Dismayado ang Filipino Olympian golfer na si Dottie Ardina sa tila pagbaliktad sa kanya kaugnay sa nag-viral niyang video.
Ito'y matapos niyang maglabas ng hinaing sa aniya'y kakulangan ng uniporme at gamit sa katatapos lang na Paris Olympics 2024.
Read: Here's how much the Paris Olympics 2024 cost
Noong Biyernes, August 9, 2024, nagsimulang pag-usapan online ang video ni Dottie na in-upload ng kanyang inang si Gina Ardina.
Dito ay makikitang ikinakabit ng Olympian ang Philippine flag sa kanyang susuoting damit sa competition gamit ang double-sided tape.
Reklamo ng Pinay golfer sa video, walang ibinigay na uniporme sa kanila ng teammate niyang si Bianca Pagdanganan sa golf kaya't tinitiis nilang manu-manuhin ang pagdidikit ng Philippine flag patch sa kada laban nila sa Paris Olympics.
Bahagi ng hinaing ni Dottie sa nag-viral niyang video: "Sana all may uniform. Kami lang ang wala, kailangang pang bumili ng t-shirt.
"Dyusko, ano ba namang klaseng Olympics 'to... Dadalawa na nga lang kami dito [na golfer], twenty-two na nga lang na atleta, kulang-kulang pa.
"Nakakahiya, sobrang daming tao, kami lang ang walang uniform, tuklap-tuklap pa itong [Philippine flag patch ko]."
Ang ibig sabihin ni Dottie ay dalawa sila ni Bianca na kinatawan ng Pilipinas sa golf, at 22 naman ang kabuuang bilang ng Pilipinong atleta na lumahok sa Paris Olympics.
Umani ito ng samu't saring reaksiyon, kunsaan marami ang nakisimpatya kay Dottie at nanawagan sa Philippine Olympic Committee (POC) na bigyang pansin ang problemang inirereklamo ng golfer.
POC AND NGAP RELEASE STATEMENT
Agad namang nakarating sa POC at National Golf Association of the Philippines (NGAP) ang viral video ni Dottie.
Ayon kay NGAP secretary general Bones Floro, naipit sa logistic provider ang mga uniporme ng golfers mula sa sponsors kaya binilhan daw sila ng ibang damit sa Paris.
Nagkaroon lang daw ng aberya dahil nang dumating ang mga biniling uniform ay isa lang ang nagkasya kay Dottie.
Bibilhan naman daw sana sila ng panibagong damit ngunit nagdesisyon si Dottie na bumili na lang ng sarili niyang uniform.
Narito ang kabuuang pahayag ni Floro:

DOTTIE ARDINA SPEAKS UP
Matapos maglabas ng pahayag ang POC at NGAP ay minarapat na ring magsalita ni Dottie para klaruhin ang ilan sa mga sinabi ng ahensya patungkol sa kanyang naging hinaing.
Inumpisahan ni Dottie ang mahabang Facebook post niya nitong Martes, August 13, sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa lahat ng Pilipinong sumuporta sa kanya kahit hindi siya nakapag-uwi ng medalya sa bansa.
Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Nagtapos ang Olympic journey ni Dottie sa golf women's individual stroke play sa ika-labintatlong (13) puwesto.
Aniya (published as is), "Ako po si Dottie Ardina, bahagi po ako ng Philippine Team sa 2024 Paris Olympics sa Women’s Golf.
"Ako pa ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumporta sa amin. Kinapos man po at naging mailap ang medalya pero kami po ay lumaban hanggang sa huli. Napaka laking karangalan po na mag representa ang bandila ng Pilipinas."
Read: Filipino Olympic athletes honored in moving music video
Kasunod nito ang pagbibigay ng pahayag ni Dottie tungkol sa nag-viral niyang video na siyang naging rason para maglabas din ng statement ang POC at NGAP.
Ayon sa Pinay golfer, pinapabura na sa kanya ang viral niyang video na naka-upload sa personal Facebook account ng kanyang ina.
Bagamat hindi niya sinabi kung sino ang nagpapabura, malakas daw ang pakiramdam ni Dottie na siya ang sinisisi sa paglaki ng isyu.
