PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic

Netizen: "Nakakahiya naman sayo na may sariling sasakyan..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 30, 2024
Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic
Richard Gomez draws flak after suggesting that EDSA bus lanes be opened for other vehicles. One netizen says: "Yung isang araw mong naranasan, araw-araw na kalbaryo ng ordinaryong Pilipino."
PHOTO/S: Richard "GOMA" Gomez on Facebook

Kaliwa't kanang batikos ang kinahaharap ngayon ng aktor at Leyte 4th District Representative na si Richard Gomez matapos niyang ibahagi sa social media ang kanyang karanasan nang maipit sa traffic sa EDSA.

Nitong Huwebes, August 29, 2024, nag-post sa Facebook si Richard para ireklamo ang mabagal na usad ng mga sasakyan sa EDSA, gayong ang bilis at maluwag naman daw ang daloy sa parte ng bus lane.

RICHARD GOMEZ'S VIRAL POST

Ayon sa actor-politician, humigit-kumulang dalawang oras na siyang naiipit sa mabigat na traffic sa EDSA ay hindi pa rin siya nakararating sa kanyang patutungahan.

Suhestiyon niya, bakit hindi buksan ang bus lane sa ibang mga sasakyan tuwing mabigat ang daloy ng trapiko, para kahit papaano ay lumuwag ang traffic.

Mababasa sa post ni Richard (published as is): "2 hours in EDSA traffic and counting.
From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"llang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?"

Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic
Photo/s: Screengrab @X

Makalipas ang ilang oras, binura ni Richard ang kanyang post, ngunit marami na sa netizens ang nakapag-screenshot nito at ni-repost sa social media.

NETIZENS' REACTION

Mabilis na nag-viral sa social media ang Facebook post na ito ni Richard. Marami sa netizens ang nadismaya sa anila'y pagiging "entitled" ng actor-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senator Chiz Escudero apologizes after EDSA bus lane breach

Tweet ng isang netizen (published as is): "Wow Richard Gomez. Just wow. Eh kung sumakay ka nalang kaya ng bus? Nakakahiya naman sayo na may sariling sasakyan at mas kumportable kesa sa amin na nagsisiksikan makauwi lang ha."

Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic

Suhestiyon pa ng iba, imbes na magreklamo, ang kagaya ni Richard na mambabatas ay magpasa kaya ng batas na makatutulong sa matagal nang pasanin na trapik ng libu-libong commuters sa Metro Manila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Richard Gomez discloses indecent proposal from a “supporting actress”

Saad ng isang netizen: "Hello Richard Gomez also known as Cong GOMA, Ba’t kaming commuter pa maga-adjust? What if magpropose kayo ng bill na hindi pahirap sa mga commuters? Pls guys stop voting entitled and out of touch politicians. Take the bus challenge pls for @1richardgomez1"

Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng isa, "Nakakahawa pagiging TRAPO. Yung isang araw mong naranasan, araw-araw na kalbaryo ng ordinaryong Pilipino. Kulang pa nga ang buslane kung tutuusin para ibigay ang nararapat sa Filipino commuter. Ibang klase ka Richard Gomez."

Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic
Photo/s: Screengrab @X

Hamon pa ng ilan sa kongresista, subukan nitong mag-commute gaya ng ginagawa ng karamihan para maranasan niya ang hirap, pagod, at pasakit sa ilang oras na pananatili sa kalsada dahil sa mabigat na trapiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At dahil sa EDSA traffic rant ni Richard Gomez, dapat talaga required mag-public transport once a week ang LAHAT ng public officials and politikos. Wag tnvs ha. Jeep, bus, mrt. Tignan natin ilan sa kanila ang magrarant na pagod na bago pa makarating sa opisina," diin ng isa.

Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EDSA BUS LANE

Ayon sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), ang EDSA bus lane ay exclusive lamang sa mga pampasaherong bus, ambulansya, at government-marked vehicles na tumutugon sa emergency needs.

Read: Senator Bong Revilla reprimands MMDA officer over bus lane violation claim

Ang sinumang mahuhuli na ilegal na dumaraan sa EDSA bus lane ay maaaring patawan ng parusa at penalty.

Narito ang mga nakaambang na penalty, ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes:

  • 1st offense PHP5,000
  • 2nd offense PHP10,000 at one month license suspension, seminar
  • 3rd offense PHP20,000 at one year license suspension
  • 4th offense PHP30,000 at revocation ng lisensya

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon si Richard sa batikos ng netizens.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng actor-politician sa isyung ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez draws flak after suggesting that EDSA bus lanes be opened for other vehicles. One netizen says: "Yung isang araw mong naranasan, araw-araw na kalbaryo ng ordinaryong Pilipino."
PHOTO/S: Richard "GOMA" Gomez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results