PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo gushes over Chloe San Jose’s new hair color

Chloe San Jose: "goldilocks out, milktea in"
by Arniel C. Serato
Published Aug 22, 2024
Carlos Yulo comments on new do of girlfriend Chloe
Two-time 2024 Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo and girlfriend Chloe San Jose jump on the latest dance craze "Maybe This Time" on TikTok (left). San Jose (right) shows her new hair color on Facebook.
PHOTO/S: Courtesy: TikTok / Facebook

Ramdam na ramdam ng publiko ang pagmamahal ni two-time Paris Olympics 2024 gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Sa Facebook kahapon, August 21, 2024, ipinasilip ni Chloe sa netizens ang bagong kulay ng kanyang buhok.

Mula sa pagiging "goldilocks" ay "milktea" na raw ito ngayon.

Caption niya, "goldilocks out, milktea in"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, marami ang nagpaabot ng paghanga sa bagong look ni Chloe.

Kabilang sa nagkomento ay ang boyfriend niyang Olympic champion.

Sabi ni Carlos, "Grabe napaka ganda mo mahal ko (smiling face with heart-eyes emojis)"

Sagot ni Chloe ay isang animated gif na may nakasulat na, "I LOVE YOU FOREVER."

Carlos Yulo's comment on Chloe's post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Carlos Yulo, GF charm netizens with post-victory celebration

NETIZENS SAY CARLOS YULO IS LIKE SONNY ANGEL DOLL

Sa TikTok naman, kinatuwaan ng netizens ang bagong upload ni Chloe na video nila ni Carlos na dance craze na "Maybe This Time."

In-upload ito ni Chloe noong isang araw pero mayroon na itong mahigit six million views.

@chloeanjeleigh @Carlos Yulo ? balik ka na - kei

Inihalintulad ng netizens si Carlos sa nasabing sayaw na isang Sonny Angel, ang kinagigiliwang maliit na "cherub figurine with peculiar headgear."

Ayon sa website ng Sonny Angel tungkol sa maliit na manika, "He may bring you happiness."

Sonny Angel
Photo/s: Screenshot from sonnyangel.com
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilang komento ng netizens:

Comments of netizens on Carlos Yulo and Chloe San Jose's TikTok video
Comments of netizens on Carlos Yulo and Chloe San Jose's TikTok video
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Comments of netizens on Carlos Yulo and Chloe San Jose's TikTok video
Comments of netizens on Carlos Yulo and Chloe San Jose's TikTok video
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala namang sinagot na komento sina Carlos at Chloe.

2020: CARLOS YULO AND CHLOE SAN JOSE LOVE STORY

Taong 2020, 20 years old si Carlos, at 12 years nang walang tigil sa pagte-training sa gymnastics.

Nagsimula rin ang COVID-19 pandemic, kaya’t natigil ang mga competition na pinaghahandaan ng atleta.

Dito niya nakilala si Chloe San Jose, isang content creator na nakabase sa Australia.

Read: Meet Chloe Anjeleigh San Jose, Carlos Yulo's girlfrien

Noong April 2020 ay nag-direct message si Chloe kay Carlos via Twitter.

"Hi I'm a fan po. Just came across your account and hindi na po kayo as active like before. I hope you're doing well po. Stay safe. God bless," mensahe ng digital influencer.

Sinagot ni Carlos ang DM, at dito na nagsimula ang kanilang malalim na pag-uusap.

Six months later ay nagbigay sila ng clue sa publiko tungkol sa kanilang relasyon nang mag-upload si Chloe ng duet o splitscreen video sa TikTok kung saan nagsasayaw sila ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag niya ang gymnast na “mahal.”

2021 TO 2022: CARLOS YULO GETTING STEADY CHLOE SAN JOSE

Dahil nag-aaral si Chloe sa Australia at nagte-training pa rin si Carlos sa Japan ay long distance ang relasyon nilang dalawa.

Noong May 2022 sila finally nagkita. Lumipad si Chloe papuntang Vietnam, ang host ng Southeast Asian Games.

At that time, nakakuha si Carlos ng pitong medals .

Noong October to November 2022, lumaban muli si Carlos sa World Championships sa England, kung saan nanalo siya ng silver sa vault at bronze sa parallel bars.

2023: LEAVING JAPANESE COACH FOR CHLOE SAN JOSE

Marami ang nagulat noong September 2023 dahil sa desisyon ni Carlos na iwanan ang kanyang long-time Japanese coach.

Ayon sa mga ulat, hindi raw nagustuhan ni Coach Kugiyima na nagkaroon ng kasintahan ang male gymnast dahil naHAhati ang focus nito.

Sa pag-alis ni Carlos sa poder ng kanyang coach, mas nagkaroon ng pagkakataong magkasama sila ni Chloe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit matapos ng coach split ay lumaban si Carlos sa 2023 World Artistic Championships sa Belgium noong October.

Dahil walang nakuhang medal, lalong nasisi ang desisyon niyang pumasok sa relasyon.

2024: FAMILY PROBLEMS SURFACE

At ngayong 2024, nalaman ng publiko na may hinaharap na family problems ang bemadaled gymnast.

Read: Carlos Yulo takes home the gold in Olympic men's floor exercise

Sa una ay alingasngas pa lang ang sinasabing mga dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan.

Una, may kinuha raw na pera ang ina ni Carlos.

Pangalawa, hindi raw sang-ayon ang ina ni Carlos sa pakikipagrelasyon ng anak kay Chloe.

Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

CARLOS YULO'S MOM ANGELICA YULO ON CHLOE SAN JOSE

Nakumpirma lamang ang mga dahilang ito nang nagpaunlak ng panayam si Angelica sa Bombo Radyo noong August 4.

Dito ay inamin niyang may kinuha siyang salapi nang hindi alam ni Carlos.

Nagkakahalaga raw itong PHP70,000 cash incentive mula sa World Championships noong 2021 sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Angelica, sa kanya raw binigay ng isang “Ma’am Weng” ang nasabing halaga dahil “red flag” umano si Chloe, na siyang kasa-kasama lagi ng kanyang anak.

“Ekis din, red flag din sa kanila yung girl. So, sa akin binigay. Nararamdaman ko na bilang ina na baka maubos yung anak ko in the future,” sabi niya.

Dagdag pa ni Angelica, si Chloe ang pinagsimulan ng pagtatampo niya sa anak.

“Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga.”

Hindi raw niya nagustuhang pinili ni Carlos na mas makasama ang kasintahan lalo pa't nagte-training ito.

Dagdag pa ni Angelica, “Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy.

"Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?

"So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid."

Read: Chloe San Jose reacts to interview of Carlos Yulo's mother

Mula nang nakauwi si Carlos mula Paris, hindi pa sila nagkikita ng kanyang pamilya.

(*additional texts by Mark Angelo Ching)

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two-time 2024 Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo and girlfriend Chloe San Jose jump on the latest dance craze "Maybe This Time" on TikTok (left). San Jose (right) shows her new hair color on Facebook.
PHOTO/S: Courtesy: TikTok / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results