"We weren’t informed about it so we didn’t make it," ang sabi ni Aleah Finnegan, isa sa mga hindi nakadalo sa homecoming activities para sa mga Pinoy athletes na naglaro sa Paris Olympics 2024.
Read: Why Aleah Finnegan, Emma Malabuyo missed homecoming activities
Pero hindi raw masisisi ang Malacañang at Philippine Olympic Committee (POC) sa nangyari dahil sinabihan lang din sila ng National Sports Association (NSA) na umalis sa Paris nang mas maaga ang mga absent na Olympians.
Sabi ni Abraham Tolentino, POC president, “Yung NSA na lang nila ang mag-e-explain doon. Wala naman kaming… ang alam kasi namin, umalis na sila nang maaga.”
Dagdag na pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Dale De Vera, sinabihan daw silang may early flight pabalik sa U.S. si Aleah at ang kapwa Filipino-American gymnasts na sina Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.
Ang dalawang golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardin ay lumipad din daw sa Scotland at U.S., respectively.
WILL ABSENT ATHLETES STILL GET PHP1 MILLION CASH INCENTIVE?
Sinabi ni Tolentino na wala namang dapat maging isyu.
Sa Malacañang, ginawaran ng cash incentives ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga atleta.
Si Carlos ay binigyan ng PHP20 million dahil sa nakuhang dalawang gold medals.
Sina Nesthy at Aira ay ginawaran ng tig-PHP2 million dahil sa kanilang Olympic bronze medals.
Ang bawat Olympian din ay ginawaran ng tig-PHP1 milyon.
Tiniyak ni De Vera na ang limang hindi nakadalong Olympians ay tatanggap pa rin ng PHP1 million cash incentive.
Kailangan lang daw nilang makipag-ugnayan sa point person kung paano nakukuha ang kanilang insentibo.
Ani Asec. De Vera sa GMA Integrated News interview, "Wala pong maiiwan. Isa-isa sila meron. The athletes, the coaches should coordinate with the Philippine Sports Commission para mai-refer sila sa point person ng Office of the President para ma-claim.
"And if ever na hindi maki-claim personally ng athlete o ng coach, they need to submit an authorization letter and their IDs."
ALEAH FINNEGAN AND EMMA MALABUYO, NOT INFORMED
Sa isang recent TikTok post, isang netizen ang nagtanong kay Emma kung bakit hindi siya kasama sa mga dumating at sinalubong?
Hinanap din ng netizen sina Levi at Aleah.
Sumagot si Emma: “I wanted to go but they didn’t tell me about it,” na may kasamang sad face emoji.

Tinanong din si Aleah ng isang netizen sa comments section ng kanyang TikTok post, at ganun din ang kanyang sagot: Hindi raw sila sinabihan.

Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline
ALEAH Finnegan and Emma Malabuyo, back in Manila
Pero batay sa latest TikTok post ni Aleah ay nakabalik na siya ng Pilipinas.
Nag-post siya ng video kahapon, August 15, habang nasa airport sa U.S. Sinundan niya ito ng Instagram Story na nasa Manila na siya.
Nag-post din si Emma na pabalik na siya sa Pilipinas nitong Huwebes.
Ang latest update sa feed niya ngayong Biyernes ay nasa Pilipinas na siya at kasamang nagba-bonding ang mga kaibigan.
Read: Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?
Nitong August 13, 2024, Martes, binigyan ng mainit na pagsalubong ang mga Pinoy Olympians na galing sa Paris Olympics 2024.
Mula sa airport hanggang sa Malacañang, binigyan sila ng warm welcome at enggrandeng dinner.
Nakasama sa 17 athletes ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo at ang bronze medalists at female boxers na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Read: Dottie Ardina breaks silence on Paris Olympics uniform issue