Saad niya (published as is): "May lumabas pong video na gawa ko kelan lang na nag viral na sa social media na pinost po ng Mommy ko at gumawa ng malakas na ingay. Hindi po ako kaagad nag salita tungkol dito dahil nasa kalagitnaan ako ng laro.
"Pero parang lalo pong lumalakas ang usap usapan na nagdulot ng negatibong reaksyon sa mga nagpapatakbo at namamahala ng Philippine Women's Golf team sa Olympics.
"Napagsabihan pa po ako na alisin ang video na may kasamang pagsisi pa galing sa akin na ang pagsasalita ko ay gumawa ng napakalaking issue.
"Hind ko po ito tinanggal ng mommy ko. Ngayon po ay minarapat ko nang magsalita ng kaunti tunkol dito.
"Ang mga sasabihin ko pa ay base sa aking naranasan at ang lahat ng opinion ay akin lamang.
"Di ko po naisip na ito ay lalaki ng ganito at magiging national issue. Bago pa ito lumaki lalo, gusto ko sanang linawin ang mga ilang bagay na lumabas sa official statements ng POC at NGAP."
Read: These athletes solo represent their countries at Paris Olympics
lack of uniforms
Pagbabahagi ni Dottie, bago pa man sila lumipad pa-Paris ay kinukulit na niya ang NGAP kung saan niya puwedeng kunin ang uniforms at iba pa niyang gamit sa golf.
Ngunit tugon daw ng mga ito sa kanya, sila na ang bahala rito at ibibigay na lang ito kay Dottie mismo sa Paris.
Paliwanag niya (published as is): "Ang final tournament list po sa Olympic golf ay na release ng June 25. Pero ipinadala po sa akin ng POC ng June 13 ang uniform size forms para sagutan at kung paano din kumuha ng exemption athlete visa.
"Habang ako po ay naglalaro ng tournaments sa amerika (LPGA) ako po ay nagtanong na sa NGAP ng July 28 kung saan or paano ba makukuha ang uniforms/golf bag dahil lilipad po ako ng August 1 papuntang Paris. Ang sabi po sa akin, dala nila ang golf bag at ang uniforms 'will be sent straight to Paris eta July 31'.
"Medyo kinabahan po ako dahil August 7 ang start ng competition. Paano kung mali ang size or hindi maayos ang fitting? Nasa US pa lang po ako ay pagapsya na ako ng magdala ng plain shirts para paniguradong may masusuot kung sakaling magka aberiya sa official uniforms. Maydala din po ang teammate ko."
Read: Nesthy Petecio disappointed but accepts defeat at Paris Olympics
Ngunit paglilinaw ni Dottie, wala talagang dumating na competition uniform para sa kanila.
Ang dumating daw sa Paris na siyang natanggap nila ni Bianca ay mga collared shirt at track suits na hindi naman pang-golf.
Napilitan lang daw sila ni Bianca na ito'y isuot dahil nasa requirement daw na dapat ay terno sila ng suot.
Pahayag niya (published as is): "Dumating na po kami sa Paris ng August 2 ng umaga. Wala pa rin po ang mga uniforms.
"Ako, ang caddie at coach ko ay nag register sa tournament desk sa golf course ng August 4, kami po ay sinita at pinagsabihan ng officials ng IOC na dapat suot na ang uniforms. Nagdahilan na lang po ako na hindi pa dumadating.
"August 4 ng hapon, dumating na din sa wakas ang uniforms pero ito ay mga track suits lang. Nagkatotoo ang ikinakaba ko at walang dumating na competition shirts.
"May paparating silang pamalit, na malamang ang sinasabi nilang "sets of competition gear to be produced in Paris" sa POC statement Dalawang collared shirts lang na White & Black na hindi talaga pang golf pero napilitan kong suotin sa practice round (August 5 and 6) dahil kailangan na terno kami ng teammate ko."
Read: EJ Obiena apologizes for falling short of Paris Olympics medal
Totoo naman daw ang sinabi ng POC at NGAP na may inutusan silang bumili ng T-shirt sa Paris nang malamang nasita sina Dottie.
