PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sabrina M. lucky to evade sexual harassment during her prime

"Yung mga sexual harassment na yan, wala, hindi ko binigyan ng pagkakataon."
by Arniel C. Serato
Published Aug 28, 2024
Sabrina M. recalls time doing sexy movies
Sabrina M. on her sexy roles before: "Hindi porke't ganyan ang role mo sa isang pelikula, kailangan ganoon ka rin sa tunay na buhay, di ba? Pangit kasi tingnan."
PHOTO/S: Arniel Serato

Aware ang '90s sexy star na si Sabrina M. sa maingay na usapin ngayon tungkol sa sexual harassment issue sa loob ng showbiz.

Ito ay matapos ang mga rebelasyon ng baguhang aktor na si Sandro Muhlach, ng singer na si Gerald Santos, at ng isang male talent ng TV5 News and Current Affairs.

Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso

Read: Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya

SABRINA M. ON AVOIDING SEXUAL HARASSMENT

Noong kasagsagan ng kanyang career, sunud-sunod noon ang ginawang sexy films ni Sabrina M. Pero masuwerte raw siyang hindi nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso.

Saad niya, "Well, hindi po. Kasi noong time na yun, even though nagpapa-sexy ako sa pelikula, meron kasi akong wall lagi, e. May wall ako, e, na hanggang dito ka lang.

"Katulad ng kunyari may mga ginagawa akong sexy films, yung sexy scene, ang nandun lang sa kuwarto is director ko, cameraman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yan lang ang puwedeng pumasok, at ang leading man.

“Yung mga sexual harassment na yan, wala, hindi ko binigyan ng pagkakataon."

Read: The rise, fall, and return of Sabrina M.

Pero meron daw ilang leading men noon na nagyayaya matapos ang ilang maselan nilang eksena.

Kuwento ni Sabrina M, "Although siyempre meron kang dati na, alam mo yun, normal na yata yun, e.

“Yung may mga magpapahiwatig sa yo.

“Pero ako yung tao kasi na bina-block ko agad kung anuman ang gusto mong umpisahan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sabrina M. sa premiere ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story, na ginanap sa SM Megamall Cinema 1, Martes ng gabi, Agosto 27, 2024.

Si Sabrina M. ay gumaganap bilang babaeng nang-akit kay Mayor Marcos Mamay noong kabataan nito sa Nunungan, Lanao del Norte.

Magkakaroon ng mga block screening ang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The Cast of Mamay
Photo/s: Arniel Serato

(The cast of Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story)

Read: Jeric Raval speaks up anew on daughter AJ Raval’s alleged child

SABRINA M.: "hindi porket nagpapa-sexy ka na, bibigay ka rin."

So, nararamdaman talaga niyang may nais maka-level up sa kanya?

Sagot ni Sabrina, "Oo, may mga ganun. Siyempre talagang nangyayari yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Even may mga leading man ako na, 'Hoy, tuloy na natin yan.' 'Bakit, trabaho lang tayo, wala tayon personalan.'

"Kasi hindi porket nagpapa-sexy ka na, bibigay ka rin.

"Kailangan mo irespeto kasi yung sarili mo, e."

May mga nadadala ba talaga sa mga eksena noon?

Sagot ng aktres, "Oo. Hindi naman sa ano, 'no, yung mga leading man ko, during the sexy scenes namin, e, nadadala sila.

"Pero ako, 'Hoy, trabaho lang to. Huwag mong anuhin yan.'

"Dinadaan ko sa biro. "

Never din daw siyang nagkaroon ng relasyon sa kanyang mga dating nakatrabaho.

Aniya, "Wala po. Trabaho lang talaga ako nun, e.

"And sa sobrang higpit ng nanay ko, laging nakabantay yan.

"Alam mo yung mommy ko, kahit sexy scene, andiyan kaagad yan.

"Pagkatapos ng mga eksena ko, e, siya pa minsan nagtatakip sa akin ng mga tuwalya."

Kaya huwag daw husgahan ang sexy stars na baka ganun din sila sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Sabrina, "Oo. Kasi ako naman po, kahit nagpapa-sexy ako, pinapakita ko naman na trabaho lang yun.

"Hindi porke't ganyan ang role mo sa isang pelikula, kailangan ganoon ka rin sa tunay na buhay, di ba?

"Pangit kasi tingnan."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabrina M. on her sexy roles before: "Hindi porke't ganyan ang role mo sa isang pelikula, kailangan ganoon ka rin sa tunay na buhay, di ba? Pangit kasi tingnan."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results