi na namin, napakahabang kuwento yan at hindi aabot sa kongresong yan ito.
"Pero sa ngayon, mahigit 23 hangga't 25 ang local at national holidays natin.
"Huwag na nating dagdagan."
Mariing itinanggi ni Escudero na sinabi niyang babawasan ng Senado ang holidays.
Aniya, "Hindi babawasan, wala naman akong sinabing ganun."
Dagdag pa niya, "Wala namang naglalayon magbawas, ba't ko kailangan sagutin ang tanong na yan?
"Ngayon, pag sagutin ko yan pag babawasan namin. Pag hindi naman, hindi.
"Kasi tandaan mo ha, 21 national holidays, there's at least one holiday per municipality.
"We're granting holidays in the provinces that don't have a holiday. Pero pag meron na, huwag na ngang dagdagan.
"Sa araw na ito, tatlo ang inaprubahan naming bill na naglalayong magkaroon ng holiday sa tatlong probinsiya.
"Yung isang hindi namin pinayagan dahil may dalawa na siyang provincial holiday.
"Ito ang maliwanag na ebidensiya na huwag nang dagdagan pero huwag bawasan.
"Tapos idagdag mo pa ang holiday economics na pag may sandwich, may naipit, dinideklara ng Presidente na holiday pa.
"So, you're talking 23 to 25 days of holiday already, nearly a month.
"Actually, that's one month of working days, dahil kung ang working days mo, five days a week, 22 days a month lang yan."
Read: Senator Chiz Escudero apologizes after EDSA bus lane breach