Ngunit nang dumating daw ito sa kanila ay iba-iba ang kulay at hindi nasunod ang requirement na dapat ay parehong-pareho sila.
Ang masaklap pa raw nito, mali ang sizes na nabili dahil parehong maliliit sa kanila ni Bianca at animo'y pinilit at minadali dahil mali-mali raw ang nakaimprentang logo.
Diin ni Dottie (published as is): "May inutusan na bumili ng shirts para sa amin at lagyan ng flag logo or country initials.
"August 5 ng gabi, dumating ang mga bagong uniforms pero assorted brands and sizes at hindi kami terno ng teammate ko.
"May ibang shirts PAREHONG MALIIT sa amin. Hindi lang sa AKIN. Ang mas pangit pa, MALI ang stamp ng logo na PHI dahil nasa illalim ng collar at natatakpan ito.
"Walang nagawang tama."
Read: How much cash do Paris Olympics 2024 gold medalists get?
Dagdag pa niya: "Ginamit na lamang naming ang dala naming sariling plain shirts at dahil meron naman dalang flag patches ang teammate ko, binigyan nya lang ako ng isang piraso na nililipat ko araw araw sa gagamitn kong shirts. Ang dala nya ay White, Navy Blue at Army Green. Akin naman po ay Black, Navy Blue and Grey. Pareho kaming merong White and Navy Blue.
"At dahil hindi mag kapareho lahat ang colors na dala namin, August 6 ng gabi before tournament day, pumunta ako sa mall para bumili ng umbrella at 2 shirts at nag pabili din ang teammate ko para TERNO kami sa competition katulad ng ibang bansa at ayon na rin sa IOC rules.
"Nakalagay po sa statement ng POC na may provided daw po na uniforms at atleta daw nag decide na huwag suotin. Sinabi naman sa NGAP statement na may paparating na pamalit na uniforms pero nag decide daw ako na bumili na lang ng iba. Parang ako pa ngayon ang dahilan kung bakit kami hindi naka uniforms ng maayos?
"Uulitin ko po, walang dumating na uniporme at ang binili sa Paris ay hindi kasya sa amin PAREHO at ang PHI logo ay nasa ilalim ng collar.
"Pagkatapos kumalat ang video ko sa social media, May pinapasuot sa amin nung last day at nakatahi na ang flag..pero tulad ng naunang binili, isa lang sa amin nagkasya dahil hindi naman nag bago ang size na binili para sa akin at magkaiba din ang gawa, kulay at design ng shirts.
"Sinuot po ng teammate ko yung huling bigay at sinuot ko na lang po yung binili ko. Kahit ano pong mangyari, magakiba talaga kami ng susuotin sa last day.
"Hindi ko pong piniling magsuot ng ibang uniforms o shirts WALA po talaga akong choice kung hindi magsuot ng iba."
LACK OF OTHER equipmentS
Bukod sa uniporme, kulang-kulang din daw ang ibinigay sa kanilang gamit pang-golf.
Saad ni Dottie: "WALA din pong na provide na golf balls, head covers, gloves at golf umbrella. Bags (locally made) at golf shoes lang ang nabigay sa amin.
"Mabuti po at may dala kaming sarili. Di ko maisip kung bakit walang budget para sa mga gear at equipment na iyon.
"Talagang KULANG KULANG."
Read: What is inside the box given to medalists at 2024 Paris Olympics?
Dahil sa kakulangan ng POC at NGAP, hindi raw mawari ni Dottie kung bakit ngayon ay siya pa ang tila pinagmumukhang reklamador at masama.
Ang tanging ginawa lang naman daw ni Dottie ay ipakita kung gaano sila nagmukhang kawawa sa Paris Olympics dahil sa mga suot nilang sariling biling uniporme.
Hindi raw kasi maitatangging maging ang ilang kalaban nina Dottie at Bianca ay napansin na rin ang tuklap-tuklap nilang Philippine flag patch na nakadikit lamang sa kanilang mga damit.
Giit niya (published as is): "Bakit parang ako pa ang binaliktad?
