May pinatatamaan ba si Kylie Padilla sa kanyang Facebook post kahapon, October 7, 2024?
Ang nilalaman ng post ni Kylie ay may kinalaman sa mga katangiang taglay ng isang "great leader."
Nagkataong ipinost ito ng Kapuso actress ilang oras matapos kumalat ang balitang tatakbong konsehal sa Angeles City, Pampanga, ang estranged husband nitong si Aljur Abrenica.
Tatakbo si Aljur sa ilalim ng partidong kinabibilangan ni dating Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, na kakandidatong alkalde ng Angeles City.
Read: Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025
KYLIE PADILLA'S CRYPTIC POST ABOUT "GREAT LEADER"
Ayon sa post ni Kylie, ang magaling na lider ay isang taong kayang pamunuan ang sarili nitong pamilya.
Ang pamilya raw ang maituturing na una nitong komunidad.
Gayundin ang maayos nitong pagpapalaki ng kanyang mga anak at kailanman ay hindi naging taksil sa kanyang asawa.
Higit sa lahat, malapit ang puso nito sa Panginoon.
Kaya ang pagseserbisyo raw ay isang pag-aalay ng sarili sa kapwa, at hindi ang kabaligtaran.
Buong post ni Kylie: "A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community.
"A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles.
"A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you."
Sa comments section ay may mga nakisimpatiya kay Kylie:

At meron ding diretsahang nagsabing parinig umano ito ni Kylie kay Aljur.

Read: Kylie Padilla napaiyak nang balikan ang failed marriage nila ni Aljur Abrenica
KYLIE PADILLA-ALJUR ABRENICA BREAKUP
Taong 2018 nang magpakasal si Kylie kay Aljur. Biniyayaan sila ng dalawang anak.
Pero noong 2021, nagkaroon ng bulung-bulungan tungkol sa relasyon nila. Kumakalat sa showbiz na diumano ay naghiwalay na ang dalawa.
Hanggang sa kumpirmahin ito ng ama ni Kylie na si Robin Padilla noong July 2021.
Sinabi pa nitong third party ang dahilan ng breakup ng dalawa.
Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party
Dito na rin nasangkot ang pangalan ng Vivamax actress na si AJ Raval na pinaghinalaang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.
Read: AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa matinding bashing
Ito'y dahil makailang beses silang naispatan ni Aljur na magkasama matapos isapubliko ni Robin na hiwalay na ang aktor at ang kanyang anak.
Read: "Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall
Hanggang noong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon.
Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts
Samantala, mayroon na rin ngayong napapabalitang boyfriend si Kylie.
