PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati on good terms again?

Kyline, Sarah reportedly unfollowed each other on Instagram in September.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 11, 2024
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati spotted together amid unfollowing each other
Kyline Alcantara (in pink dress) and Sarah Lahbati (in black top) recently bond at the latter’s birthday celebration amid reported falling out after they unfollowed each other on Instagram.
PHOTO/S: Screengrab @TikTok

On good terms na ba ulit sina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati?

Ito ang tanong ng ilang netizens makaraang maispatan si Kyline na dumalo sa birthday celebration ni Sarah.

Noong October 9, 2024, ipinagdiwang ni Sarah ang kanyang 31st birthday.

Nangyari ang pagkikita ng dalawa, halos dalawang linggo matapos matuklasan ng kanilang fans na in-unfollow na nila ang isa't isa sa Instagram.

Read: Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Sa kumakalat na video ngayon sa TikTok, makikita sina Kyline at Sarah na kumakanta sa isang bar kasama ang iba pa nilang kaibigan.

May pagkakataon ding nag-duet pa sina Kyline at Sarah sa kantang "Buwan" ni JK Labajo.

Caption ng uploader, "Kyline with Sarah Lahbati. Last night ganap (event)."

@chuubbzz25 Kyline with Sarah Lahbati ?????? Last night ganap... #kylinealcantara #kobeparas #sarahlahbati ? original sound - chuubbzz

NETIZENS REACTION

Dahil sa muling pagsasama ng dalawa, marami sa kanilang tagahanga ang natutuwa.

Komento ng isang netizen (published as is), "Thank God, bati na sila."

Saad pa ng isa, "yeeeyy ok na sila ni Sarah.. ay mga bhe Ganda ng Boses ni Sarah [hand clap emojis] Ang simple lng nila Jan ni Kyline."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng isa, "ok namn talaga cla... binigyan lang ng meaning ung pag unfollow nila bea at sarah kay @kyline alcantara , may dahilan kc kaya ginawa nilang gnun pero ndi sila galit."

KYLINE-SARAH RELATIONSHIP

Magkapatid kung magturingan sina Kyline at Sarah kaya naman malaking palaisipan sa kanilang fans ang biglaang pag-unfollow-an nila sa Instagram.

December 2023 nang nagsimulang mapansin ang pagiging malapit ng dalawa matapos i-upload ni Kyline sa kanyang Facebook page ang litrato ng naging bonding nila ni Sarah.

Makikita rito ang candid photo ng dalawa habang masayang nakangiti na animo'y nagtatawanan.

Kalakip nito ang caption na, "Celebrating the elegance of womanhood [heart emoji]."

Walang binanggit na detalye ang dalawa tungkol sa kanilang naging pagkikita, pero hinala ng netizens na may kaugnayan ito sa pinagdadaanan nilang kontrobersiya.

Noong mga panahong iyon ay napapabalita ang pagkakahiwalay nila sa kani-kanilang dating mga partner — si Mavy Legaspi kay Kyline at si Richard Gutierrez naman kay Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Read: Sarah Lahbati, Kyline Alcantara bond amid breakup rumors with their partners

January 20, 2024, ibinida ni Kyline sa kanyang Instagram Story ang naging dinner date nila ni Sarah.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "My lovely ate @sarahlahbati. Love you."

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

February 8, muling naulit ang pagpu-post ni Kyline sa kanyang Instagram ng litrato nilang magkasama ng nakahiwalayang asawa ni Richard.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sarah Lahbati finally confirms breakup with husband Richard Gutierrez

Noong March 27, nag-post si Kyline sa kanyang Instagram Story ng larawan nila ni Sarah, kalakip ang pasasalamat niya rito.

Makikita sa litrato na inaayos ni Sarah ang kuwintas ni Kyline, na naka-pose sa camera.

Ani Kyline, "I love you forever big siz. Thank you for always taking care of me. I got you for life."

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May 21, magkasama sina Kyline at Sarah sa Siargao para sa isang free diving.

Caption ni Kyline sa kanyang post (published as is), "grateful that I found a sister like you, @sarahlahbati."

Nireplayan ito ni Sarah ng (published as is), "Ily forever, lil sis."

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

June 5, in-upload ni Sarah ang TikTok video niya kasama si Kyline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Sarah Lahbati on TikTok

Noong August 1, huling nasilayan ng publiko ang interaksiyon ng dalawa nang i-repost ni Sarah sa kanyang Instagram Story ang picture mula sa photoshoot ni Kyline sa isang magazine.

"That’s my sis," saad niyang caption sa litrato ni Kyline.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Photo/s: Sarah Lahbati on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, hanggang ngayon ay nananatili pa ring naka-unfollow sina Kyline at Sarah sa isa't isa.

Read: Kyline Alcantara spotted with Kobe Paras and family

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara (in pink dress) and Sarah Lahbati (in black top) recently bond at the latter’s birthday celebration amid reported falling out after they unfollowed each other on Instagram.
PHOTO/S: Screengrab @TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results