"Nabanggit ko din po sa video ko na “nakakahiya” dahil sobrang po talaga daming tao at hindi maiwasan mag tanong ang ibang players sa akin. “Your flag is peeling off” o “you did not get uniforms?” “Thats a lot of tapes. They did not provide you head covers?” Hindi ko na po alam ang isasgot ko.
"Ang competition po ay LIVE din on tv at online streaming world wide! Nakakalungkot dahil nakita pa ang flag natutuklap.
"Tungkol naman po sa issue ng club head covers, kami po ay nasita ulit ng IOC official sa clubhouse during practice round.
"Bawal daw po kasi na gamitin ang may company golf brands kaya po napiltan kami lagyan ng duct tape na itim ang head covers. Lahat ng kalaro namin dito, national flag ang design ng head covers.
"Ang ganda sana ng covers namin kung Philippine flag ang design.
"Nang tanungin kung bakit di nagawa yung covers o bakit disapproved ng IOC ang unang design ng uniforms na may tamang logos, ang sagot nila sa amin ay mahirap daw mag comply sa rules ng IOC kaya nagkamali sa uniforms at di nila alam na iba na ang rules para sa head covers.
"Tanggap ko na lang po iyon. Pero kami lang po ang nag iisang team sa buong Olympics na walang uniforms. Tayo lang ang nahirapan sa rules."
Read: Carlos Yulo acknowedges father's presence at homecoming parade
Dala rin daw ng frustration kaya nakapag-video si Dottie at i-share ito sa social media.
Hindi raw kasi tama ang naging pagtrato sa kanila, gayong ibinigay naman nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa bayan.
Aniya (published as is), "Nagawa ko po ang video dahil po sa frustration. Mahirap po makapasok sa Olympics. Hindi ko rin po alam kung makakacompete ako sa susunod dahil every four years lang ito at mahirap ang qualification.
"Puwede naman po ako manahimik pero naisip ko na din, dapat akong magsalita, kung hindi na para sa akin ,hindi ko masabi kung huling Olympics ko na ito, pero para na lang sa mga susunod pa sa amin. Para mas maayos ang kanilang Olympic experience."
DOTTIE ARDINA CALLS FOR better state support
Sa huli, nakiusap at nanawagan si Dottie na sana sa susunod ay hindi na mangyari ang kanilang sinapit.
Wala raw siyang masamang intensiyon nang maglabas siya ng hinanakit at hinaing.
Read: Rica Peralejo reacts to controversial Paris Olympics performance
Nais lang daw talaga niyang ilabas ang kanyang saloobin dahil pakiramdam niya ay hindi sila na-prioritize sa mahalagang laban nila sa Olympics.
Maging leksiyon din daw sana ang dinanas nila ni Bianca sa susunod na mga atletang magrerepresenta sa bansa.
Mensahe ni Dottie (published as is): "Sana lang ay hindi na po maulit ang mga nangyari. Sana magbago ang patakbo.
"Sana mas magaling sila sa susunod. Sana magkaroon ng maayos na COMMUNICATION sa pagitan ng mga officials na naka assign at sa mga atleta na maglalaro sa susunod na Olympics.
"Sana wala ng Philippine Team at atlentang Pilipino ang magmukhang busabos at kawawa.
"Apat na taon po itong dapat napaghandaan pero ganito pa ang nangyari. Wala pong ginastos para sa akin ang POC at NGAP para mag qualify at para maghanda kami sa Olympics.
"Sarili ko at ng sponsors ko ang gastos at akin ang hirap at pagod para maghanda at mag qualify. Dumating na lang po kaming Olympians na at handang lumaban para sa bayan.
"Dadalawa na nga lang po kami sa golf, dalawanpu't dalawa sa lahat ng sports, hindi pa kami naasikaso ng maayos. Gumawa na kami ng paraan para magmukha kaming ka respe-respeto dito, at sa huli ako pa ang parang sinisisi."

Paglilinaw pa niya: "Ako po ay walang masamang intensiyon.
"Alam ko po na sa pag gawa ko ng video ay madaming sumoprta at my nagalit din at nagsasabing “wala yan sa üniform!” O “maglaro na lang puro pa reklamo”.
"Ang gusto ko lang naman po ay maayos at mag mukhang presentable kami bilang atleta ng bayan at para din mataas ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas."
