Lumalabas na hiwalay na si Karla Estrada sa non-showbiz boyfriend nitong si Jam Ignacio.
Bukod sa nag-unfollow-han na sila sa Instagram, burado na rin lahat ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang accounts.
Read: Karla Estrada, boyfriend unfollow each other on Instagram
JAM IGNACIO PROUDLY POSTS 9-GRID PHOTOS ON IG
Ngayong Biyernes, August 16, 2024, pinagmalaki ni Jam sa kanyang followers ang kung anuman ang meron sila ng isang sexy na babae na kaakap nito.
Gamit ang isang grid maker app, nag-post si Jam ng litrato nila ng isang non-showbiz girl.
May siyam na pinagtagpi-tagping larawan, na animo'y puzzle, ang pinost ni Jam na agaw-pansing litrato.
Wala itong caption at hindi rin naka-tag ang nasabing babae kaya mahirap tukuyin ang kanyang pagkakakilanlan.

Bago pa nito, noong August 7, 2024, nag-share si Jam ng tatlong larawan nila ng babae.

NETIZEN COMMENTS ABOUT JAM IGNACIO, FEMALE DJ
Sino nga ba ang babaeng kaakbayan ni Jam?
Noong Hulyo, ilang netizens na ang tumukoy na isang disc jockey (DJ) diumano ang bagong babae sa buhay ni Jam. May espesyal na relasyon daw ang dalawa.
Mabilis na nahanap ng ibang netizens ang non-showbiz girl.
Sa comments section ng Instagram account ng nagngangalang Jellie Aw, nag-iwan ng mensahe ang ilang netizens na naghihinalang ito ang bagong karelasyon ni Jam.
Ayon sa isang nangahas na commenter, "Nako iyak karla estrada, ahhahahaa ganto ba naman ka sexy ipalit"

View this post on Instagram
Sa IG profile ni Jellie, nakasaad ang mga katagang "#1 World's Sexiest Djs 2020 at Edmdroid Asia." Nakasaad din na siya ay "resident dj" ng isang club.

DJ JELLIE POSTS PHOTOS WITH JAM
Sa Instagram account ni Jellie, nag-post din ito ng litrato nila ni Jam na sweet na sweet sa isa't isa.
Makikita sa isang litrato na nakaakbay si Jam kay Jellie habang sila ay nasa isang restaurant.
Kumbinsido ang netizens na may espesyal na relasyon ang dalawa dahil "Instagram official" na ang dalawa.
Ang "Instagram official" ay urban slang na tumutukoy sa relationship status ng isang couple na nagbahagi ng sweet couple photo sa Instagram.

Read: Karla Estrada finally admits relationship with non-showbiz guy
JAM IGNACIO, KARLA ESTRADA MUM ABOUT BREAKUP
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Jam at Karla tungkol sa kanilang hiwalayan.
Ang huling post ni Karla tungkol sa kanila ni Jam ay noon pang March 23, 2023.
Noong unang anibersaryo nina Karla last June 1, 2020, kinilig ang maraming netizens sa nakakaantig na mensahe niya para sa non-showbiz boyfriend.
Sabi ni Karla sa kanyang Instagram noon (published as is): “My heart tell me that true love really exists!
“This is a year worth celebrating!
"Happy 1st anniversary, love.
“Looking forward to 800 more years with you. I love you.”
Read: Karla Estrada to boyfriend on their first anniversary: "Looking forward to 800 more years with you."
Sa isang panayam kay Jam noong November 2020, sinabi nitong nakikita niya ang sarili na kasama si Karla habambuhay.
Read: Karla Estrada’s boyfriend sees forever in their relationship: “Yun yung nakikita ko.”
Unang namataang magkasama sina Karla at non-showbiz boyfriend noong August 2019 sa anniversary party ng District 8 restobar sa San Juan City.
Read: Karla Estrada posts photo of rumored non-showbiz boyfriend
Nasundan pa ito ng vacation photos nila sa Coron, Palawan, noong October 2019.
Read: Karla Estrada posts photos of Coron rendezvous with rumored boyfriend
